criteria ng Deaprtment of Agrarian reform? Kailangan po bang may relasyon sa dugo o kamag-anak ng tenant ang landowner? Ano ang dahilan bakit naging tenant?
2. Magsasaka po ba ang mga magulang o nuno ninyo? Saan po sila
sumasaka noon?
3. Simula anong taon po nagtira kayo o ang inyong angkan o pamilya sa
barangay?
4. Gaanong kalaki po ang inyong sinasaka bilang farmer-tenant?
5. Paano po kayo humahanap ng kapital na ginagamit sa pagsasaka
kasama po ang kapital sa pagtatanim at pag-aani?
6. Kayo po ba ay gumagamit ng mga modernong makinarya sa
pagsasaka o kalabaw pa din po?
7. Ano po ang “pisti” na kalimitang pumipinsala sa inyong tanim?
8. Pagkatapos po ng maghapong pagbabantay sa bukid, ano po ang
inyong libangan?
9. Mayroon po ba kayong planong ipagbili ang inyong bukid kung
matapos po ang inyong pagbabayad sa Landbank? Kanino ninyo ipagbibili ang lupa?
10. Kayo po ba ay kaanib ng Agrarian Reform Beneficiary Organization
(ARBO) o Samahang Nayon noong 1970s?
11. Kanino po ninyo ipinagbibili ang inyong ani? Kumikita po ba? Ilang porsyento po ng kabuuang kapital ang inyong kinikita?
12. Bukod po sa inyong sarili,kayo po ba ay gumagamit ng ekstrang
manggagawa sa bukid (farm workers) o kasama (sharecroppers)?
13. Ano po ang trabaho ng inyong asawa at mga anak? Mayroon po
bang estudyante pa sa inyong pamilya? 14. Ayos lang po ba para sa inyong maging bagsakan ang Bocaue ng mga produktong gulay o prutas ng ibang probinsya? Na maging pabahay o housing ang mga bukirin rito? Na maging modernong bayan ang Bocaue?
15. Mayroon po ba kayong ugnayan sa Bulacan Chamber of Commerce
and Industry ukol sa pagbebenta ng inyong mga produkto?