You are on page 1of 5

DETALYADONG BANGHAY-ARALIN SA ARALING PANLIPUNAN 6

I. LAYUNIN
Pagkatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
1. Natutukoy ang mga Tradisyunal na Pagpapahalaga at Paniniwala.
2. Naipapakita ang kahalagahan /pagpapahalaga sa mga Tradisyunal na
Pagpapahalaga at Paniniwala.
3. Naisagawa ng may kasiglaan ang pangkatang gawain.

II. PAKSANG-ARALIN
A. Paksa: Mga Tradisyunal na Pagpapahalaga at Paniniwala
B. Sanggunian: Yaman ng Pililpinas, Batayang Aklat sa Heograpiya, Kasaysayan at
Sibika 6, pp. 39-42, Maritez B. Cruz et. Al

III. PAMAMARAAN
GAWAING PANGGURO GAWAING PANG MAG-AARAL

A. PANIMULANG GAWAIN
1. Panalangin/Pagbati
Magsitayo ang lahat para sa panalangin. AMEN.
Magandang umaga mga bata! Magandang umaga din po!

2. Balik-aral
Ngayon mga bata, bago tayo dumako sa
ating bagong aralin ay magbalik-aral
muna tayo, sino sa inyo ang nakatatanda Ma’am, Pagpapahalaga at Paniniwala ng
ng pinag-aralan natin kahapon? Ikaw nga mga Pilipino.
Marie?

Magaling! At ano nga ba ang dalawang


pagpapahalaga at paniniwala ng mga Ma’am, ang dalawang paniniwala at
Pilipino? Ikaw nga Juan? pagpapahalaga ng mga Pilipino ay ang
pagkakapantay -pantay at katapatan sa
paglilingkod.

Tama ang lahat ng inyong kasagutan!


Nagpapakita lamang iyan na lubos
ninyong naunawaan ang ating pinag-
aralan kahapon at at kayo ay handang- Opo!
handa na sa ating bagong aralin. Tama ba
ako mga bata?

B. PANLINANG NA GAWAIN
1. Mood Setting
Mga bata, mayroon akong inihandang
“Panunumpa ng Katapatan sa Pilipinas”.
Ang inyo lamang gagawin ay babasahin
ito ng may pagmamalaki bilang isang Opo!
mamamayang Pilipino.
Nauunawaan ba ako mga bata?

2. GAWAIN
A. Pagganyak
Mga bata sa palagay ninyo, ano-ano ang Ma’am,
mga pagpapahalagang nabanggit sa -Makadiyos
“Panunumpa ng Katapatan sa Watawat -Makakalikasan
ng Pilipinas”? Ikaw nga Vanessa? -Makatao
-Makabansa

At upang malaman ninyo kung ano ang


kinalaman ng inyong mga nabanggit na
salita sa ating bagong aralin, ay may
inihanda akong seleksyon para sa inyong
basahin. Ngunit bago iyon, mayroon
akong inihandang gawain para lubos
ninyong maunawaan ang inyong
babasahing seleksyon.

B. Paghahawan ng balakid HANAY B


Panuto: Hanapin sa hanay B ang tamang A. Sentenaryo
kahulugan ng mga salita sa hanay A.
Ilagay sa patlang ang tamang kasagutan. B. Sustainable Development Plan

HANAY A C. Pagsamba
_____1. Ito ay isang paraan ng
pagpapahayag ng pananampalataya.
_____2. Layunin nito na matugunan ang
pangkasalukuyang pangangailangan sa
kalikasan.
_____3. Ito ang ika-100 taong
anibersaryo ng kalayaan ng Pilipinas
noong Hunyo 12, 1998. Ma’am,
- umupo ng maayos
C. Pamantayan sa Pagbasa -mata lamang ang gamitin sa pagbasa
Ngayon mga bata, bago ko ibigay sa inyo -iwasang makipagkwetohan sa katabi
ang inyong babasahin, ano-ano ba ang
dapat nating tandaan sa tahimik na
pagbasa? Ikaw nga Anna?

Ma’am, ano-ano pa ang mga Tradisyunal


na Pagpapahalaga at Paniniwalang mga
D. Pagganyak sa Tanong Pilipino?
Ngunit bago ninyo simulan ang
pagbabasa, ano ang mga nais ninyong
malaman mula sa seleksyon? Ikaw nga
James?

E. Tahimik na Pagbasa
Bibigyan ko lamang kayo ng sampung
minuto para basahin ang seleksyon.
(Ibibigay ng guro ang seleksyong
babasahin)
Maaari na kayong magsimula sa pagbasa.
Ma’am, matibay ang paniniwala ng mga
3. PAGSUSURI Pilipino sa Diyos.
A. Pagsusuring Pangkaisipan
Ngayon mga bata, pagkatapos ninyong
mabasa ang selesyon ay sasagutan Ang atin pong mga ninuno ay may
naman natin ang ating katanungan sariling paraan ng pagsamba. Ang ating
kanina. mga ninuno din po ay sumasamba sa
Ano-ano daw ang mga tradisyunal na mga hayop, puno at iba pang bahagi ng
pagpapahalaga at paniniwala ng Pilipino? kalikasan. Nagsasagawa din po sila ng
mga ritwal at pagsasakripisyo upang sila
ay mabigyan ng masaganang kabuhayan
Mahusay! At ano naman ang iyong at mailigtas sa mga kapahamakan.
masasabi sa pagpapahalagang ito?
Ma’am, makakalikasan po.

Ma’am, umaasa po ang mga Pilipino sa


kapaligiran, ito po ay katumbas ng
kanilang buhay.

Ma’am, makatao po.


Ito ay pagbabayanihan, pagbibigayan, at
pagkakawanggawa at iba pang gawain na
Mahusay! Sino pa ang makapagbibigay nagpapahayag ng pag-ibig sa kapwa.
ng tradisyunal na paniniwala at
pagpapahalaga ng mga Pilipino?
At ano ang inyong masasabi tungkol
dito? Ma’am, makabansa po.
Ipinapakita po natin ang pagiging
makabansa natin sa pamamagitan ng
pagdiriwang, pagsasabuhay at pag-aalala
ng kalayaan ng ating bansa.
Ano pa ang paniniwala at pagpapahalaga
ng mga sinaunang Pilipino at ano ang Iyan po ang mga Tradisyunal na
masasabi ninyo tungkol dito? Paniniwala at Pagpapahalaga ng mga
pilipino.

Ma’am, paggalang sa ibang relihiyon.

Magaling! Ngayon mga bata, ano ang -Pagsulong ng mga programa upang
tawag ninyo sa mga ito? mapangalagaan ang ating kalikasan
katulad po ng Sustainable Development
B. Pagsusuring Pandamdamin
Plan at Clean Air Act.
Matapos, ninyong malaman ang mga
-Igalang po ang karapatan ng ating
tradisyunal na paniniwala at
kapwa tao.
pagpapahalaga ng mga Pilipino, paano
-Hindi pagpuputol ng mga puno at kung
naman natin ito mapapahalagahan?
puputol man ay palitan ito.
-Pagdiriwang po, pagsasapuso at
pagsasabuhay ng kalayaan ng ating
bansang Pilipinas.

Ma’am
-Makadiyos
4. PAGLALAHAT
-Makakalikasan
Mga bata, ano-ano nga muli ang mga
-Makatao
Tradisyunal na Paniniwala at
-Makabansa
Pagpapahalaga ng mga Pilipino? Ikaw
nga Jasmine?

Mahusay!

5. PAGLALAPAT
Ngayon mga bata, magkakaroon tayo ng
pangkatang gawain. Hahatiin ko kayo sa
apat na grupo. Isasadula ninyo kung Ma’am,
paano ninyo maipapakita ang -magkaisa po
pagpapahalaga sa mga Tradisyunal na -sumunod po sa panuto
Paniniwala at Pagpapahalaga ng mga -gumawa po ng tahimik
Pilipino.
Ngunit bago natin simulan, ano nga ba
ang dapat nating tandaan kapag
mayroong pangkatang gawain?

6. PANGWAKAS NA GAWAIN
“Mga Tradisyunal na Pagpapahalaga at
Paniniwala ay pahalagahan sapagkat ang
mga ito ay salamin ng ating katauhan.”

IV. PAGTATAYA
Panuto: Suriin at unawain ang mga pangugusap. Isulat sa patlang ang MD kung
nagpapakita ng ito ng Makadiyos. MK kung Makakalikasan. MB kung Makabansa at
MT kung Makatao.

_____1. Nagsasagawa ang mga Pilipino ng mga ritwal at pagsasakripisyo upang sila
ay mabiyayaan ng mas maganang kabuhayan at mailigtas sa kapahamakan.
_____2. Isinusulong ang programang Sustainable Development Plan dahil ang likas
na yaman ay hindi dapat maubos para sa susunod na salinlahi.
_____3. Sa panahon ng kagipitan at kalamidad tulad ng pagbaha tulad ng bagyo,
lindol at kaguluhan, laging handang tumulong ang mga Pilipino sa mga
nangangailangan.
_____4. Ipinagdiwang ng mga Pilipino ang Sentenaryo o ika-100 taon ng Kalayaan
noong Hunyo 12, 1998.

V. TAKDANG-ARALIN
Ano-anong kaugalian o gawi at kilos ang naglalarawan sa mga pagpapahalaga at
paniniwala ng mga Pilipino para sa mga sumusunod:
 MakaDiyos
 Makatao
 Makabansa
 Makakalikasan

Inihanda ni:

CASES, LOVELY JANE P.


BEED-2
(GROUP 8)

You might also like