You are on page 1of 1

Sa kabanatang ito ating matutuklasan ang lubusang paghihimutok ni Florante.

Sa
gitna ng madilim na kagubatan, ating nasaksihan ang kaniyang bigat at galit na
nararamdaman. Sama ng loob dulot ng pagtaksilan siya ni Laura, ang kaniyang
iniibig.
Nasaksihan natin na nanatiling nakagapos si Florante. Pawis at luha ay
rumaragasa, walang nakakakita ni nakakarinig sa kaniya. Tanging sarli lamang
niya.
Maririnig sa buong kagubatan ang kaniyang ungol. Kaniyang sinasambit ang mga
kataga para sa kaniyang Laurang iniibig at sa diyos na may kapal.
Sa saknong 39, masasabi nating pilit na kinukuwestyon ni Florante ang hangin
kung bakit biglaang nakalimutan ni Laura ang sinumpaang pag-ibig dito.
Mababasa sa saknong 39 hangang 41 ang kaniyang pagtatangis kay Laura. Dito
niya nasambit ang mga sama ng loob, dahil Naging buo ang tiwala niya kay Laura
subalit sa likod ng kagandahang tinatangi nito ay may nagtatagong isang taksil.
Pilitniyang isinusumbat sa dalaga ang sumpa ng kanilang pag-iibigan.

You might also like