You are on page 1of 8

SCRIPT

SCENE 1:

Mayroong isang grupo ng mga PFA helper na naghahanda dahil mayroong bagyo na patuloy na
sumasalanta sa lungsod ng Olongapo, sila ay kasalukuyang nanonood ng tv,upang makahagilap
ng balita, mga ilang minuto pa ay naabala ng isang balita na babago sa buhay ng bawat isa.

(Naguusap usap ang lahat tapos lalabas yung balita sa tv)

Christian: Uy! Wag kayong maingay may balita na oh

(CLIP NG BAGYONG ONDOY)

Kurt: Kailangan nating pumunta don diba? Kawawa yung mga kababayan natin

Ann: Oo nga ay sandali may tumatawag... opo, handa kaming lahat makakapunta po kami, asap.

(Kunyare may tumawag na pinapapunta kayo sa scene)

Liah: Tara na ba? Kaya natin to, kailangan tayo ng mga tao. Sabay sabay at sama sama tayong
pupunta doon ng may compassion sa bawat isa satin.

(Naghanda ang lahat at pumunta na sa scene)

___________
Pagdating doon ay Nakita nila ang mga tao na lubhang naapektuhan ng bagyo, may mga taong
nakahiga, nakaupo, may naghahanap ng kanilang mga pamilya.

SCENE 2 (A very distressed person)

Shacia: hindi ko na alam gagawin ko... nasan ba pamilya ko bat kailangan mangyare sakin to,
nay, tay...nasan na kayo (nakaupo sa gilid habang umiiyak at nakasabunot sa ulo)

(dahan dahan na lumapit si Sharmaine na may dalang kumot upang ilagay sa balikat ni Shacia)

Sharmaine: ako si Sharmaine, nandidito ako para tulungan ka, okay lang ba na umupo ako sa tabi
mo? Pwede ko bang malaman yung pangalan mo?

Shacia: (tumango) ako si shacia ignacio..

Sharmaine: nagugutom kaba, nauuhaw? Meron kabang kailangan? Ligtas ka dito, at pwede
mokong pagkatiwalaan.

Shacia: kailangan ko yung pamilya ko, nawawala sila...


Sharmaine: natatandaaan mo ba kung kelan mo sila huling nakita?

Shacia: hindi ko na matandaan, nung tumaas na ng tumaas yung tubig, nagging maingay na yung
mga tao, sobrang dilim nadin kaya di ko na sila Nakita at napansin.. hindi ko alam kung patay na
sila, yung bunso kong kapatid masyado pang maliit para maransan niya lahat to.

Sharmaine: pwede ko bang malamn yung pangalan ng ibang miymebro ng pamilya mo para
matulungan kitang hanapin sila?

Shacia: nanay ko po si Odette, tatay ko si lance yung kapatid ko po si Layla, lahat po kami
Ignacio apelido, sana okay lang sila at buhay.. (iyak) ang bahay po namin ay malapit sa
horseshoe

Sharmaine: okay lang ba na iwan kita saglit habang binibigay ko ang mga impormasyon na to sa
mga search and rescue team? Para matulungan nila ko sa paghahanap sa pamilya mo? Maraming
ibang helper ang nandidito, may makikita ka na may suot ng gantiong ID (pakita ang ID),
lumapit ka lang sakanila kung may kailangan ka at tiyak na matutulungan ka nila...

(lumapit si Christian upang bigyan ng tinapay at tubig si Shacia)

Shacia: maraming salamat po sainyo, sa pagtulong po sakin. Pagpalain po kayo.

SCENE 3
Sa kabilang banda si Liahona naman ay naantig ang puso sa isang bat ana umiiyak sa gilid ng
magisa at walang pumapansin, nilapitan niya ito upang kausapin

Liah: hello, ako si ate liah, anong pangalan mo?

Child: (frightened) ano po kasi… ano.. Ahhh…

Helper: gusto mo bang dumistansya ako sayo o lumapit pa ako?

Child: lapit ka lang po. Ano. Ako po si gelai

Helper: bakit ka takot? Anong nangyari?

Child: ano po kasi. (cries) nawawala po mama ko, papa ko tsaka mga kapatid ko. Hindi ko po
alam kung nasaan sila. Natatakot po ako. (continue to cry)

Helper: gusto mo bang humanap tayo ng pwesto para matulungan kita? Doon tayo banda (points
finger) sa may mga nakaupong matatanda. May mga juice don at laruan. Okay lang ba sayo?

Child: sige po.

(fade animation)
(the helper gave the child a blanket and a toy and a bottle of water)

Helper: anong narararamdaman mo? Kumportable ka na ba? Ano bang gusto mo?

Child: okay naman na po ako. Sila mama, papa lang po iniisip ko po. Hindi ko po alam kung
nasaan sila. Kanina pa po ako dito hindi ko sila makita… natatakot po ako.

Helper: saan mo ba huling nakita sila mama, papa at mga kapatid mo?

Child: nung lumikas po kami. Kasama ko po sila, kaya lang biglang nagkagulo dahil rumagasa
yung baha habang naglalakad kami papunta po dito.

Helper: nung rumagasa yung baha nagkahiwa hiwalay kayo? Paano nangyari yun?

Child: hawak lang po ni papa yung kamay ko. Nagmamadali po kaming maglakad nyon. Kaya
lang po, yung nasa likod po namin, nakikipag unahan. Nabunggo po nila ako tapos natumba po
ako. Nabitawan po ako ni papa tapos pagtingin ko po, wala na po sila.

Helper: natumba ka? May natamong sugat ka bang sugat?

Child: wala naman po. Okay naman po ako.

Helper: kung napahiwalay ka, paano ka pala nakarating dito?

Child: sinundan ko lang po yung mga tao dito,

Helper: sige, pwede ko bang malaman ang pangalan ng mga magulang mo?

Child: pangalan po ng papa ko ay edward tapos si mama ko po ay si bella

Helper: yung mga kapatid mo, anong pangalan nila?

Child: lylia po yung panganay namin tapos po richard po yung pangalawa. Ako po yung bunso
nila.
(child crying)

Helper: tahan na, gelai. Lahat ng mga impormasyon na nakuha tungkol sa pamilya ay ibibigay
ko doon sa team na makakatulong sa mahanap ang pamilya mo. Sa tingin mo saan ba pupunta
ang pamilya mo?

Child: alam ko po dito din.

Helper: sige dito muna kami maghahanap kasama nung team na makakatulong ko. Sa ngayon,
dito ka lang muna kasama nila ate at kuya. Wag kang aalis dito. Sila ang bahala sayo. Okay lang
ba sayo?
Child: opo.

Helper: bago kita iwan dito, may iba ka pa bang kailangan? Tubig, pagkain?

Child: wala naman po. Basta hanapin nyo sila mama, papa at mga kapatid ko.

Helper: kung ganun, lapitan mo lang yung mga ate at kuya na kasama ko na merong gantong id
ha? Wag ka pupunta kung saan saan babalikan kita dito. Pwede mo ba promise sakin yon? Kung
may kailangan ka. Sila ang bahala sayo. Wag kang mag atubili na lumapit saamin kung may mga
karagdagan kang kailangan.

Child: opo ate maraming salamat po (iyak)

Scene 4

Pagkarating palang sa evacuation center ay agad ng napanisn ni Christian ang isang buntis na
babae na nakahiga at umiiyak habang yakap ang kanyang ang anak na nagwawala.. ito ay agad
pinuntahan ni christian upang tulungan ito.

Christian: ate? Pwede ko ho ba kayong lapitan? Ako nga po pala si Christian isa po akong PFA
helper, handa po akong tumulong at making sainyo kung ako po ay inyong hahayaan.

Ejay: opo maari po kayong lumapit

Tan: may masakit po ba sainyo?

Ejay: wala pero pagod nako sobrang pagod na pagod nako.. at nawawala pa ang tatay ng mga
anak ko (iyak) at hindi ko sila kayang buhayin.. hindi ko kaya

Tan: kaya niyo ho bang tumayo? Tutulungan ko po kayong makalipat sa mas komportable na
upuan o higaan.

(tumango si ejay at inupo ito sa upuan, binihgyan ng kumot, tubig at pagkain habang ang bata ay
binigyan ng dede)

tan: okay lang po ba kung ako muna ang maghawak sa anak niyo upang makakain po kayo kahit
konti?

Ejay: hindi ako gutom at wala akong gana.. (iyak)

tan: kahit konti lang po ay kailangan niyong kumain para magkaroon po kayo ng lakas

(inabot si baby at uminom ng tubig at kumagat sa tinapay)


Tan: maari ko bang itanong kung ano po ang pangalan niyo at ng asawa niyo?

ejay: ejay Dayandante po, ang asawa ko naman po ay jasper cullen

Tan: kelan niyo po huling Nakita ang inyog asawa?

Ejay: nung tinutulungan na kami ng red cross na lumikas, pinauna nila ako at anak ko dahil ako
ay buntis, naiwan pa yung asawa ko at hindi ko na alam kung nakaabot ba siya sa mga susunod
na lumikas... ayoko siyang iwan pero hindi pwede (iyak) sana hinayaan nalang nila ako na
maiwan kasama ang asawa ko (iyak)

Tan: alam ko pong mahirap na mawalay sa ating mga minamahal, gagawin ko po ang aking
makakaya upang mahanap po ang inyong asawa. Meron pa po ba kayong mabibigay na
impormasyon sakin upang mapadali ang aking paghahanap?

ejay: naka black na tshirt siya na may logo na star na Malaki sa likod na parte, huli kaming
nagkasama sa maliit na center namin.

Tan: maraming salamat po sa pagbibigay ng impormasyon sakin, hindi po ako nangangako pero
gagawin po naming ang lahat para sainyo ng anak mo. Kung baka sakaling kailanganin niyo po
ako, lumapit lamang po kayo sa mga kasama ko na merong gantong ID, tutulungan po nila kayo.

Ejay: alam kong pagsubok lang ng diyos to sakin, maraming salamat sa pagbibigay ng tulong mo
sakin.

Biglang sumabat si klarenzz as a negative person.

klar: nagpapaniwala ka dyan eh ibibigay niya lang din naman yan sa mga tao don sa search and
rescue pero di naman talaga nila hananapin, tapos wag kang aasa, lahat kayo wag kayo umasa
dahil magiging katulad ko lang kayo. Umaasa sa wala.

Tan: ma’am huminahon po kayo, okay lang po ba na sumama po kayo sakin upang mapagusapan
po natin yung problema po at pwede niyo pong sabihin samin kung ano man pong kailangan
niyo, ma’am

(Ann at tantan dinala siya sa mas tahimik na lugar)

Klar: bakit totoo diba? Hindi naman kayo tumutulong talaga. Sa dami ng tao dito! Wala sainyo
ang tumutulong sa pamilya ko! Mga wala kayong kwenta!

Ann: ma’am kumalma po kayo, meron na po ba kayong nilapitan upang hingian ng tulong?

Klar: kanina pako nandito, kanina pako nanghihingi ng tulong, kanina pako lumalapit pero
walang nakakapansin (iyak pero galit)

ann: naiintindihan ko po na natatakot kayo at nagaalala para sa pamilya niyo, ma’am pero wala
pong magagawa yung pagsigaw, at pagpatay ng Pagasa na nararamdaman ng ibang tao, ma’am.
Pag masdan po natin yung paligid natin na kahit mahirap, magulo at masakit ang nangyayare
sakanila, sila ho ay nagdadasal at naniniwala sa mga tao na handing tumulong

Klar: yung pamilya ko... *sob* pano na yung pamilya ko... yung nanay at kapatid ko. Tatlo
nalang kami at ayoko ng mabawasan pa. buong buhay ko inalay ko para sakanila, para mabigyan
sila ng maayos na buhay *Sob* tapos mawawala lang dahil sa baha? *cry*

(binigyan ng kumot at tubig)

Ann: naiintindihan ko po na hindi madali yung pinagdadaanan niyo, ma’am. Ako po si ann isa
po akong PFA helper, handa po akong making sainyo at tumulong sa paraan na makakaya ko

Klar: sigurado ka bang matutulungan mo ko? *galit* alam ko na hindi! Ganyan naman kayo eh
puro kayo mga salita kanina pa ko dito!

Ann: Ma’am kumalma po kayo. wag po kayong mag alala at nandito po ako. Handa akong
makatulong sayo sa ngayon pwede ko po ba malaman ang pangalan niyo?

Klar: ako si klar siguraduhin mo lang na matutulungan mo ko dahil nagagalit na ko!

Ann: Opo ma’am ang request ko lang po sayo ay kumalma kayo. Una po kailan niyo po huling
Nakita ang pamilya niyo?

Klar: nung rumagasa kasi yung baha andaming tao tapos nagkalayo layo na kami.

Ann: sige ho ma’am pwede ko po ba malaman ano ang pangalan ng nanay at kapatid niyo?

Klar: ang pangalan ng nanay ko si Marites di maano at ang kapatid ko naman ay si Cris d maano.

Ann okay ma’am katulong ng mga rescuer hahanapin natin ang pamilya mo huwag po kayong
mag alala dahil may mga katulad ko na helper dito na pwede niyo din pag tanungan nandito lang
po kami kung meron kayong mga karagdagan na kailangan o impormasyon.

Klar: Sige *calm* sana po ay matulungan niyo ko pasensya na at kanina medyo nag histerikal
ako sana maintindihan niyo ko at nag alala lang ako para sa pamilya ko.

Ann: wag po kayo mag alala ma’am naiintidahan naming salamat po sa cooperation niyo.

SCENE 5

Sa kabila ng gulo at ingay merong isang tao na nanatiling tahimik at kalmado, kahit na siya rin
ay naapektuhan ng bagyo, makikita parin sa kanyang mga mat ana siya ay handing tumulong.

(Josh ay lumapit kay kurt)


Josh: ahm.. sir, pwede ho ba kayong makausap?

kurt: ay opo, pero bago po iyan pwede po ba tayong lumipat doon sa may gilid upang
mkapagusap tayo ng mas tahimik at komportable?

Josh: opo

(naglakad onti then umupo)

Kurt: Ako nga po pala si Kurt, is apo akong PFA helper at handa po akong tumulong at making
sainyo. Ano po bang maipaglilingkod ko sainyo?

(nagbigay ng kumot, tubig at pagkain)

Josh: ako po si Joshua Ocampo, isa po yung pamilya namin sa mga naapektuhan po ng bagyo, aa
dami ng pinagdaanan ko kahapon, ngayon at sa mga susunod na araw, gusto ko lamang ilahad
ang aking damdamin at karanasan.

Kurt: maari niyo po bang ikwento sakin ano po nangyare? Ligtas ka dito, Josh. pwede niyo po
akong pagkatiwalaan.

Josh: (huminga ng malalim at napatigil sandal)

Kurt: okay lang, josh. Sabihan mo lang ako pag handa kana hihintayin kita hanggang sa maging
komportable kana

(pause mga 5 seconds then go)

Josh: naibalita ho na magkakaroon ng bagyo at magiging signal number 3 nga daw po ang bayan
natin pero kagabi sadyang napakalakas po ng ulan at hindi ito tumitila.

Kurt: paano niyo po nalaman na oras na para magtaas ng mga importanteng gamit?

Josh: noong naramdaman ko po na hindi talaga titila yung ulan at unti unti ng tumataas ang tubig
sa daan, napagdesisyunan na po ng pamilya ko na magimpake ng isang bag na may damit,
pagkain, flashlight at extra battery ng cellphone.

Kurt: Pagkatapos po?

Josh: (huminga ng malalim) nagsimula ng pumasok sa bahay namin ang tubig hanggang sa
kinailangan na naming umakyat sa bubong para makasigurado na walang malulunod samin at
lahat kami ligtas. Maraming tao na ang nanghihingi ng tulong, pero sadyang ang tagal dumating
ng mga responde. Pagod na ang lahat pero sumisigaw padin ng tulong.

Kurt: anong oras ho dumating ang responde?


Josh: mga 4 ng madaling araw na, laking pasasalamat naming na kami ay buhay, kumpleto at
naligtas.

Kurt: Ang mga desisyon niyo po at tapang ang nakapagligtas sainyong pamilya, josh. Maraming
salamat sa mga impormasyon na inyong binigay sa akin. Hindi biro ang pinagdaanan mo at mga
desisyon na kailangan mong gawin para sa pamilya mo. Kung meron ka pang kailangan, lapitan
mo lang yung mga kasama ko na may gantong ID (pakita) para matulungan ka nila, sila ang
bahala sayo basta’t wag kang mahihiya mag approach sakanila.

Josh: maraming salamat po kurt at oo lalapit ako pag ako ay may kailangan o nais pang sbihin.

(umalis na si bort)

Nang matapos ang isang buong araw nap ag bibigay ng Psychological First Aid ang mga helper,
sila ay muling nagkatipon sa kanilang lugar.

Kurt: grabe yung pinagdaanan ng mga tao noh?

Sharmaine: oo nga eh iba’t ibang emosyon, iba’t ibang sitwasyon at kwento.

Liah: may mga buo ang pag asa, may iba naming nawalan na ng pag asa

Ann: may mga taong matapang at handa paring lumaban, marami rin ang lumapit sa Panginoon
para sa kanilang mga hinaing.

Galang: at sa lahat ng nangyare, nakakatuwa padin at madami tayong natulungan, marami tayong
pamilya na pinagkaisa muli, maraming napagaan ang loob at higit sa lahat, marami tayong
tinuruan kung pano maging makatao sa gitna ng mga sakuna.

(PIC NG HELPER WITH CLIENT TO END)

You might also like