You are on page 1of 2

BANGHAY-ARALIN SA ARALING PANLIPUNAN 7

HUNYO 10, 2018

I. Layunin

a. Kasanayan sa pagkatuto

Nakapaghahambing ng kalagayan ng kapaligiran sa iba’t ibang bahagi ng Asya


-AP7HAS-Ic1.3
b.Tiyak na layunin

Pagkatapos ng 60 minuto, ang mag aaral ay inaasahang:

1. Nasusuri ang mga suliraning pangkapaligiran sa asya.

2. Nakagagawa ng sariling sulusyon sa mga suliranin sa asya.

II. NILALAMAN
Paksa: Mga Suliraning Pangkapaligiran sa Asya.

III. Kagamitan sa Pagkatuto:

a. Sanggunian: Araling Panlipunan “ASYA: Pagkakaisa sa Gitna ng Pagkakaiba”, Mudyol ng


Mag-aaral, p. 48-50
b. Mga Kagamitan: Projector at Loptop
IV. Pamamaraan

A. Paunang Gawain
a. Pagbabalik Aral
Mag bigay ng mga katagang napagaralan tungkol sa biodiversity sa asya.
Ano ang pagkakaunawa ninyo sa Biodiversity?
b. Pag- ganyak
“Suliranin sa aking Barangay”
Magbigay ng mg suliranin na nakikita ninyo sa inyong barangay.
c. Introduksyon ng bagong aralin
Sa Palagay ninyo ang suliraning inyong nabanggit sa makikita rin kaya sa ibang
lugar?
Nararanasan din kaya ito ng ibang bansa sa asya?

B. Paglinang sa Aralin
Panuto: Bigyan ng solusyong ang mga sumusunod na suliranin. Isulat ang iyong
sagot sa inyong kwaderno.
1. Pagkasira ng lupa
2. Urbanisasyon
3. Pagkawala ng Biodiversity
4. Pagkasira ng kagubatan

Pagkatapos ay ibahagi ito sa inyong klase.

C. Pangwakas na Gawain

a. Paglalahat
Ano-ano ang mga suliraning pangkapaligiran na nararanasan sa asya.
Ano ang ating magagawa upang maiwasan ang mga suliraning ito.

b. Pagsasabuhay
Bilang isang mag-aaral, ano ang iyong magagawa upang makatulong sa
pagsugpo ng mga suliranin sa ating kapaligiran?

c. Pagpapahalaga

Bakit mahalagang bigyan ng agarang solusyon ang mga nasabing suliranin?

d. Pagtataya
Gumawa ng isang salaysay sa tungkol sa mga suliraning pangkapaligiran sa
inyong barangay.

V. Takdang Aralin
1. Alamin ang mga pangkat etnolingguwistiko sa asya.
2. Tukuyin ang mga batayan sa pagpapangkat ng tao sa Asya.

You might also like