You are on page 1of 1

Ang guro ay parang libro na nagbibigay sa atin ng karagdagang impormasiyon upang matuto.

Libro ay
palaging na sa tabi natin upang mabigyan tayo ng kaalaman upang masagot ang lahat ng mga tanong ng ating guro.

Sila ang nagbibigay sa atin ng karunungan upang maabot natin ang ating mga pangarap.Nagtiyatiyaga
ang ating mga guro upang maturuan tayo at madala natin ito hanggang sa ating paglaki.
Hindi sila sumusuko sa pagtuturo sa atin dahil gusto nilang maabot natin ang ating mga
pangarap.Hindi dapat nating sayangin ang pagtuturo nila sa atin.
Dapat tayong magsumikap mag-aral dahil ito lang ang ikatutuwa ng ating mga
magulang at ating mga guro.Hindi nila tayo pinagkaitang mag-aral dapat lang nating gawin ang nararapat.
Sila ang naghirap dapat lang natin itong suklian,Pag-hihirap na dapat nating
suklian nang lubos sa puso.Tayo na at mag-aral ng mabuti upang maabot natin ang ating pinangangarapan.

Saludo kami sa inyo


mahal naming Guro.

You might also like