You are on page 1of 2

Republic of the Philippines

Department of Education
Region 1
SCHOOLS DIVISION OFFICE OF PANGASINAN II
BINDAY NATIONAL HIGH SCHOOL

MALA-SUSING BANGHAY ARALIN SA FILIPINO 10


I.Mga Kasanayang Pangkaalaman
Inaasahang sa loob ng 60 minuto, ang mga mag-aaral ay:
a. naibibigay ang kahulugan ng kultura;
b. nakikilala ang kultura o tradisyon mula sa akdang pinakinggan o binasa;
c. naibibigay ang katumbas na salita o mga salita na katumbas ng kulturang inilalarawan sa teksto

II. Paksang Aralin


Pamagat: Romeo at Juliet (Kultura)
Sanggunian: Filipino 10 Modyul 2
Mga Kagamitan: powerpoint presentation, laptop, tv, video clip,mga ginupit na makukulay na papel,
sagutang papel, panulat

III.Pamamaraan
a.Mga Paala-ralan
Ipapaala ng guro ang mga panunutuan na umiiral sa loob ng silid upang ipaalala ang
kaligtasan habang nasa loob ng klase at paaralan. Gayundin ang mga paaalala para sa talakayan.
Gayundin ang mga tiyak na kasanayang pangkaalaman upang magkaroon ng pahiwatig na ang mga
mag-aaral sa magiging paksa ng pag-aaral.

b.Pagganyak
Gawain: Minute to Memorize It
Makakapanood ang mga mag-aaral ng video clip na nagpapakita ng isang pagbati (greeting) sa iba’t
ibang wika. Pagkatapos ay bubunot ang guro ng bilang (seating arrangement) upang ang mag-aaral ay
sasambit ng limang pagbati na naaala mula sa video clip na pinanood.

c. Pagpapaunlad na Gawain
Gawain: Sariling Atin, Ibuking
Ang gawaing “Sariling Atin, ibuking” ay gagawin sa pamamagitan ng paraang relay o
pagpapasa. bawat hanay na itatakda ng guro. Gagamitin ang featured analysis para sa gawaing ito.
Bawat hanay ay magkakaroon ng pagkakataon na makibahagi sa gawaing ito sapagkat bawat bilang
ay nakatakda sa bawat mag-aaral na sa bawat hanay. May isang minuto din ang mag-aaral na
sambitin sa sarili niyang wika ang pagbati na isinalin sa video.

d. Pagtalakay
Ipapaliwanag ng guro ang konsepto at diwa ng kultura mula sa iba’t ibang sanggunian bilang
lunsaran ng pagtalakay. Hihimayin ang mga konseptong naglalahad tungkol sa paksa. Ang guro din
ay magbibigay ng kaugnayan at pagkakatulad ng kultura sa iba’t ibang disiplina.

Isa isang video clip din, ipapakita ang isang mayamang kultura ilang halimbawa sa malalim
na pagpapahalaga sa kulturang umiiral sa kanilang lipunan. Kailangang maging alerto, mapagmatyag
ang mag-aaral sa bahaging ito ng panonood.
Sa bahagi ding ito, ang mga mag-aaral ay magkakaroon ng pagkakataon upang makibahagi o
magbahagi ng iba pang kaugnayan ng kultura sa iba pang disiplina o kaya ay pagkakatulad sa ibang
aspekto ng pamumuhay.
 Gawain: It’s Tell Time
Bubunot ang guro ng papel na may nakasulat na bilang 1 – 20 mula sa kahon o lalagyan kung saan ito
ang bilang ng seating arrangement ng mga mag-aaral at magbabahagi ng kanilang sagot sa gabay na
tanong na: “Nais mo bang baguhin o panatilihin ang wakas ng kuwento nina Romeo at Juliet?” na
may maikling pagpapaliwanag. Gayundin, magkakaroon ng pagkakaton na magbahagi ang mga mag-
aaral (IP learners) ng kanilang kultura sa lugar na pinagmulan.

 Gawain: Memorya: Matalas o Mapurol?


Mula sa pinanood na video clip, may mga bilang na nakahanda at pipili ang mga mag-aaral ng
bilang 1-10 at sasambitin sa loob ng klase ang pangyayari na tumpak sa napiling bilang.

 Gawain: Isalin sa Iyong Wika


Ang mga naitalang tradisyon mula sa video clip, ay susubukang isalin o ilagay sa sariling
wika (Kapampangan)

 Gawain: Jamboarding (#tanging)


Ang mga mag-aaral ay magbibigay ng o magta-type sa jamboard sa laptop na naka-project ang
screen sa klase ng isang take away word mula sa naging pagtalakay at ilagay o ikabit sa
nakagawiang hash tag (#) para makita at mabasa ng mga kaklase.

IV. Pagtataya
May mga nakahandang activity sheet kung saan maaaring pumili ang mag-aaral ng 1 gawain mula
dito na
asagutan kung saan sa kanyang kakayahan ay kayang masagutan.

V. Pagpapayaman
CULTURE SCRAPBOOKING
Panuto: Bumuo o Gumawa ng scrapbook ng mga lugar sa Pilipinas na mayaman pa rin sa mga
kilalang kultura ng mga Filipino. Papangkatin ng guro ang klase.

Prepared by: FIDELITY S. BASBAS


Teacher III

Checked: SERNA B. DOCTOLERO


Master Teacher I

CHRISTINE L. BACALZO
Head Teacher III, Science Dept.

Noted: JOSEFINA C. RAMOS


Principal I

You might also like