You are on page 1of 1

Makapangyarihang Diyos, Aming Panginoon, kami po ay taos pusong

nagpapasalamat sa pagkakataong ito na Iyong ipinahintulot upang


ipagdiwang ang pagtatapos ng mga mag-aaral. Salamat po sa paggabay at
pagkakaloob ng malusog na pangangatawan upang aming mapaglabanan
ang mga hamon dulot ng pandemya. Salamat po at pinatatag Nyo kami
upang hindi sumuko sa kabila ng kahirapan at kapaguran. Kinikilala po
namin ang Iyong presensya sa lahat ng aming naranasan at
pagtatagumpay. Mapagkandiling Diyos, nawa’y patuloy Mong iakay kami
sa tamang landas lalo na sa mga susunod naming hakbangin. Hiling namin
kami’y iyong basbasan ng magandang kinabukasan. Nawa’y manatili
kaming mapagkumbaba at mapagpasalamat. Patuloy naming pahalagahan
ang mga taong hindi nagsasawang pumatnubay sa aming paglalakbay.
Amang Banal, dalangin din naming na patuloy mo pagpalain ang aming
paaralan upang maging daluyan ng magandang kinabukasan ng mga
kabataan. Ang lahat ng ito ay hinihiling naming sa ngalan ni Hesus na
aming tagapagligtas. Amen

You might also like