You are on page 1of 1

Republic of the Philippines]

MANILA ] S.S
x------------------/

AFFIDAVIT

Ako, si ASHLEY O. OCAMPO, 13 taong gulang, na nakatira sa 366 Lallana St.


Velasquez, Tondo Manila, pagkatapos kung manumpa na naayon sa batas, ito ang aking
mga salaysay:

1. Bandang hapon ng March 6, 2021, ay nakatakbo palabas ang aming aso na si


Kara habang kaming tatlo, kasama si Kuya Ashkey ay naglalaro sa loob ng
bahay namin;

2. Tumakbo si Kara sa labas at siya ay hinabol ko para ibalik sa bahay namin;

3. Nang huminto si Kara sa tapat ng bukas na gate ni Joemax ay binuhat ko si


Kara para ibalik sa bahay pero pumalag si Kara at pumasok sa bukas na gate;

4. Natakot po akong sumunod kay Kara sa loob ng gate kaya naghintay ako
lumabas si Kara sa tapat ng bahay nila Julius Bernal;

5. Matapos ang ilang minuto ay nakita ko si Kara na iika-ikang tumakbo palabas


ng gate ni Joemax pauwi sa aming bahay;

6. Pagdating sa aming bahay ay nahiga na lang si Kara at nakita kong maraming


dugo ang lumalabas sa kanya;

7. Sinabi ko kagad ang nangyari kay Kara sa aking Papa na dali-daling dinala si
Kara sa Vet, pero nang iuwi niya si Kara ay nasa kahon at patay na;

8. Na kusang-loob ko na sinasabi ang mga nakasalaysay dito matapos


maipaliwanag sa akin ang legal na epekto nito na lubos kong nauunawaan.

Bilang pagpapatunay, ako ay lumalagda na makikita sa ibabaw ng nakatatak kong


pangalan, nitong ika _____ ng _____________ 20____, dito sa Lungsod ng Maynila.
________________________.

ASHLEY O. OCAMPO

NILAGDAAN AT SINUMPAAN SA HARAP KO, ngayong ika _____ ng


__________20____, matapos na ipakita ng nagsasalaysay ang kanyang Sedula na may
bilang __________________ nanakuha sa ________________________ noong ika
______ ng ______________________ 20____

Doc. No. _______


Page No. _______
Book No. ______
Series of _______

You might also like