You are on page 1of 13

4

Araling
Panlipunan
Ikaapat na Markahan
Modyul 4
Gawaing Pansibiko
Bilang Kabahagi ng
Bansa

Compiler/Contextualizer: APRIL MAE S. ALBOFERA


Teacher I
Carreta Elementary School

1
Alamin

Ang Modyul na ito ay sumasaklaw sa pagtugon sa tungkulin


at maayos na pagganap sa mga obligasyon ng mga mamamayan
sa pamayanan. Inaasahan na nasusuri ng mag-aaral ang mga ito
sa pamamagitan ng mga sumusunod:
a. natutukoy ang kahulugan ng gawaing pansibiko;
b. napapahalagahan ang mga tungkulin at gawain na
ginagampanan ng mga mamamayan; at
c. nakapagbibigay ng mga gawaing nagpapakita ng
Kagalingang Pansibiko.
(AP4KPB-IVd-e-4)

Subukin

Panuto: Basahing mabuti ang bawat tanong. Isulat ang titik ng


tamang sagot sa papel.

1. Alin ang sakop ng Kagalingang Pansibiko?


A. edukasyon, kalusugan, pananakop, giyera
B. edukasyon, kalikasan, kabuhayan, kalusugan
C. edukasyon, negosyo, pagbisita ng papa, isports
D. edukasyon, kalikasan, kabuhayan, kababaihan

2. Anong mga salita ang maaaring kabahagi ng Kagalingang


Pansibiko?
A. bayanihan at katapatan
B. bayanihan at pagkukusang-loob
C. pagkukusang-loob at kalakasan
D. pagkukusang-loob at kasipagan

2
3. Anong termino ang tumutukoy sa pinakamataas na
kabutihang makakamit at mararanasan ng mga
mamamayan?
A. gawaing pansibiko
B. kagalingang pansibiko
C. kamalayang pansibiko
D. produktibong mamamayan

4. Ano ang salitang pinagmulan ng Kagalingang Pansibiko na


ang ibig sabihin ay pagbuwis ng buhay para sa kababayan?
A. citizen C. civilian
B. civil D. civique

5. Buuin ang kasabihang, “Nilikha ng Diyos ang kapwa upang


ating maging _____________”.
A. alila B. kaaway C. kalaban D. kasama

6. May mga dumalo na nagkukuwentuhan sa loob ng isang


bulwagan. Magsisimula na ang pambansang awit bilang
panimula ng programa. Ano ang dapat mong gawin?
A. Huwag kumibo.
B. Sumali sa nagkukuwentuhan.
C. Sawayin ang mga nagkukuwentuhan.
D. Sabihan ang mga nagkukuwentuhan na tumahimik
muna at lumahok sa pag-awit.

7. Nakita mong tumatawid si Lola Tinay sa kalye Aurora. Ano


ang gagawin mo?
A. Alalayan ang matanda.
B. Pabayaan siya at huwag pansinin.
C. Sabihan siya na mag-ingat sa pagtawid.
D. Maghanap ng pulis na magtatawid sa matanda.

3
8. Tila nakalimutan ni Lolo Mino ang daan pauwi. Paikot-ikot
siya sa magkakapitbahayan. Ano ang gagawin mo?
A. Huwag pansinin ang matanda.
B. Tanungin si Lolo Mino at tulungan siya.
C. Ipagbigay-alam ito sa mga barangay tanod.
D. Hanapin ang pamilya ni Lolo Mino upang maiuwi siya.

9. Katatapos lamang ng malakas na bagyo. Tulong-tulong ang


mga tao sa inyong pamayanan upang maglinis. Ano ang
gagawin mo?
A. Manood sa mga taong naglilinis.
B. Manatili sa kuwarto at magpahinga.
C. Sumali sa paglilinis at gawin ang makakaya.
D. Ibalita sa media ang naganap na pagtutulungan sa
komunidad.

10. Magpapakain para sa mga batang lansangan ang


organisasyong pangkababaihan sa inyong lugar. Ano ang
maaari mong itulong?
A. Umuwi na lamang.
B. Makikain kasama ang mga bata.
C. Magboluntaryo sa susunod na pagpapakain.
D. Tumulong sa paghahanda at pagpapakain para sa mga
bata.

4
ARALIN
Gawaing Pansibiko Bilang
4 Kabahagi ng Bansa

Balikan

Panuto: Basahing mabuti ang mga pahayag. Lagyan ng √ (tsek)


ang bilang kung tama ang sitwasyon at x (ekis) kung
hindi. Isulat ang sagot sa papel.

1. Nagtitipid ng papel si Aida dahil alam niyang galing ang


mga ito sa punongkahoy.
2. Kailangan ni Fred ng pera kaya pumayag siyang sabihin
niya sa mga kakilala niyang Abu Sayyaf ang operasyon ng
mga militar.
3. Hindi nagbabayad ng tamang halaga ng buwis si G. Gil
dahil para sa kaniya ay marami namang gumagawa nito.
4. Pinag-aralang mabuti ni Joy ang mga katangian ng mga
kandidato bago siya bumoto.
5. Nakikinig nang mabuti si Leonor sa kaniyang guro sa
Araling Panlipunan dahil nais niyang malaman ang
kasaysayan ng Pilipinas.

Tuklasin

Panuto: Tukuyin at isulat ang maaaring epekto ng sumusunod


na mga sitwasyon.

SITWASYON EPEKTO
1. paglilinis ng paligid ng
tirahan

2. pagsunod sa mga batas


trapiko

5
Suriin

Binubuo ang isang lipunan ng bawat tao o indibidwal.


Inaasahan siyang maging mabuting mamamayan pumapaloob sa
mga institusyon sa lipunan, sumusunod sa mga batas na
ipinatutupad, at nag-aambag para sa higit na pag-unlad at
pagsagana ng lipunan.

Ang maagap na pagtugon sa tungkulin at maayos na


pagganap sa mga obligasyon ay ilan sa mga salik sa pagkakaroon
ng kagalingang pansibiko. Ang kagalingang pansibiko ay isang
sitwasyon kung saan taglay ng mga mamamayan ang
kamalayang may pananagutan sila sa kanilang kapuwa.

Kahulugan ng Gawaing Pansibiko

Ang salitang sibiko ay mula sa salitang Latin na ang ibig


sabihin ay mamamayan. Noong unang panahon sa lipunang
Pranses, tinatawag na civique ang isang mamamayang
nakapagbuwis ng buhay para sa kaniyang kapuwa.
Naipagpapalit ito sa salitang civil o ‘sibilyan’ na isang indibidwal
na wala sa serbisyo ng pamahalaan o hindi nanunungkulan
bilang sundalo subalit nakatutulong nang malaki sa kaniyang
bayan.

Sa kasalukuyan, ginagamit ang salitang sibiko upang


pormal na tukuyin ang mga mamamayang bumubuo ng lipunan.
Kadalasan nang ikinakabit sa salitang ito ang mga katagang
“kagalingan” o welfare. Tinutukoy ng civic welfare o kagalingang
pansibiko ang pinakamataas na kabutihang makakamit at
mararanasan ng mga mamamayan. Ang kabutihang ito ay
natatamasa sapagkat nanggagaling sa kagyat na pagtugon at
pagmamalasakit ng kapuwa mamamayan.

Sa pagganap ng mga tungkulin sa lipunan, ang mga


mamamayang may kamalayang pansibiko ay higit na
nakatutuwang sa pamahalaan. Ang kamalayang pansibiko ay
6
kaisipan na ang bawat isa ay may pananagutan sa kaniyang
kapuwa. Ito ay pagkilala na ang indibidwal ay may kakayahang
paunlarin ang lipunan sa anumang paraang kaya niyang
tugunan at gampanan. Ang pagkukusang-loob, pagtulong nang
walang inaasahang kapalit, at bayanihan ay mga susing
katangiang dapat taglayin sa gawaing pansibiko.

Maaari ding tingnan ang gawaing pansibiko bilang


malawakang pagsasama-sama ng mga tao upang tiyaking nasa
pinakamahusay silang pamumuhay lalo na ang
pinakamahihirap. Karaniwang sinasakop ng kagalingang
pansibiko ang mga usapin hinggil sa edukasyon, kalikasan,
kabuhayan, pampublikong serbisyo, at kalusugan. Mula sa
maliliit na bagay tulad ng pagtulong sa isang matanda sa
pagtawid sa kalye hanggang sa malalaking bagay tulad ng
pagpaplano para sa pagtatayo ng kabuhayan sa isang
komunidad ay maituturing na kagalingang panlipunan na nag-
uugat sa gawaing pansibiko.

Pagyamanin

Panuto: Basahing mabuti ang mga tanong sa bawat bilang. Isulat


ang iyong sagot sa papel.

1. Bakit napadadali ang serbisyo publiko kapag natitiyak ang


kagalingang pansibiko?
____________________________________________________________
____________________________________________________________
____________________________________________________________

2. Ano ang kaugnayan ng pakikipagkapwa-tao sa gawaing


pansibiko?
____________________________________________________________
____________________________________________________________
____________________________________________________________

7
Isaisip

• Ang kagalingang pansibiko ay isang sitwasyon kung saan


taglay ng mga mamamayan ang kamalayan na may
pananagutan sila sa kanilang kapuwa.
• Ang gawaing pansibiko ay mga pagkilos at paglilingkod sa
iba na kusang inihahandog ng indibiduwal.
• Sakop ng kagalingang pansibiko ang mga pangangailangan
sa edukasyon, kalikasan, hanapbuhay, at iba pa na
pinagtutulungan ng mga mamamayang matugunan nang
may pagkukusa at walang inaasahang kapalit.
• Mahalaga ang pagkakaroon ng kagalingang pansibiko dahil
tanda ito ng kakanyahan ng isang lipunang namumuhay
nang matiwasay, may pagmamalasakit sa kapuwa, at
nangunguna sa kaunlaran.

Isagawa

Panuto: Basahin ang mga pahayag at i-tsek ang kahon kung


ikaw ay Sang-ayon o Hindi Sang-ayon sa pahayag.
Pagkatapos, ipaliwanag kung bakit ito ang iyong sagot.

1. Ang paghingi ng tulong sa mga mamamayan ay nagpapakita


ng kahinaan ng isang bansa.

Sang-ayon Hindi Sang-ayon


Paliwanag:
________________________________________________________________
________________________________________________________________

2. Higit na dumarami ang problemang kaugnay sa kapaligiran


sa pagdaan ng panahon.

Sang-ayon Hindi Sang-ayon


Paliwanag:
________________________________________________________________
________________________________________________________________
8
Tayahin

Panuto: Basahing mabuti ang bawat tanong. Isulat ang titik ng


tamang sagot sa papel.

1. Ang mga gawain at proyektong pansibiko ay para sa _______.


A. bansa C. mamamayan
B. dayuhang kompanya D. pamahalaan

2. Ano ang ibig sabihin ng salitang Latin na “sibiko”?


A. bansa C. kapaligiran
B. bayan D. mamamayan

3. Ang unti-unting pagkaubos ng mga puno sa kagubatan ay


nagdudulot ng ___________________________________________.
A. lindol
B. polusyon sa hangin
C. polusyong panlupa
D. pagkawala ng mga tirahan ng mga hayop

4. Alin sa mga sumusunod ang isang gawaing pansibiko?


A. pamimili sa mga mall
B. pagpoprotesta sa mga gawain ng pamahalaan
C. pagtutukso sa mga batang madudungis sa lansangan
D. paggamit ng po at opo sa pakikipag-usap sa matatanda

5. Ang mga produktong Pinoy tulad ng mga banig, basket, at


sumbrerong buntal ay mga _______________________________.
A. produktong depektibo
B. produktong imported
C. produktong gawa sa Pilipinas
D. produktong mababa ang kalidad

9
6. Ang perang ipinadadala ng mga OFW ay nakatutulong nang
malaki sa ________________________________________________.
A. bangko sentral
B. ekonomiya ng bansa
C. ekonomiya ng buong mundo
D. mga mambabatas ng pamahalaan

7. Ano ang tungkulin ng bawat mamamayan sa ating


pamayanan at kalikasan?
A. Maglagay ng kemikal sa katubigan
B. Magputol ng mga puno sa kagubatan
C. Magprotesta sa mga gawain ng pamahalaan
D. Magsagawa ng tama at maayos na pamamahala ng
sariling basura

8. Paano nakakatulong ang pagbili ng mga produktong gawa sa


Pilipinas? Sa pamamagitan ng ____________________________.
A. pagtatangkilik ng sariling produkto
B. paggamit ng mga depektibong produkto
C. pagbibili ng produkto na hindi kinakailangan
D. pagpapautang ng produkto na may malaking interes

9. Bakit ginagawa ng mga mamamayan ang mga iba’t ibang


gawaing pansibiko? Ito ay dahil sa ________________________.
A. perang ibabayad sa kaniya
B. gusto niyang makatulong sa pamayanan
C. gustong sumikat sa media sa mabuting gawi
D. gusto niyang gawin bilang pagsunod sa politiko

10. Bilang isang mag-aaral sa ikaapat na baitang, paano mo


magampanan ang gawaing pansibiko? Sa pamamagitan ng
__________________________________________________________.
A. pamimigay ng relief goods
B. panunukso sa mga may kapansanan
C. pagtatapon ng basura sa mga daluyan ng tubig
D. walang galang sa pakikipag-usap sa mga nakakatanda

10
Karagdagang Gawain

Panuto: Isulat ang mga gawaing pansibikong makalulutas sa


sumusunod na mga problema.

PROBLEMA GAWAING PANSIBIKO

1. pagdami ng lamok na
nagdadala ng dengue

2. pagtambak ng basura sa
baybaying-dagat

3. masisikip na trapiko sa
mga kalye ng lungsod

4. makakalat na mga
basura sa paligid

5. pagdagsa ng mga
produktong galing sa
ibang bansa

11
12
BALIKAN:
1. /
2. X
3. X
4. /
5. /
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian:

Aklat
• Simeon, F., Abad A. J., Adriano M. C., Caampued M.,
Capunitan C., Galarosa W., Miranda N., Quintos E., Dado
B., Gozun R., Magsino R., Manalo M. L., Nabaza J., Naval
E., Peraren P., Cauntay F., Baluca B., Abad-Falco A. L.
Araling Panlipunan – Ikaapat na Baitang Kagamitan ng
Mag-aaral Unang Edisyon 2015Department of Education-
Instructional Materials Council Secretariat (DepEd-IMCS)
Office Address: 5th Floor, Mabini Bldg., DepEd Complex,
Meralco Avenue Pasig City, Philippines 1600 Telefax: (02)
634-1054 or 634-1072 E-mail Address: imcsetd@yahoo.com
Learner’s Material, pp. 262–267 (K to 12-AP4LR-IIId4)

• Pacita S. Carluen at Jose A. Alcala


Pilipinas sa Makabagong Mundo: Isang Hamon 4
FNB Educational, Inc.
(Kinatawan ni Jan Michel F. Balgan)
202 Quirino Highway, Baesa, Quezon City
Tel Nos: 962-15-23; 962-15-12
Telefax: 961-28-52; 962-15-23
Email: fnb.educational@yahoo.com

13

You might also like