You are on page 1of 1

ANTONIO, CHARISMA J.

JULY 04, 2022


BS – PHARMACY 1-1

ACITIVITY # 3

1. Ano ang mensaheng nais ihatid ng dulang Happy Birthday to me?


ANS: Ang aborsyon ay ipinagbabawal sa ating bansa sapagkat bilang kristiyano sinusunod
natin ito. Ito ay paglabag sa kapatang pantao, dahil bawat bata ay may karapatang mabuhay
ano pa man ang iyong rason sa buhay. Maging responsable tayong mga magulang kung buhay
ng bata ang pinag uusapan lalot ito ay kaloob ng Diyos. Paghihinagpis ng batang hindi
manlang nasilayan ang mundong kanyang pinapangarap.

2. Ano ang reaksyon mo sa dulang binasa?


ANS: Sinasabi sa atin ng Jeremias 1:5 na kilala na tayo ng Diyos sa simula pa at Siya ang
humuhugis sa atin sa tiyan ng ating ina. Ipinahayagi naman ng Mga Awit 139:13-16 ang
aktibong pagkilos ng Diyos sa paglikha at paghugis sa kaanyuan ng bata sa tiyan ng kanyang
ina. Sa Exodo 21:22-25 naman ay ipinahayag ang hatol na kamatayan sa sinumang magiging
dahilan ng kamatayan ng sanggol na nasa tiyan pa lamang ng kanyang ina. Ito ay malinaw na
nagtuturo na itinuturing ng Diyos ang sanggol sa tiyan ng ina na gaya sa isang matanda na
mayroon ng sapat na pag-iisip. Para sa mga Kristiyano, ang pagpapalaglag ay hindi
maituturing ng karapatan ng ina upang mamili. Ito ay patungkol sa buhay o kamatayan ng
isang tao na ginawa ayon sa wangis ng Diyos (Genesis 1:26-27; 9:6). Hindi matahimik ang
kaluluwa ng batang hindi manlng nasilayan ang mundong kanyang pinapangarap. Kapag
isinilang ang isang bata sa isang mag-asawa, tinutupad nila ang bahagi ng plano ng ating Ama
sa Langit na magdala ng mga bata sa lupa. Sabi ng Panginoon, “Ito ang aking gawain at aking
kaluwalhatian—ang isakatuparan ang kawalang-kamatayan at buhay na walang hanggan ng
tao.”
Marami sa kabataan ngayon na mayroong mapupusok na damdamin. Dahil dito ay
nakagagawa sila ng mga hindi magagandang pangyayari unang-una na rito ay ang
pagkakaroon ng maagang anak. Nagiging malawak ang kanilang kaisipan at sumusubok ng
mga bagay kagaya ng pakikipag-talik sa murang edad na nagiging sanhi ng pagkakaroon ng
anak. Kagaya na lamang ng kabataang nag aaral na nabanggit sa dula. Ang pagluluwal ng mga
bata sa mundo ay may kaakibat ng malalaking responsibilidad at ipinakikita nito ang
pinakamarangal na layunin ng buhay, ang pakikipagtuwang sa Diyos na “isakatuparan ang
kawalang-kamatayan at buhay na walang hanggan ng tao.”

Ang Ama ng buong sangkatauhan ay umaasa sa mga magulang, bilang kanyang mga
kinatawan, na tulungan siyang hubugin at gabayan ang mga tao at kaluluwang imortal. Iyan
ang pinakamataas na tungkuling maibibigay ng Panginoon sa tao. Ang pagiging magulang ay
dapat ituring na sagradong obligasyon. Walang mas marangal na gawain sa mundong ito na
magagampanan ng sinumang ina kundi ang palakihin at mahalin ang mga batang kaloob ng
Diyos sa kanya.

You might also like