1. Ang annotation ay self-reflection, karagdagang paliwanag na ikinakabit sa mga MOV. Ito ay
holistikong pagtingin sa quality ng bawat MOV. Makakatulong ang annotations upang higit na maintindihan ng Rater ang kwento sa likod ng MOV at mas maintindihan ang MOV na kanyang nirerate. 2. Hindi na kailangang iannotate ang COT dahil direkta itong nagpapakita ng pag'attain sa objective. 3. Hindi lahat ng MOV ay kailangang gawan ng annotation. Magsusulat lamang ng annotation kapag ang MOV na isinubmit ay hindi nagpapakita ng direktang link o pagtupad sa objective. Maaaring ilagay sa annotation ang mga sumusunod: - Pagpapakita ng pagiging malikhain at maparaan sa iyong pagtuturo - Mga konteksto sa loob ng classroom na nagpapakita ng iyong practice at ng mga realidad na hinaharap mo sa classroom/school/community