You are on page 1of 2

IKALAWANG MARKAHAN: FILIPINO 9 WORKSHEET / WEEKS 5-6

Pangalan: _______________________________________ Guro: Bb. FATIMA G. SALMINGO / Gng. ROSALIE D. RAZONABLE


Antas at Pangkat: ________________________________

ARALIN 5: IMAHE AT SIMBOLO NG MAIKLING KWENTO

Sa pagtatapos ng araling ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang (a) nahihinuha ang kulturang nakapaloob sa binasang
kwento na may katutubong kulay; at (b) nabibigyang kahulugan ang mga imahe at simbolismo ng binasang kwento

Ang Maikling Kwento sa ibaba na pinamagatang “Lura ng Demonyo” ay halimbawa ng Kwento ng Katutubong Kulay.
Narito ang maikling deskripsyon ng Kwento ng Katutubong Kulay

Kwento ng Katutubong Kulay


-pinapahalagahan dito ang tagpuan – ang pook na pinangyarihan ng kwento. Karaniwan ay maraming paglalarawan
tungkol sa pook, hindi lamang pisikal kundi pati na rin ang pangkalahatang ugali ng mga tao roon, ang kanilang mga kilos/gawi,
mga paniniwala, pamahiin at pananaw sa buhay.

Karagdagang Gawain Bilang 1: (sumangguni lamang sa worksheet) (8 puntos)


Panuto: Tukuyin kung ano ang ipinapahiwatg o sinisimbolo ng mga sumusunod na salita. Isulat sa nakalaang patlang ang titik
nang tamang sagot.

______1. puno a.pag-asa b.buhay c. kaginhawaan ______5. buwaya a.malaki b.matapang c. sakim
______2. ilaw a.pag-asa b.buhay c. kaginhawaaN ______6. krus a.pananalig b.pag-ibig c. malasakit
______3. tinik a.sagabal b.pakikiisa c. kasawian ______7. ahas a.taksil b.sinungaling c. marumi
______4. kalapati a.sagabal b.pakikiisa c. pagmamahal ______8. Itim a.sagabal b.pakikiisa c. kasamaan

LEKTURA 1:

Imahe at Simbolo
Sa pagsulat ng mga akdang pampanitikan, madalas gumamit ang mga manunulat ng imahe at simbolo upang maging mas marikit
at kaaya-aya ang isang akda. Madalas itong gamitin sa tula at maikling kwento.

IMAHE
- Tumutukoy sa paggamit ng figurative at descriptive na wika upang lumikha ng mga imahe sa isipan ng mga mambabasa.
- Layunin nito na makabuo ka ng imahe sa iyong isipan mula sa iyong nabasa.

Halimbawa:
A. Rinig na rinig ang langitngit ng kanilang bubong at pagbagsak ng mga puno habang binabayo ng malakas na bagyo
ang kanilang lugar. (sa halimbawang ito, subukang isipin ang imahe na nabubuo sa inyong isipan.)
B. Ang gintong araw ay nagpamalas ng kanyang ganda sa huling pagkakataon bago bumalot ang dilim sa paligid. (sa
halimbawang ito, subukang isipin ang imahe na nabubuo sa inyong isipan.)

SIMBOLISMO
- Ang salitang ito ay nagsasagisag ng isang ordinaryong bagay, pangyayari, tao o hayop na may nakakabit na
natatanging kahulugan. Maaring ang mga simbolo ay nanggaling sa mga karaniwang simbolo na namana sa mga nagdaang iba't
ibang salin-lahi o mga nilikhang simbolo gaya ng mga nilikhang tauhan, bagay o pangyayari ng mga manunulat upang maipahayag
o maipabatid ang kanilang ideya o hangarin na nais makarating.
- Kadalasang ginagamit ang simbolismo sa mga tula. Ginagamit ito ng mga manunulat sa hindi literal na paraan para ipabatid ang
hangarin. Ang intensyon ng manunulat ay dapat malapit o makuha ng mambabasa ang tunay na ideya ng tula.

Halimbawa:
• pusang itim - malas, may mangyayaring masama o hindi maganda • puti - kalinisan o kadalisayan
• pusong itim -masama ang hangarin o hindi mabuting tao • puso - pag-ibig o pagmamahal
• maria clara- tipikal na dalagang pilipina o binibining mahinhin • kalapati - kapayapaan o pakikiisa
• itim - kamatayan, kadiliman, kasamaan o maaaring kahirapan • pula -kaguluhan, pakikilaban o katapangan
1
Performance Task

Karagdagang Gawain Bilang 2 : (Sumangguni sa Worksheet) (30 puntos)


Panuto: Iguhit ang imahe na nabuo sa inyong isipan gamit ang pangungusap/parirala mula sa binasang maikling kwento. Gawin
ito sa bondpaper (any size) at idikit ito sa worksheet.
Tandaan: Maging malikhain sa pagguhit. Maaring kulayan.

Bumuo ng Imahe: “Lahat sila'y mga oni (demonyo), na may tig-iisang pares ng sungay. Ang ilan sa kanila'y iisa lamang ang mata,
samantalang ang iba'y maraming mga kamay, at ang iba pa'y may tig-iisang paa lamang.”

Karagdagang Gawain Bilang 3: (5 puntos)


Panuto: Ipaliwanag ang kultura, paniniwala, pamahiin na ipinakita sa binasang maikling kwentong “Lura ng Demonyo”. Isulat ito sa
inyong sagutang papel at idikit sa worksheet.

ARALIN 6: MGA BAHAGI AT SANGKAP NG MGA DULA

Sa pagtatapos ng araling ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang (a) nauuri ang mga tiyak na bahagiat katangian ng isang
dula batay sa napakinggang dayalogo; (b) nasusuri ang binasang dula batay sa pagkakabuo at elemento nito; at (c) naipapahayag
ang damdamin at pang-unawa sa napakinggang akdang orihinal.

Karagdagang Gawain Bilang 1: (Sumangguni sa Worksheet) (15 puntos)


Panuto: Batay sa binasang dula na “Munting Pagsinta” punan ang talahanayan sa ibaba, ibigay ang hinihingi nito.

Mga Sangkap ng Dula Kasagutan

Tauhan

Tagpuan

Saglit na Kasiglahan

Tunggalian

Kasukdulan

Karagdagang Gawain Bilang 2: (5 puntos)


Panuto: Punan ang patlang, isulat ang sagot sa nakalaang espasyo sa ibaba.

Isang bagay na natandaan ko sa pagsulat o paggawa ng dula, ito ay nagbibigay libang, nagbibigay ____________,
pumupukaw ng ___________at humihingi ng pagbabago.

Sanggunian:
Pivot 4A Learner’s Material, pahina 23-31
Panitikang Asyano (Kagamitan ng mga mag-aaral sa Filipino), pahina 150-155
Kahulugan at Halimbawa ng Simbolismo: https://web.facebook.com/562439730761558/posts/-mga-halimbawa-ng-simbolismo-at-kahulugan-
kahulugan-ng-simbolismo-ang-salitang-i/1172975459707979/?_rdc=1&_rdr
Pagkakaiba ng Imahe at Simbolo: https://tl.weblogographic.com/difference-between-imagery
Halimbawa ng Imahe: https://www.youtube.com/watch?v=_pwWcTjbQlM

You might also like