You are on page 1of 5

Para sa pagsusuri ng Maikling Kuwento

MABINI COLLEGES, INC.


Daet, Camarines Norte

Pagsusuri ng Akda

A. Pamagat ng Akda – May akda:


Sugat ng Kahapon na isinulat ni Ailyn Del Monte

B. Sanggunian:
https://steemit.com/literaturang-filipino/@ailyndelmonte/literaturang-filipino-or-
sugat-ng-kahapon

C. Kahulugan ng pamagat:
Ang “Sugat ng Kahapon” ay nangangahulugan ng pinsala o gasgas na natamo ng
tauhan mula sa kanyang pagkabata na hanggang sa ngayon ay nag-iiwan pa rin ng bakas
hindi lamang sa kaniyang pisikal na kaanyuan kundi pati na rin sa kanyang isip at
damdamin.

D. Buod:
Labing-dalawang taon na ang nakalipas nang muling sumagi sa isip ni Trina ang
isang pangyayari mula sa kanyang pagkabata. Ito ay nakaukit na sa kanyang puso at nag-
iiwan ng malubhang pagkakasugat na kahit ilang taon na ang nakaraan ay hindi pa rin
naghihilom. Pitong taon siya noon nang siya makaranas ng sekswal na pang-aabuso mula
sa kaniyang lolo. Si Trina ay anak sa pagkadalaga ng kaniyang ina at dahil hindi siya
magawang panagutan ng kaniyang mga magulang ay iniwan siya ng kaniyang ina sa
kaniyang lolo at lola. Dahil sa hirap ng buhay ay bumalik ang lola niya sa ibang bansa
upang mag hanapbuhay. Dahil sa malayo ang kaniyang lola at ito ay matagal nang hindi
umuuwi, nag-asawa muli ang kaniyang lolo. Siya ay trinato nito na parang tunay na apo.
Palagi itong nasa palengke upang magtinda habang ang kaniyang lolo ay walang ginagawa
kung hindi ang uminom kasama ang mga kaibigan nito.

Isang araw ay umuwing lasing ang kaniyang lolo galing sa inuman. Tinawag siya
nito at sinabing “Apo may binili akong lolipop para sayo, halika dito lumapit ka kay lolo
ng maibigay ko na sayo" at doon na nangyari ang karahasan nang siya ay dalhin sa kwarto
at isara ang mga bintana kasabay ng pagsara ng pinto habang siya ay kumakain ng lollipop.
Hindi doon natapos ang pangyayari at ito ay muli pang naulit kasama ang kaibigan ng lolo
ni Trina. Dahil sa pananakot ng lolo niya ay hindi niya magawang magsumbong.

Lumipas ang ilang araw ay nalaman din ng kaniyang pangalawang lola ang
pangbababoy na ginagawa sa kaniya. Tinawagan nito ang lola ni Trina na nasa ibang bansa
subalit dahil malayo ito ay hindi nito nagawang kasuhan ang lolo ni Trina. Inilayo si Trina
mula sa kaniyang sitwasyon. Dinala siya ng kaniyang tunay na lola sa kapatid nito at doon
nakaramdam siya ng kaligtasan at tahimik na pamumuhay.

Si Trina ay kasalukuyang nasa kolehiyo ngunit ang sugat na dinulot ng kahapon ay


nananatiling sariwa sa isip at puso.

E. Pagsusuri
a. Uri ng Panitikan – Maikling kwento

b. Istilo ng Paglalahad – Ang kwento ay gumamit ng pagbabalik tanaw upang


mailahad ang mga pangyayari mula sa nakaraan.

c. Mga Tayutay

Simile/Pagtutulad
Ito’y paghahambing ng dalawang magkaiba o di magkaurig bagay, tao,
kaisipan, pangyayari, atbp. sa hayagang pamamaraan
✓ Ako ay parang laruan na tila ba’y walang pakiramdam kung babuyin ako ng
aking lolo at ang kaibigan nito.

Pagtatambis o Oksimoron
Sa pagtatayutay na ito ay pinagsasama o pinag-uugnay ang dalawang bagay
na magkasalungat upang mangibabaw ang katangiang ipinahahayag.

✓ Araw-gabi hindi mawala sa isip ko ang malupit na karahasan noong ako ay


pitong taong gulang pa lamang, musmus, at walang kalam-alam.

F. Sariling Reaksyon
1. Pananalig o Teoryang Pampanitikan

Teoryang Realismo
✓ Ipinakita sa kwento ang karahasan na sinapit ni Trina sa kamay ng kaniyang
lolo at ang kaibigan nito.

Teoryang Feminismo
✓ Ipinakita sa kwento ang hindi pantay na pagtrato sa kababaihan katulad ng
paghahanapbuhay ng tunay na lola ni Trina sa ibang bansa at ang pagtitinda
ng ikalawang lola ni Trina sa palengke habang ang kaniyang lolo ay nag-
iinom lamang.

✓ Ipinakita rin sa kwento ang panghahalay na ginawa ng matandang


magkaibigan kay Trina dahil ito ay isang babae at bata pa lamang.

2. Mga Pansin at puna


a. Mga Tauhan (Bigyan ng Paglalarawan)
✓ Trina – mabait na bata, inosente, at nakakaawa
✓ Lolo – walang puso, tamad, bastos, at walang awa
✓ Lola 1&2 – masipag, mapagmahal

b. Galaw ng Pangyayari
Mabilis ang galaw ng pangyayari subalit malinaw na nailahad ang mga
detalye. Nagsimula ito sa paglalarawan ng tauhan at paglalahad ng kasalukuyan
nitong sitwasyon. Sinundan ito ng pagbabalik tanaw sa kwento ng kanyang
pagkabata at nagtapos sa maayos na pagwawakas.

3. Bisang Pampanitikan
a. Bisa sa Isip – Mas lalo akong naniwala sa sinasabi ng nakakarami na wala sa
kasuotan ng isang babae ang dahilan kung bakit sila nababastos. Ang dahilan kung
bakit maraming kababaihan ang nababastos ay dahil sa dumi ng isip at kawalang
awa ng ibang tao na kahit sanggol, bata, o matanda ay nakakaranas pa rin ng
karahasan kahit ang mga ito ay walang kasalanan.

b. Bisa sa Damdamin – Lubos akong nakaramdam ng awa para kay Trina dahil sa
edad na pitong taong gulang ay naranasan niya ang panghahalay at pangbababoy
ng kaniyang sariling lolo at kaibigan nito. Maaari itong maging sanhi ng malubhang
“trauma” para sa kaniya lalo na at bata pa sya at wala pa sa tamang pag-iisip.

c. Bisa sa Kaasalan – Sa tingin ko, sa panahon ngayon, kailangan natin maging mulat
sa reyalidad at maging mapagmasid sa tunay na intensyon sa atin ng ibang tao at
hindi sa lahat ng pagkakataon ay maaari nating pagkatiwalaan kahit ang sarili
nating kadugo. Kailangan nating ingatan ang ating sarili at maging bukas ang ating
isipan sa mga bagay kung sakali man na mapunta tayo sa isang sitwasyon na
kailangan ng agarang aksyon.

d. Bisa sa Lipunan – Ang kwentong ito ay sumasalamin sa tunay na nangyayari sa


ating lipunan na ginagalawan. Sa papamagitan nito mas magiging bukas ang isip
ng mga mamamayan upang ipaglaban ang kanilang karapatan lalo na kung sila ay
inaapi. Lalong higit, namumulat ng kwentong ito ang pag-iisip at mga mata ng mga
tao na nasa mataas na posisyon ng lipunan upang mabigyan ng pantay na pagtingin
ang mga tao sa kabila ng estado nito sa buhay, lalake man o babae. Mas
magkakaroon sila ng ideya na ang kailangan ng mga tao ngayon ay ang hustisya na
hindi nabibili ng pera.

You might also like