You are on page 1of 2

Aralin 2 Notes

Paglalahad (Presentation)

WIKA Ayon kina Pamela Constantino at Galileo Zafra (2008), “ang wika ay isang kalipunan ng mga salita
at ang pamamaraan ng pagsasama-sama ng mga ito para magkaunawaan o makipagkomyunikeyt ang
isang grupo ng mga tao.”

KAHULUGAN NG WIKA

• Kasangkapan ng komunikasyon o pakikipagtalastasan

• Tagapagdala ito ng mga ideya at naiimpluwensyahan nito ang ugali ng tao, ang isip at damdamin.

• Nagbubuklod sa isang lipunan na may iisang kultura.

Hindi matatawag na isang lipunan ang isang grupo ng mga tao kung wala silang wikang komon.

Ayon kay Henry Gleason (1988) – Ang wika ay masistemang balangkas ng mga sinasalitang tunog na
pinipili ay isinasaayos sa paraang arbitraryo upang magamit ng mga taong kabilang sa isang kultura.

Ayon kay Archivald Hill (1976) – Ang wika ay pangunahin at pinakaelaboreyt na anyo ng simbolikong
gawaing pantao.

Ayon kay Webster (1974) – Ang wika ay isang Sistema ng komunikasyon sa pagitan ng mga tao sa
pamamagitan ng mga pasulat o pasalitang simbulo. Ang wika ay tunay na mahalagang kasangkapan ng
tao sa pakikipag-ugnayan sa kanyang kapwa. Naipapahayag at naihahatid niya ang kanyang ideya at
saloobin sa kanyang kapwa gamit ang wika. Mahalaga ang papel na ginagampanan ng wika sa buhay ng
tao sapagkat ginagamit niya ito sa iba’t ibang aspeto ng kanyang buhay. Ang wika rin ang nagsisilbing
pagkakakilanlan ng isang bansa. Ang isang bansang may sariling wika ay maituturing na isang bansang
malaya.

KATANGIAN NG WIKA

1. May sistematik ng balangkas. Pangunahing katangian ng isang tunay na agham ang pagiging
sistematik. Dahil may katangiang makaaghanm ang isang wika, naging batayan ito upang umiral
ang larangan ng Linggwistiks, ang pag-aaral ng wika. Hindi lamang nakabatay sa ngayon sa Balarila
o Gramar ang pagtuturo ng wika. Malaliman ngayong tinatalakay ang isang wika mula sa fonoloji,
morfoloji, hanggang sa sintaks.

Ponema – tawag sa makabuluhang tunog


Ponolohiya – makaagham na pag-aaral ng mga tunog Morpema – pinakamaliit na yunit ng salita
Morpolohiya – pag-aaral ng morpema

Salitang-ugat Paruparo, halu-halo, sarisari, alang-alang Panlapi unlapi – unahan kabilaan –


kabilaan gitlapi – gitna laguhan – una, gitna at hulihan hulapi – hulihan Ponema ponema ---
morpema --- salita --- parirala --- sugnay (makapag-iisa at di makapag-iisa) --- pangungusap Sintaks
– makaagham na pag-aaral ng mga pangungusap Diskors – makahulugang palitan ng mga
pangungusap ng dalawa o higit pang tao.
2. Binibigkas na tunog.
Hindi lahat ng tunog ay binibigkas at hindi rin naman lahat ng tunog ay makabuluhan. Ang
ponemik ang tunog na makabuluhan. Ang pagiging makabuluhan ng tunog ay yaong
nakapagpapaiba ng kahulugan ng salita. Ang ganitong phenomenon ng wika ang siyang dahilan
kung bakit sa kabila ng pagkakaroon ng 28 letra ng ating bagong alfabeto, 21 lamang ang fonim o
ponema at 1 sa 21 ito ay walang katumbas na grafema o letra – ang glottal na pasara sa lumang
balarila ay tinatawag na impit a tunog. Mapapansin ito sa mga salitang malumi at maragsa.
3. Pinipili at isinasaayos.
Kasama ang retorika sa mga batayang kurso sa kolehiyo. Layon nito ang makapagpahayag nang
mabisa sa pamamagitan ng wastong pagpili at pagsasaayos ng wika. Hindi lamang kasi basta
binibigkas at inaalam ang kahulugan ng mga salita.

4. Arbitrari
Ang wika ng isang pamayanan ay nabuo ayon sa napagkasunduang termino ng mga taong
gumagamit nito. Dahil dito, nagkaroon ng indentidad ang bawat wika na sadyang ikinaiba ng
bawat isa.
5. Nakabatay ng kultura.
Kaugnay ng pagiging arbitrari ang pagiging kapantay ng kultura ng wika. Walang wikang umunlad
pa kaysa sa kanyang kultura, gayundin walang kulturang yumabong nang di kasabay ang wika.
May wika sapagkat may kultura. May kultura sapagkat may wika.
6. Patuloy na ginagamit Walang saysay ang anumang bagay kung hindi naman ito ginagamit.
Kapag hindi ginagamit, nangangahulugan lamang na wala itong silbi. Ito ang dahilan kung bakit
mahalagang katangian ng wika ang pagiging gamitin nito.
7. Daynamik o nagbabago.
Itinuturing na “patay” ang isang wika kung wala na itong tinatanggap na pagbabago. Hindi totoo
na patay na ang wika ay wala nang gumagamit at dahil doon, ay wala nang silbi. Tulad ng ibang
bagay, ang wika man ay nagbabago, at ang pagabbago ng wika ay nangangahulugan lamang na
ito ay buhay sapagkat umuunlad at patuloy na sinasalita ng mga taong gumagamit nito.

You might also like