You are on page 1of 16

8

FILIPINO
Unang Markahan
Modyul 2:
Mga kahulugan ng
Talinghaga,Gamit ang mga
Kasingkahulugan at Kasalungat
na kahulugan
Department of Education
REGION VII, CENTRAL VISAYAS
SCHOOLS DIVISION OF SIQUIJOR

PAMATID SA COPYRIGHT

Ayon sa “Section 9, Presidential Decree No. 49”, ang Pamahalaan ng Pilipinas ay hindi maaaring
magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o
tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan.

Ang materyal na ito ay binuo sa pamamagitan ng inisyatiba ng Curriculum Implementation Division (CID)
ng Kagawaran ng Edukasyon - Dibisyon ng Siquijor.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o
trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari
ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales.
Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit
maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang
walang pahintulot sa tagapaglathala.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Schools Division Superintendent: Dr. Neri C. Ojastro
Assistant Schools Division Superintendent: Dr. Edmark Ian L. Cabio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Elvin Raga ,

Mga Tagasuri: Charity E. Dimagnaong, Christine V. Marchan, Anabel R. Jimenez, Rodson M. Jumalon,
Kathleen Rose A. Ocay, Gene T. Gica, Christine Gaye D. Largo, Mary Jean L. Larot
Tagapamahala: Dr. Marlou S. Maglinao
CID – Chief

Flora A. Gahob
Education Program Supervisor (Filipino)
Edesa T. Calvadores
Education Program Supervisor (LRMS)
Inilimbag sa Republika ng Pilipinas ng _______________________________
Kagawaran ng Edukasyon – Region VII, Dibisyon ng Siquijor
Office Address: Larena, Siquijor
Telephone No.: (035) 377-2034-2038
E-mail Address: deped.siquijor@deped.gov.ph
8
FILIPINO
Unang Markahan
Modyul 2:
Mga kahulugan ng
Talinghaga,Gamit ang mga
Kasingkahulugan at Kasalungat
na kahulugan
INTRODUKSIYON
Ang modyul na ito ay naisulat bilang suporta sa K-12 Basic Education
Program upang masiguradong maabot ang mga inaasahang pamantayan bilang
isang mag-aaral.
Layunin nitong maihanda ang mga mag-aaral sa mahahalagang kaalaman
hinggil sa mga kahulugan ng Talinghaga, gamit ang eupimistikong pahayag sa
Kasingkahulugan at kasalungat na kahulugan.
Ito ay naglalaman ng mga sumusunod na mungkahing gawain upang
malinang ang kasanayan at kaalaman tungo sa pagkatuto ng mga mag-aaral.
➢ Inaasahang Bunga ng Kaalaman – isinasaad nitong makuha ang mga
kalalabasan na pagkatuto/kaalaman na iyong inaasahan upang magkaroon
ng ganap sa katapusan ng modyul.
➢ Panimulang Pagtataya – kakikitaan ng pagpapasiya sa inyong dating
kaalaman/natutunan sa isang partikular na paksang inyong tatalakayin/pag-
aaralan. Dito natatanto ng mga mag-aaral ang pangangailangan nilang
matuto.
➢ Pagtalakay sa Aralin – pinaglalaanan ng bahaging ito ng mga
mahahalagang kaalaman/kabatiran sa mga simulain at gawi/lagay na
makatutulong sa mga mag-aaral na maabot ang inaasahang bunga ng
pagkatuto.
➢ Gawaing Pampagkatuto – naglalayon itong mabigyan/madulutan ng mga
paglalapat ang mga mag-aaral sa mga kaalaman at pananaw na inyong
nakuha o napulot mula sa aralin at maisagawa ang mga karagdagang gawain
na magpapayabong at magpapaunlad sa inyong kasanayan at kakayahan sa
pagtugon sa mga kaukulang gawain. May mga tanong sa bahaging ito na
susukat sa pang-unawa ng mga mag-aaral sa nilalaman ng lunsaran.
Magakakaibang pagsusuring kinabibilangan din ng pagsulat ang ginagamit
dito na inaasahang higit na magpapayaman at magpapatibay sa kaalaman at
kasanayang natamo ng mga mag-aaral.Upang lalong mapayaman ang
kaalaman, kasanayan at karanasan ng mga ito, ang paglalan ng karagdagang
Gawain ang siyang hahamon sa mga ito na magsuri, mag-isip, magpasya at
lumikha.
➢ Pangwakas na Pagtataya – sa bahaging ito ay tatasahin ang mga mag-aaral
ng iba’t ibang pagsasanay ayon sa kanilang kabuuang pag-unawa sa
nilalaman ng naturang modyul.
Dahil sa mga pagbabagong nagaganap sa ating kapaligiran, nabuo ang
modyul na ito na naglalayon na makapaghatid ng diwa’t kaalaman sa mga mag-aaral
at makatutugon sa mga pangangailangan ng mga ito sa pamamagitan ng mga aralin
sa iba’t ibang genre at sa mga pananaliksik na makapagpapalawak sa kanilang
kakanyahan.
1
Sadyang pinaghirapan at sinikap ng manunulat na mabigyan ang mag-aaral
ng malawak at matatag na pundasyon sa pagkatuto sa Filipino.Sa pamamagitan ng
pagdisenyo ng iba’t ibang gawain nitong modyul ay sadyang isinaayos at ibinagay sa
gulang at interes pangkapanutuhan na siya ring pupukaw at hahamon sa natatagong
talinong taglay ng mga mag-aaral.

Inaasahang ang gabay na aklat na ito bilang kagamitan sa inyong pag-aaral


ay kakikitaan ng pagpapaunlad sa inyong natatanging kakayahan sa kritikal na
pagbasa at pagsusuri, malinang ng mga gawain ang kasanayang komunikatibo,
mabigyang kapangyarihan ang pagtuklas ng kaalaman batay sa sariling interes at
karanasan, at mapayabong ang kakayahan sa kritikal at replektibong diskurso.

2
ALAMIN
Sa pagtatapos ng araling ito, inaasahang ang mga mag-aaral ay:
➢ Nabibigyang kahulugan ang mga talinghaga, eupemistiko o masining
pahayag na ginamit sa tula, balagtasan,alamat/maikling kuwento, epiko ayon
sa kasingkahulugan at kasalungat na kahulugan.

Bago natin tatalakayin ito, alamin muna natin kung ano ang alam mo sa nilalaman
ng modyul na ito. Simulan natin.

SUBUKIN
Upang mabatid kung kayo ay may kaalaman hinggil sa paksang tatalakayin sa
modyul na ito, subukin nating sagutin ang Paunang Pagtataya. Isulat sa inyong
kuwaderno ang mga kaukulang kasagutan.

A. Panuto: Ibigay ang kahulugan ng matatalinghagang pahayag na nakatala sa


ibaba. Itala ang iyong sagot sa loob ng kahon.

1. “Pag nagtanim ng hangin


Bagyo ang aanihin”

2. “Nasa Diyos ang awa


Nasa tao ang gawa”
3. “Kung hindi ukol
Hindi bubukol”

4. “Anak na di paluhain
Ina ang patatangisin.”

3
B. Ang sumusunod ay mga eupemistikong pahayag. Ibigay ang kanilang
kahulugan, piliin lamang sa kahon ang iyong sagot at isulat sa kwarderno.

Masamang Tao Magnanakaw Asawa


Walang pera Kalimutan Mahirap
Nadudumi Patay na

________5. Pantay na ang mga paa


________6. Ibaon sa Hukay
________7. Butas ang Bulsa
________8. Halang ang Bituka
________9. Kapilas ng buhay
________10.Mabilis ang kamay
________11.Tinatawag ng kalikasan
________12.Hikahos sa buhay

BALIKAN
Subukan mong ibayuhin ang iyong kaalaman sa pagbibigay kahulugan.
Punan ng angkop na KAHULUGAN ng mga talinghagang salitang ginamit
sa pangungusap.
Panuto: Piliin sa loob ng kahon ang kahulugan ng salitang may diin sa
pangungusap.
a. hindi nadidisiplina d. pinag-isipan
b. Katalinuhan e. problema
c. Matalino
_______ 1. Hindi maiwasang makaranas ng bagyo sa buhay ang mga tao.
_______ 2. Inisip niya nang makapito ang bagay na ito bago niya gawin.
_______ 3. Matigas ang ulo ng anak na hindi napaluluha.
_______ 4. Malayo ang mararating ng batang matalas ang isip.
4
TUKLASIN

Pag-isipan at pag-usapan:
1. Ano - anong mga karunungang bayan ang ginamit ng may-akda sa
paglalahad ng kanyang kaisipan?
2. Bakit kaya gumamit ng mga karunungang bayan ang makata sa paghahatid
ng kanyang mensahe?

3. Sa iyong palagay,naging epektibo ba ang paggamit ng makata ng mga


karunungang bayang ito upang mapaganda ang kanyang akda? Ipaliwanag
ang sagot.
5.
SURIIN
PAGPAPAKAHULUGAN SA MATALINGHAGANG PAHAYAG
Ang matalinghagang pahayag ay maaring nasa anyo ng sawikain o idyoma,
kasabihan o salawikain.
Ito ay mga ekspresyong may malalim na salita o may hindi tiyak na kahulugan.
Sinasalamin nito ang kagandahan at pagkamalikhain ng wikang Filipino.
Narito ang ilang halimbawa ng matalinghagang at ang kahulugan ng mga ito.
MatalinghagangPahayag/kahulugan
Magsunog ng kilay / mag-aral ng mabuti
Balitang kutsero / hindi totoo
Mababa ang luha / iyakin
Tulog mantika / mahabang oras ng pagtulog

EUPEMISTIKONG PAHAYAG – Sa Ingles, ito ay tinatawag na euphemism.


Ang mga ito ay salita na badyang pampalubagloob o pampalumay upang ito ay hindi
masama pakinggan o basahin.
Kadalasan ito ay pumapalit sa mga matatalim o masyadong bulgar o
malaswang mga salita.
▪ Hikahos sa Buhay = Mahirap
▪ Magulang = Maraya
▪ Lumulusog = Tumataba
▪ Balingkinitan = Payat
▪ Tinatawag ng Kalikasan = Nadudumi
▪ Sumakabilang Bahay = Kabit
▪ Kasambahay = Katulong
▪ Mapili = Maarte o Pihikan
▪ Malikot ang isip = Masyadong maraming imahinasyon
▪ May amoy = Mabuhay
▪ Ibaon sa Hukay = Kalimutan na
▪ Balat Sibuyas = Pikon, Sensitibo, Madaling mapaiyak
▪ Butas ang Bulsa = Wala ng Pera
▪ Halang ang Bituka = Masamang Tao
▪ Mabilis/Makati ang Kamay = Magnanakaw
Ang mga salitang ito ay ginagamit rin upang mapagaan ang mga masakit na realidad
ng buhay natin. Ginagamit ito upang hindi lubos na masaktan ang isang tao

6
PAGYAMANIN

Pagkatapos malaman kung paano bigyan ng pagpapakahulugan ang


mga matalinghagang pahayag. Ngayon, handa ka na ba sa susunod nating gawain?

❖ PANSARILING GAWAIN 1
Panuto: Basahing muli ang tulang nasa bahaging tuklasin na pinamagatang
“Karunungan ng Buhay”’ Magtala sa iyong kuwaderno ng limang (5) matalinhaga
o eupemitikong pahayag at ibigay ang kahulugan nito.

• PANSARILING PAGTATAYA 1
Gayahin ang pormat sa ibaba.

Matalinghagang Pahayag Mula sa Tula Kahulugan


1

4.

5.

7
ISAISIP

Napag-alaman ko na:

➢ Nabibigyang - kahulugan ang mga Matatalinghagang Pahayag na


ginamit.

➢ Ang Matalinghagang Pahayag ay mga ekspresyon o pahayag na hindi


lantaran ang kahulugan na ipinapahiwatig nito.

➢ Gumagamit tayo ng mga tayutay upang mapaganda ang ating


pakikiusap at gumagamit ng Eupimistikong pahayag upang maiwasan
ang makapanakit sa kapwa.

➢ Sa pangyayaring ito, nararapat na malinang ang kagandahan at


paglamalikhain ng wikang Filipino. .

Mabuhay! Binabati kita at nagawa mong lampasan ang mga pagsasanay.


Ngayon, alam kong sapat na ang iyong kaalaman at kasanayan upang
maisakatuparan ang inaasahang produkto para sa araling ito.

8
ISAGAWA
TIYAKIN NA NATIN
Ilan sa mga matalinghagang salita at eupemistikong pahayag ay mababasa
natin sa iilang tula,maikling kwento,alamat o iba pang anyo ng panitikan. Sa ibaba ay
isang halimbawa ng tula na gumagamit ng eupemistikong pahayag at matalinhagang
pahayag. Maglista ng 3 at ibigay ang kanilang kahulugan.

Awit ng Salamin
ni Doroastig Kalagitnaang '78

Halina kayo
Dito sa harapan ko
Ipapakita ko sa inyo
Tuna'y n'yong pagkatao
Mga mukhang marurumi
Mga ngiting huwad
Mga bibig na nakabusal
Mga katawang hubad
Ang iba sa inyo'y magbabago
kung kayo'y wala na sa harapan ko
Ang makikitang pagkukulang ay pupunan
Pagkat kayo'y naniniwala sa katotohanan
Ang iba sa inyo'y magwawalang kibo
Dumi sa mukha'y hahayahang matuyo
Sa sarili di man lang mahahabag
Pagkat kayo sa katotohanan'y bulag
Ang iba sa inyo'y mapapahiya
Ang makikita'y pasisinungalingan't itatatwa
Ako'y inyong puputikan at babasagin
Pagkat katotohana'y nais n'yong ililihim

9
Masining/Eupemistko/Matalinhagang Salita Kahulugan

Hal. Mga ngiting - huwad plastik


mapagkunwari
1.
2.
3.
Mahusay! Natutuwa ako at nagawa mong maisakatuparan ang
inaasahang produkto sa araling ito. Batid ko na lahat ng konsepto sa araling
pampanitikan at pangramatika na iyong natutuhan ay mananatili at mapapaunlad mo
pa. Ngayon ay ihanda ang inyong sarili para sa panghuling pagtataya upang sukatin
ang inyong buong pag-unawa sa nilalaman ng modyul

TAYAHIN
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga pahayag at piliin ang titik ng tamang
sagot at isulat sa inyong kwaderno.

1. Pag may isinuksok, may madudukot.


a. Madalas ay inilagay ng mga Pilipino ang pera sa alkansiya para pag
dumating ang oras ng pangangailangan ay may magagasta.
b. Pag may iniipon kang pera yayaman ka.
c. Tiyak na may magagastos ang taong marunong mag-impok.
d. Umuunlad ang mga bangko dahil sa perang iniipon ng mga tao.
2. Kung ano ang taas ng paglipad, siyang lakas ng pagbagsak.
a. Ang taong mapagmataas ay kadalasang siyang nakararanas ng matinding
pagbagsak.
b. Hindi masamang mangarap nang mataas,huwag lamang sa paraang pag-
isipan ng masama ang kapwa.
c. Madalas bumabagsak sa buhay ang taong sobrang taas ang pangarap.
d. Mangarap ka hanggang gusto mo, huwag lang manakit sa kapwa.

10
3. Ngayon kakahigin, ngayon tutukain.
a. Gumising ng maaga para may makain.
b. Kailangang magtrabaho upang may makain.
c. Kung kalian lamang kailangan ang isang bagay ay doon lamang kikilos
upang makamit ito.
d. Maagang magtrabaho upang buhay ay umasenso.

4. Ang mahirap kunin ay masarap kainin.


a. Ang masarap na kanin ay mahirap kunin.
b. Ang ipinagbabawal ang siyang pang masarap.
c. Mas masarap lasapin at makamtan ang isang bagay na pinaghirapan.
d. Masarap kumain ng isang pagkaing mamahalin at mahirap kainin

5. Kapag maaga ang lusong ay maaga ang ahon.


a. Kapag maagang magsimula tiyak na maaga ring matatapos.
b. Lumusong nang maaga upang makaahon sa buhay at matamasa ang
tagumpay.
a. Matutung gumising ng maaga para magsimula ng trabaho.
b. Matutung umahon sa anumang pagsubok na iyong nilusong.

6. Ano man ang tibay ng piling abaka ay wala ring lakas kapag nag-iisa.
a. Pakikisama c. Pagkakaisa
b. Pagtitiis d. Pakikipagkapwa

7. Taingang Kawali
a. Malaki ang tainga c. hindi pumapansin
b. Nagbibingi-bingihan d. mabagal kumilos

8. Makapal ang palad.


a. Magaling magtrabaho c. Puno ng kalyo ang kamay
b. Malaking tao d. Masipag

9. Itaga mo sa bato.
a. Huwag mong kalimutan. c. Isulat mo sa bato.
b. Iguhit mo sa bato . d. Huwag mong tandaan.

10. Nagsusumikap sa pag-aaral si Elvin sa kabila ng pagiging anak dalita.


a. Maliit na bata. c. matangkad na bata
b. Masipag na anak. d. Mahirap na bata.

11. Nang sinagot ako ni Vanesa parang nakalutang sa ulap.


a. Tumalon- talon c. lumundak-lundak
b. Masayang-masaya d. Tuwang-tuwa

11
12. Ilang buwan na ring nagbibilang ng poste si Rose mula nang matapos ang
kaniyang kontrata sa bentahan ng sapatos.

a. Naghahanap ng trabao c. Nagbibilang ng sahod.


b. Nagkakaroon ng Trabaho d. Walang Trabaho
Magaling! Matagumpay na natamo ang layunin sa modyul na ito.
Inaasahang maging handa na naman kayo sa sa susunod na araling ating pag-
aaralan.

12
Talasanggunian

Baisa-Julian, Ailene G., Del Rosario, Mary Grace, at Lontoc, Nestor S. 2015.
Pinagyamang Pluma 8. Quezon, City: Phoenix Publishing House Inc.

Ki. Philippine News. February 26, 2020.


https://philnews.ph/2020/02/26/eupemistikong-pahayag-ano-ito-at-mga-
halimbawa/ (accessed August 14, 2020).
Tagalog Lang. 2002. https://www.tagaloglang.com/matalinghagang-pahayag/
(accessed August 14, 2020).

You might also like