You are on page 1of 2

MALA MASUSING BANGHAY-ARALIN SA ARALING PANLIPUNAN 7

I. Layunin

a. Kasanayan sa pagkatuto

Nasusuri ang kaugnayan ng yamang-tao ng mga bansa ng Asya sa pagpapaunlad ng


kabuhayan at lipunan sa kasalukuyang panahon-AP7HAS-Ii1.9

b.Tiyak na layunin

Pagkatapos ng 60 minuto, ang mag aaral ay inaasahang:

1. Nasusuri ang kalagayan ng populasyon sa india.

2. Natutukoy ang mga dahilan ng pagtaas ng populasyonsa india.

II. NILALAMAN.
Paksa: Populasyon ng India.

III. Kagamitan sa Pagkatuto:

a. Sanggunian: Araling Panlipunan “ASYA: Pagkakaisa sa Gitna ng Pagkakaiba”, Mudyol ng


Mag-aaral, p. 78-79
b. Mga Kagamitan: Projector at Loptop.
IV. Pamamaraan

A. Paunang Gawain
a. Pagbabalik Aral
Ano ang masasabi ninyo sa patuloy ng paglubo ng populasyon sa mundo?
Ano ang masamang epekto ng malaking populasyon sa isang bansa?
Paano nga natin maaayos ang ating problema sa populasyon?

b. Pag- ganyak
BUOIN NATIN
Ang mga mag-aaral ay maguunahan na buoin ang salita na ipapakita.
Mga Salita.
1. India
2. Populasyon.
3. Mataas.
5. Problema.
c. Introduksyon ng bagong aralin
Ano ang inyong mabubuong pangungusap gamit ang mga salitang inyong binuo.
B. Paglinang sa Aralin
Gawain.
Panuto: Sa loob ng 20 minuto, suriin ang kaso ng populasyon ng india sa inyong aklat
sa pahina: 78-79.

Malayang talakayan

Pag katapos ay tatalakayin sa klase ang kaso ng populasyon ng india.

C. Pangwakas na Gawain

a. Paglalahat
Ano ang inyong natuklasan sa kalagayan ng populasyon sa india.
Ano ang mga kadahilanan ng mabilis na paglaki ng populasyon sa india.
b. Pagsasabuhay
Kung ikaw ang gagawa ng sulosyon, ano ang iyong mungkahi para masulosyonan
ang problema sa populasyon sa india.
c. Pagpapahalaga.
Anong aral ang iyong nakuha sa pagbabasa ng kaso ng populasyon sa india.

d. Pagtataya
Panuto: Sagutan ang sumusunod na katanungan?
1. Ano ang dahilan ng patuloy na paglaki ng populasyon sa india?
2. Nakaaapekto ba ang populasyon sa pamumuhay ng mga tao sa india?
Patunayan.
3. Paano nakaaapekto ang populasyon sa kapaligiran sa india.

V. Takdang Aralin
1. Alamin ang mahahalagang probisyon ng Republic Act 10354.

You might also like