You are on page 1of 3

Republic of the Philippines

Department of Education
Region IV-A CALABARZON
Division of Laguna
District of San Pedro
PACITA COMPLEX NATIONAL HIGH SCHOOL
Sampaguita St. Pacita Complex I, San Pedro City, Laguna
Telefax (02) 8475316 Email: pcnhs1999.rrnbcdj@gmail.com

Pangalan: _________________________ Petsa: _________________


Baitang: _____________ Guro: __________________

LAGUMANG PAGSUSULIT
IKAAPAT NA MARKAHAN
FILIPINO 7

I. A. Tukuyin ang hinihingi sa bawat bilang.

1. Ito ang pinakakaluluwa ng isang dulang itatanghal sapagkat lahat ng bagay na isinasaalang-alang sa dula ay
nagmumula rito.
A. Iskrip B. Tulang Romansa C. Philippine Drama
2. Ito ay isang uri ng tula ng pasalaysay tungkol sa pakikipagsapalaran at kabayanihan na karaniwang mga
maharlikang tao ang nagsisiganap. Ang tagpuan ay karaniwang sa isang kaharian sa Europa.
A. Iskrip B. Tulang Romansa C. Tulang Dula
3. Ito ay ang paglalapat ng kahulugan ng isang bagay ng mga taong gumagamit dito. Ang ________ay panandang
nakikita sa pamamagitan ng paglalarawan ng anumang bagay na kumakatawan sa nais isagisag nito.
A. Iskrip B. Larawan C. Simbolismo/Simbolo
4. Bilang ng pantig sa bawat linya o taludtod ng Ibong Adarna.
A. 8 B. 12 C. 16
5. Ang Ibong Adrana ay halimbawa ng ________?
A. Awit B. Korido C. Dula

B.Piliin ang kahulugan ang mga salitang nagpapahayag ng damdamin na nakasalungguhit sa bawat
pangungusap. Isulat ang titik ng tamang sagot.
6. Ang puso ni Don Juan ay punumpuno ng tinik ng siphayo dahil sa muling pagtataksil ng dalawang kapatid.
A. pag- aalala B. pagkabigo C. pag- asa
7. Si Don Juan ay nakipagbati sa kanyang mga kapatid sapagkat wala ng naiwang salaghati sa kanyang puso.
A. inggit B. kalungkutan C. sama ng loob
8. Ang buhay ng Armenya ay payapa at malayo sa anumang ligamgam sa puso at isip.
A. kabalisaan B. kaguluhan C. kasamaan
9. Ang magagandang karanasan ng magkakapatid sa bundok Armenya ay nag- iwan ng salamisim.
A. kahiwagahan B. malungkot na alaala C. masasayang alaala
10. Labis na kasabikan ang namayani kay Don Juan na Makita ang loob ng balon.
A. matinding pagkagusto
B. matinding pagkatakot
C. matinding pag- aalala

III. Isulat ang titik T kung TAMA ang mga kaisipang nabanggit, at titik M kung ito ay MALI.
11. Ang kahariang Berbanya ay pinamumunuan ni Haring Salermo at Reyna Valeriana.
12. Si Don Diego ang panganay na anak na unang inutusan upang hulihin ang Ibong Adarna.
13. Piedras Platas ang pangalan ng bundok na tinitirhan ng Adarna.
14. Gamit ang dayap at labaha ay natalo ni Don Juan ang antok dulot ng awit ng Adarna.
15. Napatay ni Don Pedro ang Serpyente at Higante.
IV. Piliin ang titik ng tamang sagot at isulat sa sagutang papel.

16. Ano ang orihinal na pamagat ng Ibong Adarna?


A. Corrido at Buhay na Pinagdaanan nang Tatlong Principeng Magcacapatid na Anac nang Haring Fernando
at nang Reina Valeriana sa Cahariang Delos Cristales
B. Corrido at Buhay na Pinagdaanan nang Tatlong Principeng Magcacapatid na Anac nang Haring Fernando
at nang Reina Valeriana sa Cahariang Berbania
C. Corrido at Buhay na Pinagdaanan nang Tatlong Principeng Magcacapatid na Anac nang Haring Fernando
at nang Reina Valerina sa Cahariang Delos Cristales
D. Wala sa nabanggit.

17. Ano ang dalawang anyo ng tulang Romansa?


A. awit at korido C. epiko at ballad
B. dalit at soneto D. epiko at korido
18. Nagkasakit si Haring Fernando dahil sa ___________.
A. nakain C. masamang panahon.
B. panaginip D. pagod sa pamamahala
19. Ang isa sa mga haka-haka tungkol sa manunulat ng akdang ito ay:
A. Isinalin ang akda sa Filipino
B. Si Huseng sisiw ang sumulat/nagsalin sa akda
C. Ginawa itong kabahagi sa pag-aaral ng kabataan
D. Si Jose Dela Cruz ang naglimbag sa obrang ito.
20. Ang Ibong Adarna ay isang uri ng tulang __________.
A. pasalaysay C. liriko
B. romansa D. panlansangan
21. Base sa binasa sa itaas, kahit hindi nagmula sa Pilipinas ang Ibong Adarna, ito ay niyakap na din ng mga Pilipino
dahil _____________.
A. Dahil sa kagandahan ng kuwento
B. Dahil sa kakisigan ng mga tauhan
C. Dahil sa kaangkupan ng kulturang Pilipinong nakapaloob dito
D. Dahil sa pag-angkin ng ating mga ninuno sa obrang ito ng Mexico
22. Ang salitang korido ay mula sa salitang Kastila na ________.
A. Kurrido C. Occurido
B. Occur D. Okorido

23. Ang Ibong Adarna ay isang dayuhang panitikan. Bagamat hindi naitala kung sino ang nagsalin nito sa Wikang
Filipino ay masasalamin dito ang pagiging malikhain ng manunulat. Bakit mahalagang pag-aralan ang Ibong Adarna
kahit ito ay dayuhang panitikan?
A. Dahil ito ay dinala sa Pilipinas ng mga Kastila at lahat ng kanilang dinala ay dapat nating pahalagahan.
B. Dahil ito ay bahagi ng kulturang Pilipino at kapupulutan ng mga aral.
C. Dahil magiging tanyag tayo kapag alam natin ang mga akdang pampanitikang katulad ng Ibong Adarna.
D. Dahil ito ay kasama sa mga aralin sa Filipino.

24. Sa saknong na ito, sino ang tauhang tinutukoy at ano ang ugali o katangiang ipinakikita rito?
“Ama ko’y iyong tulutan ang bunso mo’y magpaalam, ako ang hahanap naman sa iyo pong kagamutan.
A. Si Don Juan, ipinakikita rito kung gaano siya kamapamahiin.
B. Si Don Juan, ipinakikita rito ang pagkukusa upang mahanap ang lunas sa sakit ng kaniyang ama.
C. Si Don Pedro, ipinakikita rito kung gaano siya kamapamahiin.
D. Si Don Diego, ipinakikita rito ang pagkukusa upang mahanap ang lunas sa sakit ng kaniyang ama.

25. “O pagsinta na ang lakas kalabanin ay kayhirap, pag ikaw na ang bumihag hahamakin na ang lahat!” Ano ang
kaisipang nais ipahiwatig ng pahayag?
A.Mahirap kalabanin ang pag-ibig.
B.Makapangyarihan ang pag-ibig.
C.Mapanghamak ang pag-ibig.
IV. Itapat ang pangalan ng tauhan sa HANAY A sa katangian nito sa HANAY B. Isulat ang titik ng tamang
sagot.

26. Haring Fernando a. ang prinsesang unang nakilala ni Don Juan sa Armenya
27. Don Juan b. ama nina Maria Blanca, Juana at Isabela
28. Don Pedro c. makapangyarihang ibon na nakikita sa Tabor.
29. Haring Salermo d. Hari ng Berbanya
30. Maria Blanca e. ang nagbabantay kay Donya Juana
31. Ibong Adarna f. ahas na may pitong ulo.
32. Higante g. tumulong kay don Juan na mahuli ang Adarna
33. Ermitanyo h. ang tinatawag na “Sumikat na isang Araw” ni haring Fernando.
34. Donya Juana i. babaeng mapapangasawa ni Don Juan
35. Serpyente j. panganay na anak ni Haring Fernando

VI. Piliin sa mga pahayag ang karanasan ng mga pangunahing tauhan sa akda. Pusuan ( ) ang tapat ng
bilang kung ang karanasang ito ay nasasaad sa teksto at ekis (X) kung hindi.

______ 36. Nakaligtas sa kamatayan ang hari dahil sa awit ng ibong Adarna.
______ 37. Pinatay ang kapatid dahil sa galit.
______ 38. Nakalimot ang prinsepe sa pangako niya sa prinsesa.
______ 39. Nakasal ang hari sa kasintahan ng anak.
______ 40. Nalampasan ang pagsubok para mapangasawa ang prinsesa.

You might also like