You are on page 1of 1

Sec.

Lorenzana: Pilipinas, nananatiling “neutral” o walang papanigan


sa gitna ng tension ng Russia at Ukraine.

Neutral o walang papanigan ang Pilipinas sa lumalalang tension sa pagitan ng Ukraine at Russia. Sa
ngayon ito raw ang posisyon ng pamahalaan ayon kay Defense Secretary Delfin Lorenzana. Gayon pa
man, nakahanda ang Armed Forces of the Philippines sakaling lumala ang tension at kumalat ang
kaguluhan sa ibang bansa. Pagtitiyak din ng malacanang, nanantiling nakatutok ang gobyerno sa
magiging development at sitwasyon sa Europa. Binigyang diin din ni Acting Presidential Spokesperson
Karlo Nograles na prioridad ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kaligtasan ng mga pinoy sa Ukraine.
Magugunitang nag sasagawa na ng repatriation efforts ang Department of Foreign Affairs para mailikas
ang mga pinoy roon.

You might also like