You are on page 1of 5

Republic of the Philippines

Department of Education
Region III
SCHOOLS DIVISION OF BULACAN
District of Bocaue
TURO ELEMENTARY SCHOOL

STATE OF THE SCHOOL ADDRESS (SOSA)


Taong Pampaaralan 2021- 2022

Isang Mapagpalang Araw Po sa Ating Lahat!

Nakakalugod po na makasama namin kayong lahat sa Face to Face-


Graduation sa taong pampaaralan 2021-2022. Sa kabila ng pinagdadaanan
nating krisis kaugnay ng Covid 19 pandemic,na sa ngayun ay patuloy na unti -
unti na tayong bumabangon at nahaharap sa bagong normal na pamumuhay ay
hindi po dapat maantala ang lahat ng gawaing may kinalaman sa pagpapatuloy
na maihatid ang tinatawag na mataas na kalidad ng edukasyon.
Layunin ko po na ipaalam sa inyo ang mga ulat ukol sa ating
minamahal na paaralang Elementarya ng Turo. Ito po ang inilaang pagkakataon
upang inyong mabatid ang mga mahahalagang impormasyon tungkol sa
katayuan ng ating paaralan sa nakalipas na taong. Sa ganitong paraan ay
makakamit natin ang pagkakaisa, at pagtutulungan tungo sa ikabubuti ng ating
mga batang mag-aaral, mga guro at pamayanan.
Ang ating paaralan ay may kabuuang sukat na 5,917.253 Sq. m at sa
lawak po nito mayroon po tayong 20 silid-aralan, 1 H.E. Building, 1 canteen, 1
e-classroom, 1 principal’s office at 1 clinic na nasa bahagi ng H.E na nagagamit
ng ating mag-aaral na kasali sa limited face to face classes, gayundin ang mga
teaching at non- teaching personnel.

Enrollment -Ang bilang po ng mga mag-aaral sa loob ng 3 pampaaralan taon


ay paparami sa taong 2019 – 2020 ay mayroong 756 na mag-aaral, sa taong
2020 – 2021 ay may 835 na mag-aaral at sa taong 2021 – 2022 ay mayroon
namang 982 na mag-aaral, makikita po natin na papalaki ang bilang ng mga
bata kung kaya’t ang bilang ng classroom ay di naging sapat sa mga mag-aaral
subalit ito po ay nagawan ng paraan sa pamamgitan ng pag-gamit sa ating
canteen at H.E bilang Classroom ng mga batang Grade 1 at 2.

1
Republic of the Philippines
Department of Education
Region III
SCHOOLS DIVISION OF BULACAN
District of Bocaue
TURO ELEMENTARY SCHOOL

Sa kasalukuyan ay mayroon po tayog 26 na guro.


Bagamat wala po tayong punung- guro, ako ay tumatayo bilang Officer-in -
Charge /Focal Person at Master Teacher I ng paaralan.Tayo ay patuloy na
ginagabayan ng ating ina ng mga Paaralan sa Distrito ng Bocaue Dr, Ma. Neriza
F. Fanuncio EdD. Mayroon po tayong isang Master Teacher 2,Ang bilang ng
guro sa Teacher III ay 9,sa Teacher II ay wala pa po sa kasalukuyan, at 15
Teacher I. Ang ang mga Non- Teaching personnel ay 4 na binubuo ng ,
Administrative Officer na National Funded, Utility Aid at Security Aid na mga
MOOE Funded, at isang Utility (SEF) funded. May mga gurong na promote po
ngayong taon mula Teacher I to Teacher III at Teacher II to Teacher III. Ang
lahat po ng mga guro ay patuloy na dumadalo sa ating School Learning Action
Cell, Face to face Seminar at Online Webinar upang madagdagan ang
kaalaman, lalo pang mapaunlad ang kakayahan sa pagtuturo sa iba’t ibang
asignatura at masanay sa bagong pagtuturo gamit ang makabagong teknolohiya.

School Programs & Projects ng ating Paaralan sa mga gawaing mga


sumusunod ,lalong napapaigting ang galling at husay ng Paaralan sa paghubog
sa mga bata at magkaroon ng magandang samahan ang mga magulang at guro.

 BRIGADA ESKWELA
 Adopt-A-School Program
 Gulayan sa Paaralan
 Feeding Program for severely & wasted pupils
 Milk Feeding
 Annual check-up for teachers
 Alternative Learning System o ALS
 Recognition & Graduation Day
 Administration of EGRA Test in Grades 1 - 3- English and Filipino and
Phil IRI for grades 4-6 – English and Filipino,ELLNA in Gr3. Project All
Numerates or PAN.
 Continous Improvement Project sa Math, at Filipino na naglayong
mapahusay at mapaunlad pa ang mga bata sa mga asignaturang ito.
 Remedial Classes

2
Republic of the Philippines
Department of Education
Region III
SCHOOLS DIVISION OF BULACAN
District of Bocaue
TURO ELEMENTARY SCHOOL

 Continuos Online Kamustahan at Online Lesson


 Guidance Services at Counselling
 Lumahok din po tayo sa 5BS: Bawat Batang Bulakenyo Bihasang
Bumasa sa English at Filipino noong Hulyo 9, 2022
Filipino Winners District Level Pupils Category ay nakamit ni Ashly
Heart G. Valentin Grade 3-( 2nd Place)

Tayo po ay nakiisa sa gawaing pampamayanan , ang ating pong paaralan ay


nagsilbing venue para sa Pediatric Vaccination Resbakuna Kid noong ika 22 ng
Marso at Polling place ng National and Local Election noong Mayo 9,2022.

Tayo din po ay nakilahok sa mga programa na binababa ng ating kagawaran ng


Edukasyon katulad po ng mga sumusunod:

Earthquake Drill at Fire Drill every quarter na isinagawa ng mga bata sa knilang
tahanan ,layuning natin na maituro sa mga bata ang mga tamang gagawin sa
oras ng mga nasabing sakuna.

Nakilahok din po tayo sa Pambansang araw ng Watawat ng Pilipinas mula


Mayo 28, hanggang Hunyo 12, 2022. Sa Pakiisa sa pagdiriwang ng ika – 124 na
taong Kalayaan ng Pilipinas na may temang “ Pagsuong sa hamon ng
panibagong bukas”. At paglahok ng mga guro sa Distritong pagsasanay ng
“Galaw Pilipinas” para maituro sa mga bata at gawing ehersisyo ng mga bata
tungo sa malusog na kalusugan.

GENERATION OF RESOURCES

Sources of Funds:

 MOOE – 57,500.00 monthly with tax or 690, 000.00 this year 2022
 DepEd Feeding Program – 80,250.00 SY 2021-2022
 SEF Local School Board fund – 362, 000.00 this year 2022
 Stakeholders- 154,460.00 donations from SY 2021-2022

3
Republic of the Philippines
Department of Education
Region III
SCHOOLS DIVISION OF BULACAN
District of Bocaue
TURO ELEMENTARY SCHOOL

Ang nasabing pondo ang siyang ginagamit ng paaralan sa lahat ng mga


gastusin at pagsasaayos ng mga pasilidad tulad ng mga sumusunod:

 Pagbabayad ng kuryente
 Pasahod sa mga utility at security guard
 Bayad sa PLDT
 Printing of modules
 Medical/Health Supplies
 Minor Repairs sa ating classrooms at gamit sa paaralan
 Repair and improvement of Principal’s Office
 Repair of water supplies
 Repair of Electricity
 Pagsesementado ng bahagi ng daan
 Pagbili ng SAER water Pump
 Mga Gamit sa pagbubukas ng Limited Expansion of Face to Face classes
 School supplies para sa mga mag-aaral, mga guro at opisina.

Sa pangunguna po ng ating Pangulo ng General PTA at mga Officers kasama


ang mga boluntaryong magulang ay malaki ang kanilang naitulong upang
masiayos at mapaganda ang ating paaralan.Ang pag dodonasyon ng ilang Plant
Rack at pagbubuo ng Improvised Hand washing Facilities sa paligid ng paaralan
ay nakabawas sa malaking bilang ng pangangailangan ng mga ito sa ating
paaralan. Nakatanggap din po tayo ng mga gamit mula sa ating mga Good
Samaritan dito sa ating komunidad. Ang mga babasahing aklat pambata, school
supplies para sa mga bata at mga guro, mga rim ng bondpaper, mga Medical
supplies at mga gamit pang disinfection ay tunay na biyaya.

Mga kasalukuyang Hamon na kinahharap pa ng paaralan

 Kakulangan ng mga classrooms


 Karagdagang washing facilities sa paligid ng paaralan
 Pagpapalit ng metro ng kuryente sa paaralan.

4
Republic of the Philippines
Department of Education
Region III
SCHOOLS DIVISION OF BULACAN
District of Bocaue
TURO ELEMENTARY SCHOOL

 Karagdagang printer at cabinet sa pagiingat sa ating mga modules


 Karagdagang mga gamit pampaaralan.

Hangad po naming mga guro ang mas produktibong paglilingkod sa


tulong ninyong lahat sa kabila ng pandemya. Layunin pa nating maitaas
ang antas ng edukasyon ng mga bata sa susunud na henerasyon. Kailan
man ay di natin sila hahayaang maiwan.

Maraming salamat po, naitataguyod natin ang edukasyon ng mga mag-


aaral ,naisasakatuparan ang mga plano , proyekto at programa sa ating
paaralan dahil sa pakikipagtulungan at pakikiisa ng aking mga kapwa
guro,mga magulang,sa PTA Officers, komunidad at suporta ng lokal na
pamahalaan at sa patuloy na pagbibigay ng inspirasyon at laging suporta
sa atin ng mahal nating Schools Public District Supervisor Dr. Ma.
Neriza F. Fanuncio EdD. Higit sa lahat Maraming Salamat sa Poong
Maykapal na sa bawat taon ay tunay siyang nagpala at magpapala sa atin
lahat. Sa pagsulong at tagumpay ng Turo Elementary School ay asahan
po ninyo, Walang imposible! Kung sama-sama, Kayang-kaya! Manatili
po tayong ligtas.
Mabuhay po tayong lahat!

God bless us all!

You might also like