You are on page 1of 2

Karagdagang Gawain

Gawain A:
Panuto: Ano-ano ang mga kanais-nais na gawaing Pilipino? Gaano mo kadalas ginagawa ang mga
sumusunod? Lagyan ng tsek ang iyong sagot.

Gawain Palagi Madalas Bihira Hindi


Kailanman

1. Magiliw na pagtanggap sa mga panauhin


ng aking mga magulang o kapatid.
2. Pakikisama sa mga gawain ng mga
kabataan sa aming barangay.
3. Pagtulong sa pag-aayos ng aming silid-
aralan kapag may espesyal sa aming
barangay.
4. Pagbabahagi ng aking talento sa
pangkatang gawain sa paaralan.
5. Pagsunod sa mga alituntuning
pangkaligtasan sa aming tahanan,
paaralan at pamayanan.
6. Pagtulong sa aking kamag-aral na
nasaktan sa loob ng paaralan.
7. Pagdama sa mga lakad ng kaibigan
kapag may pahintulot ang aking
magulang.
8. Paghahanap ng paraan upang
magkasundo ang dalawang magkaibigan
nagkagalit.
9. Pagboboluntaryo ng sariling opinyon
tungkol sa isang bagay kahit wala
namang nagtatanong.
10. Pagbibigay ng tinapay sa batang
namamalimos sa kalye.
Gawain B:
Ano ang gagawin mo sa sumusunod na sitwasyon upang maipakita ang iyong pakikilahok sa gawaing
pampamayanan? Isulat sa patlang ang iyong sagot.

1. Kakatapos lang ng bagyo at nabalitaan mong maraming bahay sa kabilang bayan ang nasira.

__________________________________________________________________

2. Malapit na ang pasukan sa paaralan. Maraming bata sa inyong lugar ang gustong magpalista sa
kindergarten. Nagkataon namang sa parehong araw din ang palistahan para sa ikalimang baitang na kagaya
mo.

__________________________________________________________________

3. Binilinan ka ng Nanay mo na ihatid sa paaralan nila ang nakababata mong kapatid. Subalit ayaw naman
nitong pumasok sa paaralan at gusto lang panoorin ay ang paborito niyang palabas sa TV.

__________________________________________________________________

4. Ayaw kang pahiramin ng kapatid mo ng bago niyang gadget na regalo sa kaniya ng kaniyang ninong na
nagtatrabaho sa ibang bansa. Gusto niya na pahiramin mo siya ng bago mong gadget.

__________________________________________________________________

5. Nakita mong nagsasayang ang tubig sa inyong gripo. Natatapon lang ito sa kalsada sa harapan ng inyong
bahay habang hindi pa dumarating ang mga tauhan na magkukumpuni.

__________________________________________________________________

You might also like