You are on page 1of 1

Oh, kay sarap alalahanin nang ako ay bata pa

Doon sa kindergarten, tunay na kay saya

Mahal na mga guro sa ‘kin nag-alaga

Kung kaya’t sa puso’t isip ko’y ‘di mawawala

At ngayon, sa araw na ito

Tanggapin po ninyo ang pasasalamat ko

Sa aking guro at sa magulang ko

Lahat ng ito’y alay sa inyo

Mabuting asal at ang karunungan

Ito’y ‘di mawawaglit kailan pa man

Mahaba pa ang panahon na aking lalakbayin

Upang tuluyang maabot ang pangarap na maging akin

Kami ngang kabataan ang pag-asa ng bayan

Kung kaya’t pagbubutihan ang aming pag-aaral

Lahat ng tinuro’y (lahat ng tinuro’y) ‘di kalilimutan

Upang maging gabay sa kinabukasan

At ngayon, sa araw na ito

Tanggapin po ninyo ang pasasalamat ko

Sa aking guro at sa magulang ko

Lahat ng ito’y alay sa inyo

Mabuting asal at ang karunungan

Ito’y ‘di mawawaglit kailan pa man

Ang pangako pagbubutihan ko

Upang ikarangal ng magulang ko

At magbigay dangal sa bayan ko

Pangako kong ito’y alay sa inyo

You might also like