You are on page 1of 3

Talasalitaan

1. matamlay - walang gana o lakas

2. kuro-kuro - mga iba't ibang pananaw o opinyon

3. onsa - salapi

4. indulgencia plenarya - dasal para matubos ang sarili mula sa mga nagawang
pagkakasala at magdulot ng pagpunta sa langit

5. naumid - nawalan ng imik o sasabihin

6. kompraternidad - grupo ng mga mananampalataya

7. isangguni - ihingi ng payo para maliwanagan hinggil sa isang bagay

8. nangatal - nanginig dala ng labis na takot

9. tuliro - taranta at hindi mabatid ang dapat gawin

10. bakol - buslo o bilao

Tanong
1. Siya ang namumuno sa confraternidad?

- Manong Pedro

2. Sino ang susunduin ni Sisa sa kumbento?

- Crispin

3. Ano ang kahulugan ng kompraternidad?

- Grupo ng mga mananampalataya

4. Magbigay ng dalawang miyembro ng kompraternidad.

- Manang Rufa, Manang Sipa, Manang Juana at


Manong Pedro

5. Anong paboritong gawin ng kura?

-Salad
Tauhan
Padre Salvi

Ang paring hindi mapakali ng araw na iyon, kung makikita ng iba ay animong may sakit
di mo kakikitaan ng magilas na galaw at eleganteng tindig at lohikal na pananalita agad
itong nagpalit ng damit pagkatapos mag misa at agad nan at tungo sa parokyang tirahan
ni hindi na pinansin ang mga taong naghihintay sa kaniya doon.

Manang Rufa

Siya ang taga tala ng Confraternidad sa akmang hahalik sana sa kamay ng pari ay
napahiya sapagkat hindi siya nito pinansin.

Manang Sipa

Ang manag na gusto sanag mangumpisal ngunit di rin pinansin ng pari, gusto rin sana
niyang mag ayuno upang makakuha ng dadag na indulhensya pero hindi nga pumasok sa
kumpisalan ang pari.

Manang Juana

At si Manang Juana naman ay kailangan daw naman niya ng maraming indulhensya para
sa kaluluwa ng kanyang asawa.

Manong Pedro

Siya ang namumuno sa confraternidad, naniniwala siyang hindi mararamihan ang mga
indulhensyang nakukuha niya , bilang tinitingalang puno ng samahang panrelihiyon at
ikalawa ay sa dahilang maraming iskapularyo at rosary ang nakasabit sa leeg niya.

Sisa

Ang ina nina Basilio at Crispin, nagtungo siya sa kumbento upang sunduin ang kanyang
anak na si Crispin nagdala siya ng mga prutas at ibat-ibang klase ng gulay inilagay niya
iyon sa isang basket at pinalamutian pa ng magagandang bulaklak upang magustohan
dawn g kura, ngunit pagdating niya doon ay tanging kusinero lang at kayulong ang
kanyang nadatnan sapagkat may sakit daw ang kura.

Ang kusinero

Ang masungit na kusinero na nagwikang huwag mag iiyak si sisa sa kumbento ng


malaman niyang wala doon si crispin at sa kakaiyak daw ni sisa ay baka magising ang
kura, siya din ang nagsabing mana ang anak niyang si Crispin sa ama nito na malikot ang
kamay hindi iyon matanggap ni Sisa kaya siya nag iiyak.  

Ang katulong

Ang nagsabi kay Sisa na tumakas daw si Crispin at nag nakaw at baka daw pinaghahanap
na ito ng mga sundalo ngayon
BUOD
Napuna ng mga manang na matamlay at tila may-sakit si Pari Salvi ng magmisa
kinabukasan.  Naruon sa kumbento ang mga manang at manong upang isangguni
sa kura kung sino ang pipiliin niyang magsermon sa kapistahan ng bayan.  Si
Pari Damaso ba?  Pari Martin o ang coordinator?  Sa kanilang paghihintay,
naging paksa sa kanilang usapan ang tungkol sa pagkakaroon ng ‘indulhensiya
plenarya,’ na siyang tanging kailangan ng mga kaluluwang nagdurusa sa
purgatoryo upang mahango roon.  Ang isang karaniwang indulhensiya sa
kanilang pagkaalam ay katumbas na ng mahigit na 1,000 taong pagdurusa sa
purgatoryo.  Ang mga manang na nag-uusap ay pinangungunahan ng isang
batang-batang balo, Manang Rufa at Manang Juana.  Dahil sa kanilang
kaabalahan sa pag-uusap, hindi nila napansin ang pagdating ni Sisa.

Siya ay mayroong sunong na bakol na puno ng sariwang gulay na pinitas niya sa


kanyang halamanan.  Mayroon din siyang halamang dagat na katulad ng pako,
na paboritong gawing salad ng Kura.  Suot niya ang kanyang pinakamagandang
damit.  Tulog pa si Basilio ng umalis siya sa kanilang dampa.

Dumiretso si Sisa sa kusina ng kumbento.  Inaasahan niya na marinig ang tinig


ni Crispin.  Ngunit hindi niya ito marinig.  Binati niya ang mga sakristan at
kawasi sa kumbento.  Hindi siya napansin ng mga ito.  Kung kaya’t siya na
mismo ang nag-ayos sa mga dala niyang gulay sa isang hapag.

Nakiusap si Sisa sa tagapagluto kung maari niyang makausap ang Pari.  Pero,
sinabi sa kanyang hindi sapagkat may sakit ito.  Tinanong niya ang tagapagluto,
kung nasaan si Crispin.

Ang sagot sa kanyang tanong ay parang bombang sumabog sa kanyang pandinig:


Si Crispin ay nagtanan din pagkatapos na makapagnakaw ng dalawang onsa at
ng pagkawala ng makapatid.  Naipagbigay alam na ng alila sa utos ng kura ang
pangyayari sa kwartel.  Ang mga guwardiya sibil ay maaring nasa dampa na nina
Sisa upang hulihin ang magkapatid, pagdiin pa ng alila.

Nangatal si Sisa.  Naumid ang labi.  Mabilis na tinakpan ang kanyang dalawang
tainga nang paratangan siya ng alila na isang inang walang turong mabuti sa mga
anak dahil nagmana ito sa ama.

Tuliro siyang nagtatakbong nilisan ang kumbento.  Gulong-gulo ang isip.

Aral
Ang kaligtasan ng bawat kaluluwa kailanman ay walang katapat na halaga. Hindi
ito nabibili. Tanging kabutihan ng loob ang susi para sa tunay na kaligtasan.

You might also like