You are on page 1of 1

"Tama na kahirapan, Pagbigyan na ang mamamayan\"

Mahigit ilang dekada na ang dumaan ngunit hindi pa rin na-reresolba ng ating bansa ang
kahirapan na nararanasan ng Pilipinas. Alam kong isang malaking katanungan kung paano natin
magagawan ng paraan upang tuluyang maibsan ang kahirapan. Higit din nating naramdaman ang
kahirapan, noong nagsimula ang pandemya, tila hindi mabigyan ng pagkakataon na maka-ahon
ang ating bansa. Ngunit ano nga ba ang maaari nating gawin upang unti-unting makaalis sa
kahirapan?

Bilang kabataan, mayroon akong maliliit at malaki ring naiisip na plano upang unti-unti nating
maiwanan ang kahirapan. Una, ay ang pagiging mandatory ng edukasyon sa "bawat kabataan".
Sabi nga nila ay ang edukasyon ang daan sa tagumpay, kaya naman kung lahat ng kabataan ay
magkakaroon ng pagkakataon upang makapagaral ay puwede silang maging asset ng ating bansa
upang matulungan ang kanilang bayan. Pangalawa, ito ay isang malaking hakbang dahil
kinakailangan ang gobyerno para rito, ito ay ang pagoapatupad ng mga plano o pagkakaroon ng
higit na mas malaking emergency funds ng bansa. Na gagamitin kung sakaling maulit nanaman
ang pandemyang ito. Mas mainam na natayo'y maging handa upang hindi tayo mag kakaaligaga
na umutang nang umutang sa internasyonal na pautangan upang hindi na rin lumaki ang tax na
binabayaran ng mga mamamayan.

Iilan lamang ito sa mga naiisip kong paraan upang maging maunlad na ang mamamayan sa ating
bansa. Kinakailangan lamang nating magka-isa sapagkat, para rin ito sa mga susunod pang
henerasyon.

You might also like