You are on page 1of 6

VERAZON, JAYLORD B.

BSN-4
Panitikang Filipino
June 29, 2022

PAGSUSURI NG AKDANG EL FILIBUSTERISMO


A. Uri o Genre ng Aklat o Akda
Ang El Filibusterismo ay isinulat sa ring nobela. Ito ay ang sinasabing karugtong ng
naunang isinulat na pinamagatang Noli Me Tangere. Nakailalim ito a genreng
piksiyon at tumatalakay sa mga pangyayari sa Pilipinas sa panahon g pananakop ng
mga Kastila.
B. May-akda
Si Dr. Jose Protacio Rizal Mercado y Alonso Realonda, na ating pambansang bayani,
ay nakaranas ng diskriminasyon mula sa kanyang mga propesor sa Unibersidad n
Santo Tomas nang siya'y mag-aral ng medisina. Siya'y nanatili sa unibersidad na
nabanggit hanggang sa kanyang ikalawang taon. Mayroong alitan sa pagitan ng mga
Dominikano at Heswita. At ang Unibersidad ng Santo Tomas ay pinamumunuan ng
mga Dominakano at dahil si Rizal ay Ateneista kung saan kinikilala ng mga
Heswitang pari ang kaniyang angking kakayahan, siya ay madalas na ipahiya sa Santo
Tomas. Isa ito sa nagtulak sa kaniyang isulat ang El Filibusterismo. Ang iba pa niyang
dahilan ay upang maipakita sa mga Pilipino ang mga kakatwang pag-uugali nila
noong panahon ng paghahari ng Espanya. Ilan na dito ang mga lalaking nagbibihis ng
magarbo at nagmamayabang kahit na walang laman ang mga utak. Ang mga baba
nama'y nagpapanggap na mistisa kahit na mga purong Pilipino tulad ni Donya
Victoria. Ang ilan pa'y ang mga matatandang lalaking kahit na walang pinag-aralan at
walang alam sa pamumuno' y sumisipsip upang mabigyan ng kapangyarihan.
C. Pag-unawa
a. Ilahad ang pangkalahatang pananaw ng aklat o akda.
Ang El Filibusterismo ang siyang nagturo s aka-Pilipinuhan g pagkabihasa,
pagbabagum-buhay, at ng landas a tungo sa kaligtasan. Kaligtasan na ipinamukha ng
akda na makakamit lamang sa pamamagitan ng pagtayo sa sariling mga paa at sariling
pagsisikap.
b. Masusing ilahad ang kahalagahan ng aklat o akda.
Sinasabing ang akdang El Filibusterismo ay may malaking ginampanan sa pag-aaklas
VERAZON, JAYLORD B.
BSN-4
Panitikang Filipino
June 29, 2022

ng mga Pilipino noon a pinangunahan ng mga Katipunero o ng grupong


Kataastaasang Kagalanggalangang Katipunan g mga Anak ng Bayan (KKKAB).
Sinasabing inimpluwensiyahan ng akda ang rebolusyon at nalaman ng mga
Katipunero ang mga hakbangin ng mga Kastila sa 'di-tuwirang paraan. Dagdag pa
rito, isang tulong ang akda sa pag-aalis ng mga balakid na nakahahadlang sa
pakikipag-laban g Katipunan.
D. Pagsusuri at Pagpapakahulugan
a. Suriin kung tapat at makatuwiran ang mga kaisipan at kaalamang ibinibigay
batay sa mga pinanghahawakang katibayan.
Sa aking palagay ay naging tapat at makatuwiran ang mga kaisipan at kaalamang
inilahad sa akda. Sapagkat ipinakita rito kung paano nagising ang mga Pilipino sa
mga maling gawain ng mga Kastila noon. Tinalakay din dito ang tungkol sa
katiwaliang naganap noon na bunsod g mga opisyal ny pamahalaan at mga prayle.
b. Talakayin kung malinaw ang pagkakalahad ng mahahalagang impormasyon.
Para sa akin, kung susuriin nang mabuti ay nailahad nang malinaw ng may-akda ang
mga mahahalagang impormasyon na kanyang gustong ibahagi sa kadahilanang,
napakaganda at napakahusay ang pagkakayari ng kwento nito. Marami rin itong
taglay na kaisipang moral, emosyonal at pangkasaysayan. Hindi nakapagtatakang
naimpluwensyahan nito
ang pag-aaklas at paghihimagsik ng mga Pilipino noon. Pinapatotohanan ng nobela na
bumabagsak ang mga imperyo, nagsasalin-salin ang mga henerasyon, namamatay ang
mga tao, ngunit ang kasaysayan at mga akdang pampanitikan ay hindi mabubura
kailanman.
c. Pangatwiranan kung madaling maunawaan ang nilalaman ng aklat o akda.
Ang nilalaman ng akdang El Filibusterismo ay hindi madaling maunawaan sapagka't
pormal, matalinhaga at matayutay. Marami ring mga simbolismo ang nakapaloob sa
bawat bahagi ng akda. Gumamit rin ng kapanabikan sa mga bahagi ng akda kung saan
maaksyon ang mga kaganapan.
d. Tukuyin kung angkop ba ang aklat o akda sa pinag-uukulang mambabasa
VERAZON, JAYLORD B.
BSN-4
Panitikang Filipino
June 29, 2022

nito.
Ang akda ay makabuluhan, makatotohanan at tutugon sa sensibilidad ng mambabasa.
Ito ay ibinatay ni Dr. Jose Rizal sa kanyang karanasan at sa mga pangyayaring
kanyang nakita sa kanyang paligid. Ang tema ng El Filibusterismo ay pampolitika at
paghihimagsik. Ipinakita rito kung paano nagising ang mga Pilipino sa mga maling
gawain ng mga Kastila noon. Tinalakay din dito ang tungkol sa katiwaliang naganap
noon na bunsod ng mga opisyal ny pamahalaan at mga prayle.
e. Ipaliwanag kung madaling basahin ang aklat o akda.
Para sa akin, kung ako ang tatanungin ay mahirap itong basahin sapagka't ito ay
ginamitan ng mga matatalinghagang salita at tayutay na mahirap ding intindihin at
basahin.
f. Isa-isahin sa pamamagitan ng paglalahad kung may pakinabang na ibinibigay
ang aklat o akda.
Ang El Filibusterismo ang siyang nagturo sa ka-Pilipinuhan ng pagkabihasa,
pagbabagum-buhay, at ng landas tungo sa kaligtasan. Kaligtasan na ipinamukha ng
akda na makakamit lamang sa pamamagitan ng pagtayo sa sariling mga paa at sariling
pagsisikap.
E. Pagpapahalaga
a. Ilahad ang kahalagahan ng kabuuang pinapaksa ng aklat o akda.
Ang layunin ng El Filibusterismo ay mamulat sa matang mga Pilipino sa mga
kabuktutan ng pamahalaang Espanyol. Maraming Pilipino ang naapi at naabuso
habang ang iba nama'y nagbubulag-bulagan sa hinagpis ng kanilang mga kababayan.
Layunin nitong maghimagsik sa mga Espanyol na walang-awang nang-abuso sa ating
mga kababayan. Ngunit isa rin sa mga layunin nito ang maipakita sa atin na hindi
lahat ng mga pari ay masama at mapang-api.
b. Ilahad at ipaliwanag ang mga nabanggit na ilang detalye sa aklat o akda na
tumatalakay sa kalagayang sosyal at pangkabuhayan ng mga Pilipino, kulturang
Pilipino at simbolismong Pilipino.
Kalagayang Sosyal
VERAZON, JAYLORD B.
BSN-4
Panitikang Filipino
June 29, 2022

Ang El Filibusterismo ay nagtataglay at nagpapaliwanag sa ating paniniwala na tayo'y


inabuso ng mga Kastila. Ito ay napatunayan ng mga karanasan ni Dr. Jose rizal at ng
iba pang mga rebolusyunista. Ito ay makatotohanan at nagpapakita sa buktot na
sistema noong panahon ng Espanyol. Natutuhan ko sa El Filibusterismo na magaling
manlinlang ang mga tao. Tulad ng mga Kastila, ginamit nila ang kanilang relihiyon
upang linlangin tayong mga Pilipino at paikutin sa palad nila. Itinatago nila ang
kanilang kasalanan lalo na ang mga prayle sa pagkukunwaring relihiyoso nila.
Kalagayang Pangkabuhayan
Ang kalagayan panlipunan ng mga Pilipino noong panahon na isinulat ni Rizal ang
nobelang El Filibusterismo ay isang panahon ng pananakop ng mga Kastila kung saan
mayroong nagaganap na mga katiwalian at pangaabuso sa kapangyarihan sa
pamahalaan.
Kulturang Pilipino
Masasalamin dito ang pagkakaroon ng pagpapabor sa eskwelahan. At ang palaging
pagpapabura o ung tinatawag nating palaging nakapanig sa mga mayayaman. Kahit
hanggang ngayon ay nangyayare ito baka dahil namana natin ito sa ating mga ninuno
Simbolismong Pilipino
Maraming simbolismo ang makikita sa El filibusterismo. Sa unang bahagi ang bapor
tabo na hinati sa Kastila at Indiyo ay nagsisimbolo sa paghahati rin ng lipunan sa
dalawa: ang mahihirap at mayayaman. Mababasa rin natin na inilarawan ang bapor
tabo na maputi sa labas at may kaaya-ayang anyo sa labas ngunit sa loob nito ay
maingay, malansa at mabaho ang amoy. Sinisimbolo nito na ang pamahalaan ay
mapagkunwari. Malinis lang ang labas ngunit napabaho naman sa loob, ibig sabihin
ay ang pamahalaan ay korupt at madaya sa loob.
F. Pagpapalawak
a. Natuklasan
Labis akong namangha sa aking natuklasan na ang nobelang El Filibusterismo na
isinulat ng ating pangbansang bayani na si Dr. Jose Rizal, ay may hindi madaling
pinagdaanan. Malaking sakripisyo pala ang kaniyang ginawa upang maisakatuparan
VERAZON, JAYLORD B.
BSN-4
Panitikang Filipino
June 29, 2022

lamang ang pagkalimbag sa nobela, bagama't ang makapagpagising sa mga


kababayang pilipino sa katiwaliang ginagawa ng mga kastila ang kaniyang mithiin,
iba ang naging pagtanggap noon ng mga ito, bagkos labis na paghihirap ang namayani
sa kanila mula sa mga kastila na itinuturong nag-ugat noong sinimulan ang pagbuo sa
nobela. Kung kaya't nabuo ang galit sa kanilang mga puso, na naging dahilan ng
lalong pagkabulag ng kanilang mga mata at pag-usig sa kaniyang pamilya. Kaya't
napilitan siyang ipagpatuloy ang nobela sa ibang bansa kahit na kapos sa pera,
bagama't kulang sa pinansyal ay nagtagumpay siya sa tulong ng kaniyang kaibigan na
si Valentin Ventura.
Para naman sa mga tauhan masasabi kung napakagaling ng pagkakasulat sa mga ito
ayon sa bawat katangian at karakter na kanilang ginagampanan, napanindigan ng may
akda ang pagpapatuloy ng istorya lalo na at kilala itong kasunod ng isa pang nobelang
Noli Me Tangere.
Sa kabuuan ay makikita natin na hindi nasayang ang sakripisyong ibinigay ni Rizal sa
kasalukuyan, patunay dito ang pagkamit natin sa kalayaang ngayon ay ating naaasam.
b. Reaksiyon
Ang El Filibusterismo ay pagpapatuloy ng Noli Me Tangere. Matapos pagkamalang
patay na si Ibarra, siya ay nagbabalik bilang si Simeon. Napansin ko na may politikal
na partisipasyon na rin ang mga kabataan, at masidhi na ang pinapakita ng
pangunahing karakter ni Rizal. Sa istorya ni Basilio at Isagani, nais nilang isulong ang
Akademya g Wikang Kastila.Ito ay upang maturuan sila ng wikang Kastila at upang
maintindihan nila ang pinag-uusapan ng mga mananakop. Sa dalawang karakter na
ito, nalaman ko na hindi hadlang ang murang edad upang gumawa ng mga hakbang
para sa lahat ng Pilipino. Kahit bata pa ay gumagawa na sila ng hakbangin para sa
bayan Natutuhan ko sa El Filibusterismo a magaling l manlinlang ang mga tao. Tulad
ng mga Kastila, ginamit nila ang kanilang relihiyon upang linlangin tayong mga
Pilipino at paikutin sa palad nila. Itinatago nila ang kanilang kasalanan lalo na ang
mga prayle sa pagkukunwaring relihiyoso nila. Hindi ito napapansin ng mga Indio.
Napansin ko kay Simeon na masidhing damdamin a ang kanyang ipinapakita. Nais na
VERAZON, JAYLORD B.
BSN-4
Panitikang Filipino
June 29, 2022

niyang maghiganti. Nais na niyang palayain ang bansang Pilipinas at patayin ang mga
mananakop sa pamamagitan ng pagpapasabok habang sila ay nasa malaking kasalan.
Ngunit ang bang tao ay may pansariling reaksyon sa pangyayari, tulad ni Isagani.
Itinakbo niya ang lampara upang mailigtas si Paulita, ang taong mahal niya na nasa
kasalan din Mamatay na sana ang masasamang mananakop, ngunit nagging
makasarili si Isagani. May mga pangyayari talaga na kailangan natin isakripisyo ang
sariling kapakanan para sa ating Inang Bayan. Ito ay patunay lamang na mahal natin
talaga ito. Huwag dapat tayo maging makasarili. Hindi man maganda ang nangyari sa
mga karakter sa nobela, ang mahalaga ay naturuan tayo nito ng mahahalagang aral na
dapat natin gawin sa tunay na buhay. Ito ay magagawa lamang natin kung may
pagmamahal talaga tayo sa ating Inang Bayan.

You might also like