Lahat tayo ay nakakaranas ng kaba sa bawat paligsahan na ating
sinasalihan.Kaba na ating nararanasan ating alisin dahil ito ang magdudulot sa atin ng pagkatalo na hindi natin inaasahan. Karanasan natin sa campus journalism ay parang isang pagsusulit dahil kinakabahan din tayo sa maaaring maging resulta nito.Paligsahan at pagsusulit ay malalampasan din wag maging kabado upang resultang inaasam ay makakamtan.
Makinig tayo sa sasabihin ng
hurado upang malaman natin ang ating gagawin at upang makamtan ang ating inaasam.Mahalagang makinig at gawin ang nararapat para sa pangarap. Matalo man tanggapin parin natin ito ng lubos sa ating puso dahil ang pagkatalo ang magdudulot sa atin ng lakas ng loob na maitama ang mga mali natin at magpursigido ulit upang maabot natin ang ating pangarap hindi dapat tayo sumuko.Kapag tayo ay nanalo hindi rin dapat natin ito ipagmayabang sa iba dahil makakasakit tayo ng damdamin ng mga natalo dapat din nating isipin na ibinigay nila ang lahat ng makakaya nila.
Ano man ang maging
resulta ng kompetisyon na ito dapat parin natin ito tanggapin bilang isang campus journalism dahil alam naman natin na ginawa natin ang ating makakaya upang mapanalunan ang kompetisyon na ito.