You are on page 1of 2

Iskript ng Guro ng Palatuntunan para sa mga Paaralang Elementarya

Voice Over) “Mga kaibigan, sa ilang sandal po’y magsisimula na ang


palatuntunan. Mangyaring tumahimik na ang lahat.”

1. Mabuhay! Magandang umaga/hapon po sa inyong lahat. Pasalubungan po


natin ng masigabong palakpakan ang mga mag-aaral na magsisipagtapos
sa taong panuruang 2017-2018 sa paaralang elementaryang ___________
kasama ang mga guro, magulang, punongguro, pinuno at tagapamanihala,
tagamasid at panauhin.
2. Bilang pagbubukas ng palatuntunan, ang madla’y inaanyayahang tumayo
para sa pag-awit ng LUPANG HINIRANG (na pamumunuan ng CHORALE,
kung mayroon) sa pagkumpas ni___________, susundan poi to ng pag-awit
ng Himno ng Lunsod____, pagkumpas ni_______ at ng Panalangin na
pamumunuan ni _________ batang nagkamit ng may Mataas na Karangalan.
3. Masasaksihan po natin ngayong hapong/umagang ito ang ika___ taong
pagtatapos sa Paaralang Elementaryang______________. Malugod po naming
ipinababatid na sa mahalagang pagdiriwang na ito ay kapiling natin ang
ating Kagalang-galang na Punong Lungsod, Mayor ___________. Kinatawan
ng Distrito_______,Kgg. _______________, mga Konsehal, at mga Pinuno ng
Barangay. Pangalawang Tagapamanihala, Pinunong Namamahala sa
Sangay mga Paaralang Lungsod,_______________, Tagamasid Pampurok (sa
elementarya) na si ___________.
PASALUBUNGAN PO NATIN SILA NG MASIGABONG PALAKPAKAN.

4. Ipakikilala ang mga magsisipagtapos at patutunayan ng ating punongguro,


na si _____________ ang kanilang pagtatapos sa Taong Panuruan 2017-2018
sa Paaralang Elementarya at susundan poi to ng pag-abot ng katibayan at
paggawad ng medalya sa mga mag-aaral na may karangalan ng ating
pinagpipitagang TAGAPAMANIHALA ng Sangay ng mga Paaralang
Lungsod, Lungsod _______ si _____________, (sa elementarya, ang
pagpapatunay ay gagawin ng Tagamasid Pansangay/Tagamasid
Pampurok).
PALAKPAKAN PO NATIN SILA.
5. Pababaunan ang mga nagsipagtapos ng inahahalagang mensahe mula sa
ating dalawang panauhing pandangal na ipakikilala ng ating Punongguro
na si ____________.
6. Maraming salamat po. Kagalang-galang na Kongressman at Mayor ng
Lungsod _____, sa inyo pong napakahalagang mensahe na ibinahagi ninyo
sa amin sa araw na ito. Natitiyak po naming na ang inyong mensahe ay
magsisilbing inspirasyon at gabay naming sa pagtahak ng bagong landas
ng pakikipagsapalaran tungo sa maunlad na kinabukasan.
BIGYAN PO NATIN SILA NG MASIGABONG PALAKPAKAN.

7. Ngayon naman pakinggan natin ang pananalita ni _____________, ang


nagkamit ng may Pinakamataas na Karalangan.
8. Hinihiling na magsitayo ang mga nagsipagtapos para sa kanilang
Panunumpa ng Katapatan sa pangunguna ni __________ ang Batang
nagkamit ng may mataas na karangalan.
9. Bago ang pangwakas na Awit, malugod po naming ipinababatid na
kapiling din natin ngayon sina ___________________, ____________________. Kanin
apo lamang ay kapiling din natin si _________________ subali’t dahil po sa iba
pa niyang “commitments” ay nagpasabi po siyang hindi na niya tatapusin
ang seremonyang ito.
10.Ngayon po’y pakinggan natin ang mga nagsipagtapos para sa pangwakas
na awit na pinamagatang, ________ sa pamumunoi ng Chorale, (kung
mayroon) at sa pagkumpas ni _________.
11.Sa ngalan po ng pamumunuan ng aming paaralan at mga guro, taos-
pusong binabati naming ang mga nagsipagtapos, ang kanilang mga
magulang, mga gurong pumatnubay at lubos po kaming nagpapasalamat
sa lahat ng mga tumulong, nagbigay ng mga medalya at gantimpala, mga
panauhing nagsidalo at nakiisa, sa pagtatapos na ito.
Maraming-maraming salamat po at mabuhay tayong lahat.

12.Mga Kaibigan, ang resesyonal ay pangungunahan ng mga panauhin,


pangalawang tagapamanihala, pinunong namamahala sa sangay,
pungguro, puno ng kagawaran, magulang, guro at nagsipagtapos.

You might also like