You are on page 1of 1

Babadilla, King Ernest Lajara

BSMT SIII-Hotel

1. Ang akda ay may pamagat na Saranggola dahil ipinakikita rito ang pagkakatulad ng
paraan sa pagpapalipad ng saranggola at paraan kung paano maging matagumpay
sa buhay. Ang isang saranggola ay isang payak ngunit matibay at mahusay sa
paglipad. Sa akdang ito, inihambing ang tiyaga at pag-iingat sa pagpapalipad ng
saranggola sa pagharap ng mga hamon sa buhay nang sa gayon ay maging
matagumpay and mahusay sa pag-abot ng kanilang mga pangarap sa buhay.

2. Ang kuwentong ito ay nagsimula sa mag-aama na may mga anak na sina


Rading, Paquito at Nelson kung saan sila’y nagkukwentuhan. Ikinuwento ng
kanilang ama ang istorya patungkol sa karanasan ng isang bata kung saan ang
isang batang humihiling ng guryon o saranggola sa kanyang ama, sa halip tinuruan
ng ama na magpalipad ito ng saranggola. Ang kanyang ama ang may-ari ng kaisa-
isang gasolinahan at machine shop sa kanilang bayan.

Noong siya ay magkolehiyo, tumanggi ang magulang niya sa kursong


Commerce, kumuha na lang siya ng Mechanical Engineering.Nagtanim ng galit ang
kaniyang anak sa sarili nitong ama at nais niyang makaganti at sinisisi ang kaniyang
ama. Nang una, ayaw mag-aral ng anak subalit sa huli tiniis niyang tapusin ang
kanyang pag-aaral dahil sa payo at katuwiran ng kanyang mga magulang.

Hanggang sa makapagtapos siya ng pag- aaral na may sama ng loob sa


kaniyang ama. Nagawa niyang maglayas hanggang magkaroon siya ng sariling
pamilya, Isang araw sa kanyang pagbalik muli sa kanilang tahanan ay wala na
siyang nadatnan na tatay kundi isang ama na namamahinga sa kanyang kama at
nag aagaw buhay at doon naalala ng anak ang lahat ng payo ng kanyang ama
kasama ang pagpapalipad ng saranggola.

3. Hindi salapi at kapangyarihan na kung minsa’y parang bulang nawawala ang


pinakamabuting pamana ng magulang sa anak. Matinik ang landas na kanyang
kanyang tatahakin kaya katatagan, mabuting asal at edukasyon ang pinakamatibay
na patnubay upang marating niya ang patutunguhan.

You might also like