You are on page 1of 1

Bilang kasapi ng ating lipunan, isa sa ating mga tungkulin bilang mamamayan nito ay ang bigyang

paggalang ang ating mga magulang, nakatatanda at may awtoridad. Tungkulin nating bigyang
pagpapahalaga ang dignidad ng mga nakatatanda sa pamamagitan ng pagpapatupad ng mga batas na
proprotekta at mangangalaga sa kanilang mga karapatan. Kinakailangan na pairalin natin sa bawat isa
ang kaugaliang tumupad sa mga batas upang maipakita din naman natin ang ating paggalang sa mga
may awtoridad. Sa pamamagitan nito maituturo ng mga magulang sa mga kabataan ang kanilang
tungkiling gumalang at pagtupad. Ngunit sa kabila ng mga ito, marami rami parin ang nakikitaan ng di
magandang pakikitungo sa mga nakatatanda magulang at awtoridad. Dapat din itong ilapat sa
komunidad ng LGBTQ+ dahil sila’y patuloy pading napagmamalupitan. Dapat maging bukas ang isipan ng
lahat at tanggapin ang ideya ng LGBTQ+, kung hindi nila ito matatanggap kahit man lang igalang sila
dahil tao pa rin sila at hindi makakasama sa atin. Ang LGBTQ+ ay isang acronym para sa lesbian, gay,
bisexual, transgender, queer, at ang plus sign para sa iba pang mga sekswalidad. Ang mga terminong ito
ay ginagamit upang ilarawan ang sekswal na oryentasyon o pagkakakilanlan ng kasarian ng isang tao.
Ang mga sumusunod ay syang mga halmbawa nito.

Magulang:

 Pakikialam ng gamit nang hindi nagpapaalam.


 Pag sagot ng pabalang sa mga magulang
 Kawalan ng malasakit at pagmamahal sa magulang, tulad nalang ng pagbibitaw ng mga di kaaya-
ayang pananalita at pagtataas ng boses kung sila ay kinakausap
 Pag dadabog at pagsuway sa kanilang mga kautusan

Nakatatanda:

 Pagpapabaya at di pangangalaga sa mga kamag-anak na matanda sa panahong kinakailangan


 Hindi pagmamano
 Di paggamit ng mga salitang po at opo kung sila ay kinakausap
 Biglaang pagsabat sa usapan ng mga nakatatanda nang walang pahintuloy

Awtoridad:

 Paglabag sa mga bata na syang ipinatutupad sa ating lipunan


 Pagiging arogante o pakikipagtalo ng wala sa katuwiran
 Pag suway sa batas trapiko
 Di pagsunod sa kaayusan ng pagtatapon ng basura

LGBTQ+ Community:

 Pambubully sa kanila
 Pagdedesisyon sa kanilang seksuwalidad
 Pagkaranas sa abuso dahil sa seksuwalidad
 Pagtatangi sa mga miyembro nito

Makabubuo ka ng maayos at malusog na ugnayan na may pagtitiwala, kabutihan at kagandahang asal


kung iyong ipakikita ang pagpapahalaga at paggalang sa iyong mga magulang , sa mga nakatatanda, sa
mga may awtoridad at sa komunidad ng LGBTQ+.

You might also like