You are on page 1of 3

SIPI MULA SA KATITIKAN NG PANGKARANIWANG PULONG NG SANGGUNIANG BAYAN

NG ORION, BATAAN, NA GINANAP SA BAHAY PAMAHALAAN NOONG IKA-2 NG


NOBIEMBRE, 1981

DUMALO:

Kgg. Gabriel L. Manrique - Punong Bayan


Dr. Antonio H. Mariano - Pang. Punong Bayan
G. Teodoro T. Catalan - Kagawad
G. Peter T. Seeckts - Kagawad
G. Avelino J. Sabino - Kagawad
G. Ramon F. Flordeliz - Kagawad
G. Sinforoso Evangelista - Kagawad
G. Rafael M. Reyes - Kagawad
G. Alfredo E. Llamzon - Kagawad
G. Alfredo G. Hernandez - Pangulo KPB
Bb. Elizabeth B. Zulueta - Pangulo KB

DI DUMALO:

WALA

KAPASIYAHAN BLG. 51

SAPAGKAT, ang pagdami ng mga sasakyan sa isang pamayanan ay tanda lamang ng


malaking pagsulong sa kaunlaran ng bayan at malaganap ang kabuhayan ng mga
mamamayan;

SAPAGKAT, ang isa sa mabilis na pagdami ng sasakyan sa bayang ito ay ang


TRICYCLE na isang hanap-buhay na malinis at marangal na lubhang nakatulong sa kabuhayan
ng maliliit na mga mamamayan;

SAPAGKAT, batay sa statistiko ng Pulisya ng Orion, Bataan ang madalas na


nagaganap na krimen na tulad ng nakawan at pagkasira ng kabuhayan ng mg amamamayan ay
gawa ng Tricycle at siyang mismong kikakasangkapan sa pagtakas ng mga ari-arian;

SAPAGKAT, upang maiwasan o mabawasan ang ganitong masamang gawin ay


nararapat lamang ang mga tricycle driver ay makilala ang kanilang pagkatao at ang sidecar ng
tricycle ay lagyan ng malaking palatandaan kung dumating ang kadiliman;

Kaya’t dahil dito,

Sa mungkahi ni Kagawad Rafael M. Reyes na pinangalawahan ni Kagawad Ramon F.


Flordeliz, ay

IPINASIYA, na pagtibayin na kagaya ng sa ngayon ay pinagtibay ng buong


Sangguniang Bayan ng Orion ang sumusunod na Kautusan:

PAMBAYANG KAUTUSAN NG BUWIS BLG. 31

KAUTUSANG NAGTATAKDA NA ANG LAHAT NG TRICYLE DRIVER NA KUMUHA NG


PAHINTULOT NG PUNONG BAYAN AT PAGLALAGAY NG NUMERO SA KANILANG
GINAGAMIT NA SIDECAR
Ipinag-uutos ng Sangguniang Bayan sa Kapulungang ito na sa ngayon ay magpupulong
ang mga sumusunod:

PANGKAT I- Ipinag-uutos sa lahat ng Tricycle Driver na nasasakupan ng bayang ito nab


ago sila makapagmaneho ay nararapat lamang na sila ay kumuha sa Tanggapan ng Punong
Bayan na kagaya ng mga sumusunod:

1. Pahintulot ng Punong Bayan P20.00


2. Numero ng sidecar 10.00

PANGKAT II- Ang takda ng panahon ng kanilang pagbabayad ay sa tuwing iak-1 ng


Enero hanggang ika-20 ng Enero ng bawat taon at bago sila na makakuha ng pahintulot ng
Punong Bayan sila ay magbabayad muna sa Tanggapan ng Ingat-Yamang Bayan; subalit kung
sa takdang panahon ay hindi sila makapagbabayad, magmumulta sila ng patong ng 25% sa
itinakdang halaga;

PANGKAT III- Ang sinumang mahuli na lumabag sa Kautusang ito ay mapaparusahan


ng multang hindi kukulangin sa ISANG DAANG PISO (P100.00) at hindi naman hihigit sa
DALAWANG DAANG PISO (P200.00) o pagkakabilanggo ng hindi kukulangin sa tatlumpong
(30) araw at hindi naman hihigit sa apatnapu’t limang (45) araw o kapuwa ayon sa ipinasiya ng
Hukuman.

PANGKAT IV- Ang kautusang ito ay iiral o magkakabisa sa loob ng labing limang (15)
araw na ito ay mapagtibay.

IPINASIYA SA WAKAS, na pagkalooban ng sipi ng salin ng Kautusang ito, ang Ingat-


Yamang Panlalawigan, Balanga, Bataan, ukol sa kanilang pagpapatibay at ang kagawaran ng
Pulisya ng bayang ito ukol sa kanilang pagpapatupad sa Kautusang ito.

PINAGTIBAY NG BUONG PAGKAKAISA.


------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Pinatutunayan ko na ang nasabing Kapasiyahn/Kautusan ay tunay at matapat na salin


mula sa orihinal.

RENATO PANGILINAN
Kalihim

PINAGTIBAY:

GABRIEL L. MANRIQUE
Punong Bayan

Sipi ukol kay:

G. Pastor Vichuaco
Ingat-Yamang Panlalawigan
Balanga, Bataan

P/Captain Pedro B. Elarde


Station Commander INP
Orion, Bataan
G. Rolando B. Paguio
Ingat-Yamang Bayan
Orion, Bataan

You might also like