You are on page 1of 1

Si Chenelyn, Ang Batang Magaling

Sa isang maliit na bayan ay naninirahan ang isang bibo at masayahing bata. Siya ay si Chenelyn.
Mayroon siyang kapatid na lalaki..si Chito.
Maagang namatay ang ama nila Chenelyn at Chito. kaya’t ang kanilang ina na si Aling Chanda
ang nagtagtraho para sa kanila.
Nagtitinda si Aling CHANDA ng mga ulam at inaalok sa kanilang mga kakilala. Madalas ay
sumasama si Chenelyn sa kanyang ina sa paglalako ng kanilang paninda.
“La la la la la…bili na po kayo mga suki…masarap na masustansya pa ang aming tindang
ulam.” Ang pakanta-kantang sigaw ni Chenelyn sa daan. Habang bitbit naman ng kaniyang ina
ang kanilang paninda. Marami sa kanila ang bumibili sapagkat aliw na aliw sila sa pagiging bibo
ni Chenelyn.

Magiliw din siya sa mga hayop. Katunayan ay mayrooon siyang alagang kuting na madalas ay
kalaro niya Ito ay pinangalanan niang MUNING. Mahal na mahal niya ito. Pinaliliguan at
pinapakain niya ito araw-araw.

Mahusay sa klase si Chenelyn, sa tuwing may paligsahan sa kanilang paaralan ay lagi siyang
nakakasali. Kinagigiliwan din siya ng kaniyang mga guro at kamag-aral sapagkat bukod sa
pagiging bibo at masayahin ay matulungin ding bata si Chenelyn.
Pangarap ni Chenelyn na maging isang guro. Nais niya na balang-araw ay makapagturo siya sa
mga bata at matulungan ang kaniyang pamilya. Kaya naman wala siyang ginawa kundi ang
mag-aral nang mabuti. Dahil sa mahirap lamang ang pamilya ni Chenelyn ay nasubukan niyang
magtrabaho habang nag-aaral sa kolehiyo.
Nagbunga ang lahat ng sipag at pagtitiyaga ni Chenelyn, ang dating munting bata na tulad nyo
ngayon ay isa nang ganap na guro.

You might also like