You are on page 1of 2

Carla Abellana finally breaks silence on split with Tom Rodriguez: “I was disrespected. I was betrayed.

I was lied to.”

Sa kauna-unahang pagkakataon ay nagsalita na si Carla Abellana tungkol sa hiwalayan nila ng asawang si


Tom Rodriguez.

Sa kanyang YouTube account, sinagot ni Carla ang netizens na nanita sa kanya kung bakit niya ni-like ang
“cheating” post ni Ai-Ai delas Alas sa Instagram kahapon, June 15.

Isang netizen ang sumita kay Carla dahil binura umano nito ang comment niya sa YouTube vlog ng aktres
kahapon din.

Sabi ng netizen: “And my comment was removed hahaha. Bakit? Takot ka mabasa na hypocrite ka. Wag
ka magbait baitan kasi Hindi ka mabait [angry emoji]”Sumawsaw ang isa pang netizen sa usapan.

Buwelta nito kay Carla: “Ayaw mong negativity sana d ka na lang nag like sa mga nega comments kay
tom, sana nung nagka problema kayo sana hindi ka nag igs na humihingi ka ng tulong?

CARLA FINALLY SPEAKS UP

Dito na tila sumabog si Carla kaya’t ipinaliwanag ang sarili at inilabas ang matagal nang kinikimkim na
galit sa puso.

Panimula ni Carla, “opo, nag like po ako, pero yun lang po ang ginawa ko. Hindi ko na po yun inulit.

“Nag like po ako pero hindi ko po ginawa ng paulit-ulit at ng matagal.

"Ang taong lubos na nasaktan hirap pong pigilang hindi ilabas ang galit sa anumang paraan.”

Makahulugang dagdag niya: “I was disrespected. I was betrayed. I was lied to. I was used. I was shamed.
I was made to look so stupid.

“Kung sana hanggang dun lang po makakabangon din po ako balang araw.”
Ang labis daw ikinagalit ni Carla ay ang pagdamay sa kanyang pamilya sa usapin nilang mag-asawa.

Aniya, “Pero para gawan pa po ako at ang pamilya ko ng mas marami pang kasamaan at kataksilan sa
mga sumunod na araw, linggo at buwan, sobra sa sobra na po ang sakit at pagdurog ng puso at pagkatao
ko."

Iginiit din ni Carla na hindi niya ginawan ng masama si Tom, bagkus lahat ay ginawa niya para sa asawa.

Sabi ng aktres: “Wala po akong ibinigay kay Tom kundi tunay na pagmamahal, respeto, pag-aalaga, pag-
aaruga, pag-unawa, pagtitiis, sangkatutak na pagpapatawad, milya-milyang pasensya, paniniwala,
pagtiwala, pag-aasikaso, pag protekta, lahat lahat na.”

Wala nang iba pang sinagot na komento si Carla

You might also like