You are on page 1of 2

WALA NG WALANG HANGGAN

Original song
Composed/Arranged: Mira

I
Unti-unting lumalayo sa akin
pangarap na dulong kasama.
At dahan-dahan, hindi ko na makita
ang larawan natin, kumupas na.

PRE-CHORUS:
Hanggang saan? Hanggang kailan?

CHORUS:
Maghihintay pa ba?
Tila yata mawawala ka na.
Bibitawan ba kita?
Pilit mang labanan,
Wala ng walang hanggan.

II
Nanlalamig, damdamin mo sa aki'y
Di tulad nung dating kasama ka.
Nagtataka, gulung-gulo ang isip
Tuluyan ba'ng simula ay matatapos na?

CHORUS:
Maghihintay pa ba?
Tila yata mawawala ka na.
Bibitawan ba kita?
Pilit mang labanan,
Wala ng walang hanggan.

BRIDGE:
At kung ito na ang huling sandali,
Hayaang tayoy magkunwari.
Higpitan kamay ng oras, susubukan pang pigilan
Sasabihin ang lahat, bago ka lumisan.

CODA:
Hindi na maghihintay.
Bibitawan na kita.
Sumuko na sa laban.
Wala ng walang hanggan.

**END**

You might also like