You are on page 1of 4

Mula sa : HUMAN RESOURCES DEPARTMENT

Petsa : APRIL 1. 2022


Para kay : DRIVER ROGEL L. AÑONUEVO
DECISION

Ang desisyong ito ay tungkol sa mga reklamong ipinarating sa opisina mula sa Pamunuan ng
Kompaniya noong July 7, 2021 at noong August 2, 2021 at ang mga ito ay nagsasaad na noong:

(1) July 05, 2021 bandang 11:40AM habang mina-maneho mo ang DL-746 ay nagkaroon ka ng
aksidente sangkot ang isang Boom Truck na may plaka na Numero ZBE 709, sa kahabaan
ng Gil Puyat avenue, Pasay City infront of DLTB Holding Area na kung saan matapos
mangyari ang insidente ay nagtamo ng damage ang mga nasabing sasakyan.

(2) July 31, 2021 habang ikaw ang driver ng DL-564 patungo ng Manila galing ng Calatagan ay
tumirik ang nasabing bus sa kalsada sa kahabaan ng CAVITEX makalamapas ng Tollgate dahil
naubusan ng diesel dahilan para mahatak ang nasabing bus at magbayad ng halagang
P6,944.00 para sa impound fee at P3,600.00 para sa towing fee..

Nakasaad sa baba ang resulta ng aming pagsisiyasat kung saan ikaw ay binigyan ng sapat na
panahon para depensahan mo ang iyong sarili sa kaso. Ang mga pangyayaring ito ay isang malinaw na
paglabag sa mga polisiya ng kompanya na nakapaloob sa 8.1.5 HEALTH AND SAFETY RULES o ligtas na
pamantayan sa pagtupad sa tungkulin at sa 8.3.7-Sinadyang sagabal o paghimok, paghihikayat,
paghadlang sa pagtupad ng mga tungkuling nakaatang .

Minabuti ng pamunuan na isa-isahin ang nasabing usapin upang magkaroon ng patas na


pagdinig at mabigyang daan ang lahat ng dokumentong isinumite para sa kaukulang desisyon.

(1)Para sa insidenteng naganap noong July 5, 2021

Upang mabigyan linaw ang nasabing report ay nagpadala ang opisina sa iyo ng sulat (“Notice to
Explain”) na may petsang July 7, 2021 at ito ay personal mong tinanggap noong July 7, 2021. Base sa
nasabing sulat, ikaw ay binibigyan ng pagkakataon magpaliwanag sa loob ng limang (5) araw matapos
mong matanggap ang naturang sulat. Binibigyan ka rin ng limang (5) araw mula sa pagsusumite ng
iyong written explanation o sulat ng pagpaliwanag na dumalo sa isang pagdinig (hearing/conference)
kung iyong nanaisin at may karapatan kang kumuha ng sarili mong abogado o kasapi ng inyong unyon
upang tumulong sa iyo para maipaliwanag and iyong panig.

Bilang tugon sa Notice to explain ay nagsumite ka ng iyong sulat-kamay na salaysay na may


petsang July 5, 2021 at nakasaad dito na x x x Ako po si Rogel Añonuevo driver ng 746, nakaparada
po kami sa Leveriza at naghihintay po kami ng tawag pila PITX ng tinawagan na po kami na pipila
ay lumabas na po kami dahan-dahan sa Holding Leveriza, nakita ko po na parating ang boom truck
ng MERALCO, ng nakalabas na po kami ay nakita ko po sa side mirror na nakadikit ang boom niya
sa bintana ng 746 kaliwa , binangga niya po sabi po ng guard natin eh umabante pa daw po yung
boom truck kaya dumikit. Tapos huminto po ako bumaba, sabi ko po Poice Report kami, eh ayaw
niya po maaabala daw sala, tuluyan na po sila umalis. x x x.

Noong August 5, 2021 ikaw ay personal na pumunta sa opisina at kusang loob na pumayag sa
pagdinig at imbestigasyon. Heto ang ilan na mga sumusunod na tanong at sagot na iyong ibinigay sa
nasabing imbestigasyon:
8.T- Maari mo bang ipaliwanag kung ano ang dahilan at ikaw ay nasangkot sa isang insidente habang mina-
maneho mo ang DL-746 noong ng July 5, 2021 sangkot ang isang Boom Truck na may plaka
na Numero ZBE 709, sa kahabaan ng Gil Puyat avenue, Pasay City sa tapat ng DLTB Holding area na
kung saan matapos mangyari ang insidente ay nagtamo ng damage ang mga nasabing
sasakyan ?
S- Ang mga sumusunod na paliwanag ay ang aking tugun hinggil dito;
A,July 5, 2021 bandang 11:40am Palabas po ako ng DLTB holding area patungo ng PITX.
B. Palabas po ako ng holding area ng DLTB sa Gil Puyat Leveriza na ina-assist ng ating Guardia sa pamamagitan
ng paghapas sa tagiliran kaliwa ng aking bus at ng ang aking bus ay nakalabas na ang katawan pero hindi pa na-
paling o nakabig pakanan ay naramdaman ko na may kumalabog po sa tagiliran kaliwang hulihan ng aking bus at
ng makita ko po ito ay nakadikit na ang Boom ng sa tagilirang kaliwang hulihan ng Boom Truck kaya ang ginawa
ko ay bumaba po ako at kinausap ko ang driver ng bus na ngunit ayaw bumaba ng Truck at sinabi ko na bumaba
ka at mag pa Police Report tayo, tingnan mo ang salamin ng bintana at may basag tama ng boom ng truck mo at
siya ay nabigla ng makita niya na nakadikit ang boom ng truck niya sa bintana ng bus tapos ay umatras po siya at
kinausap po siya ng Guardia at pinababa subalit ayaw pa rin bumabab at sinabihan na na mag pa Police Report
subalit ayaw pa rin at ang ginawa po ay umadar na at umalis.Dumating po si Inspector Raymundo at hinabol po
ang Boom Truck sa may 711 Store at pinababa niya ito para mag-usap at mag pa Police Report subalit ayaw pa
rin bumaba at tuluyan na itong tumakas. Tumawag si Inspector Raymundo ng Traffic Enforcer para ireport at
isumbong ang pangyayari subalit hindi naman hinabol ang truck at nagpayo nalang na mag pa Police Re -
port.Kaya ako nalang po ang nagpa Police Report kasama ko si Inspector Raymundo at aking conductor na si
Briones.

(2)Para sa insidenteng naganap noong July 31, 2021.

Upang mabigyan linaw ang nasabing report ay nagpadala ang opisina sa iyo ng sulat (“Notice to
Explain”) na may petsang August 5, 2021, at ito ay personal mong tinanggap. Base sa nasabing sulat,
ikaw ay binibigyan ng pagkakataong magpaliwanag sa loob ng limang (5) araw matapos mong
matanggap ang naturang sulat. Binibigyan ka rin ng limang (5) araw mula sa pagsusumite ng iyong
written explanation o sulat ng pagpaliwanag na dumalo sa isang pagdinig (hearing/conference) kung
iyong nanaisin at may karapatan kang kumuha ng sarili mong abogado o kasapi ng inyong unyon upang
tumulong sa iyo para maipaliwanag and iyong panig.

Bilang tugon sa Notice to explain ay nagsumite ka ng iyong sulat-kamay na salaysay na may


petsang July 31, 2021at nakasad dito na x x x Ako po si Rogel Añonuevo driver ng 546 na tumirik sa
CAVITEX , sa dahilan po na naubusan ng diesel. First trip po kami sa LRT, kaninang madaing araw
biyaheng Calatagan, bago po kami bumiyahe ay nag diesel po kami sa Gasman Leveriza, sabi ko po
sa Calatagan ang biyahe, sabi po ng Gasman 120Liters, ok na kaya bumiyahe na po kami, pero
pagbalik namin ay hindi umabot ang diesel, pero nakapag diesel po kami. Hindi po gumagana ang
gauge ng diesel. Wala naman po trouble ang bus x x x .

Noong August 5, 2021 ikaw ay personal na pumunta sa opisina at kusang loob na pumayag sa
pagdinig at imbestigasyon. Heto ang ilan sa mga sumusunod na tanong at sagot na iyong ibinigay sa
nasabing imbestigasyon:

5. T – Ayon sa report, noong July 31, 2021 habang ikaw ang driver ng DL-564 ay tumirik sa kalsada ang
nasabing bus dahil naubusan ng diesel dahilan para mahatak ang nasabing bus at magbayad ng
halagang P3,600.00 para sa towing fee, ano masasabi mo dito?
S – July 31, 2021 bandang 5:30AM kami po ang 1st trip ng biyaheng Nasugbu via Calatagan.
Matapos po namin na magsakay ng pasahero sa LRT Terminal ay umalis na po kami. Dahil paubos
na ang aming diesel ay nagdaan kami ng Holding Area sa Leveriza para magpakarga ng diesel.
Pagdating po namin dito ay bumaba po kami ng aking conductor at ginising ang Gasman at nagsabi po
ako na magpapadiesel po ako Calatagan ang biyahe. Ng makita ko po na inilagay ang pump sa tangke
ng diesel ng bus ay umakyat na po ako sa bus dahil may pasahero po ako at naiwan po ang aking
conductor Rotubio para bantayan ito. Nakita ko po sa aking side mirror na umalis din ang Gasman at
iniwan ang pump na nakalagay sa tanke ng diesel ng bus. At ng umakyat ang aking conductor ay sinabi
sa akin na ayos na tapos na at pag tingin ko sa aking side mirror sa kaliwa ay nakita ko po na
pinupukpok na nito ang tagiliran ng bus at pinapalakad na kami. Tapos ay lumakad na kami.pagdating
namin ng Calatagan ay pumila na po kami at umalis na uli patungo ng Manila at pagdating namin sa
Cavitex makalampas ng Tollgate ay bumagal na at huminto na ang bus. Bumababa po ako inikot ko ang
bus at tiningnan ang paligid ng bus at wala naman akong nakitang sira kaya sinukat ko ang tanke sa
gamit ang stick na kahoy at nalaman ko na ubos na ang diesel.Tumawag na po kami sa Leveriza para
sa rescue pero ang sabi ay nasa rescue din sila sa SLEX at tumirik din dahil sa diesel kaya hindi
makakarating agad agad, kaya inaantay namin ang rescue pero may dumating na Patrol na CAVITEX at
pinahila na po kami patungo ng PITX.

T – Kita mo ba kung ilang litro ang naikarga sa iyo bago ka umalis ng Holding Area?
S – Hindi po.

1. Malinaw na ikaw ay may pagkakamali sa nangyaring insidente noong July 5, 2021 bandang
11:40AM habang ikaw ang driver ng DL-746 sa kahabaan ng Gil Puyat Avenue Pasay City ng dumikit sa
boom truck (Plate # ZBE709) ang hulihang kaliwang tagilirang bintana ng minamaneho mong bus na
nagresulta sa pagkakaroon ng pinsala ng DL-746. Malinaw sa Imbestigasyong naganap noong August 5,
2021 na sinabi mo na habang ikaw ay nausad papalabas ng Leveriza Holding Area ay sa bus nakatingin
si S.G. Wenchie Sunggayan ( Guardiya ) habang ito ay nag-a-assist sa iyo papalabas kaya hindi niya kita
ang paparating na boom truck kaya hindi ito napahinto ng nasabing Guardia at ang boom truck ay
kusang tumigil ng malapit na sa minamaneho mong bus at narinig mo na lamang na may kumalabog
sa tagilirang kaliwa ng iyong bus at ng ikaw ay bumaba para tingnan ito at nakita mo na nakadikit na
ang boom truck sa tagilirang hulihang kaliwang salamin ng DL-746. Malinaw rin na sinabi mo na hindi
mo nakita kung papaano dumikit ang iyong minamanehong bus sa boom truck kaya masasabi na hindi
ka sigurado kung paano dumikit ang DL-746 sa Boom Truck. Malinaw sa pangyayari na moving ang
minamaneho mong bus bago mangyari ang aksidente kaya ito ay maaaring isang indikasyon na ang
minamaneho mong bus ang dumikit sa boom truck kaya nangyari ang aksidente. Sinabi naman ni S.G.
Wenchie Sunggayan ( Guardiya ) sa kaniyang sulat kamay na salaysay na hindi niya pinatigil ang boom
truck at ito ay kusang tumigil ng malapit na sa minamaneho mong bus at sinabi rin ng Guardiya na
umusad ng kaunti ang Bppm Truck habang ikaw ay papalabas ng Holding Area kaya dumikit ito sa
hulihang tagilirang bintana ng DL-746. Kung talagang kita ng Guardiya na umuusad ang boom truck
papalapit sa minamaneho mong bus bakit hindi ito sinubukang patigilin ng Guardiya kung sinabi niya
na nakita niya na umuusad ng kaunti ang boom truck , kung kita niya na umuusad ng kaunti ang boom
truck ay malaki ang kaniyang pagkakataon para ito ay kaniyang senyasan na huminto subalit walang
sinabi ang Guardiya na sinubukan niyag pigilan ang boom truck habang ito ay marahang umuusad.
Kaya masasabi natin na hindi kita ng Guardiya kung ang boom truck nga ay dahandahang umusad at
bumangga sa DL-746. Dagdag pa dito ay sinabi mo na nakatalikod ang Guardiya sa boomtruck kaya
hindi nito kita ang boomtruck sa likuran niya kaya paano mapapatunayan ng Guardiya na ang boom
truck ang bumangga sa DL-746. Mapapansin din na magkasalungat ang nilalaman ng iyong salaysay at
ng Guardiya tungkol nangyaring aksidente, kaya ang iyong salaysay at ang salaysay ng Guardiya ay
hindi makakapagsabi sa totoong nangyari noong sandaling iyon. Dahil maari ding sabihin na ikaw ay
papaliko sa kanan kaya natamaan ng kaliwang likurang bintana ang boom truck at maari din naman na
ang boom truck ang umabante subalit sa dalawang scenario na ito ay parehas walang malinaw na
ebidensiya. Malinaw sa sinabi mo na ikaw ay moving bago mangyari aksidente kaya malamang na ikaw
ang nakasabit sa nasabing boom truck. Dahil hindi mo napatunayan na ang boom truck ang bumangga
sa minamaneho mong bus dahil sa kakapusan ng ebidensiya para patunayan ito ay nangangahulugan
lamang na ikaw ang lumalabas na may kasalanan sa nangyaring aksidente.

2. Matapos ang masusing pag-aaral at pagtimbang sa mga dokumento, salaysay at


imbestigasyon, malinaw na ikaw ay may pagkakamali sa nangyaring insidente noong July 31, 2021
habang ikaw ang driver ng DL-564 simula Calatagan patungo ng LRT ng tumirik ang nasabing sasakyan
sa CAVITEX makalampas ng Toll Gate dahil naubusan ng diesel at naging dahilan para ito ay
hilahin(towed) ng Automobile Association of the Philippines (AAP) at pagbabayad ng Kompnaiya ng
halagang Six Thousand Nine Hundred Forty Four Pesos (P6,944.00) para sa impounding fee at Three
Thousand Six Hundred (P3,600.00) para sa towing fee. Malinaw sa naging imbestigasyon na
boluntaryo mong inamin ang iyong pagkakamali sa pangyayaring ito. Isang obligasyon ng driver ng
Kompanya na mag check ng kaniyang bus (BLOW BAGETS) bago bumiyahe subalit malinaw na hindi
mo ginawa ang obligasyon na ito ng ikaw ay bumiyahe simula Calatagan patungo ng LRT dahil tumirik
ang DL-564 sa CAVITEX. Ang pangyayaring ito ay nagpapatunay na hindi mo ginawa ang iyong
obligasyon mag check ng minamaneho mong bus bago bumiyahe. Dagdag pa dito ay malinaw rin sa
pangyayari na nagpabaya ka sa iyong tungkulin at responsibilidad bilang isang driver ng hindi mo
siguraduhin na makarating ng maayos at ligtas ang mga pasahero sa kanilang destinasyon.

Ayon sa polisiya ng kompanya, ang sinumang empleyadong lumabag sa 8.1.5 (c)(First Offense)
ay may karampatang parusa na Limang (5) araw na suspension sa unang paglabag at pagbabayad ng
halaga ng kabuuang pinsala, Labing Limang (15) araw na suspension sa pang-dalawang paglabag at
pagbabayad ng halaga ng kabuuang pinsala, Tatlumpong (30) araw na suspension sa pang-tatlo na
paglabag at pagbabayad ng halaga ng kabuuang pinsala, Terminasyon sa trabaho sa pang-apat na
paglabag at pagbabayad ng halaga ng kabuuang pinsala at sa 8.3.7 ay may karampatang parusa simula
labing limang(15) araw na suspension sa unang paglabag, terminasyon sa pangalawang paglabag.

Ayon sa iyong 201 file ito ay ang unang dalawang pagkakataon na ikaw ay nagkaroon ng kaso
bilang empleyado ng Kompanya.

Bilang konsiderasyon ay napagpasyahan ng kompanya na ipataw sa iyo ang karampatang parusa


na Labing limang (15) araw na suspension sa trabaho at pagbabayad ng pinsala na tinamo ng DL-746
na nagkakahalaga ng Forty One Thousand Three Hundred Pesos (P41,300.00) at pagbabayad ng halagang Six
Thousand Nine Hundred Forty Four Pesos (P6,944.00) para sa impounding fee at Three Thousand Six
Hundred (P3,600.00) para sa towing fee na paghahatian niyo ng iyong konductor sa DL-564 na si
Conductor Melvin Rotubio Jr. upang maiwasan at hindi na maulit ang ganitong uri ng paglabag at kung
sakaling maulit ang ganitong pangyayari sa mga susunod na pagkakataon, ikaw ay maaari nang
patawan ng mas mataas na suspensyon o termination sa iyong trabaho. Ang suspension na ito ay
magiging epektibo matapos mong matanggap ang desisyong ito.

Ikaw din ay binibigyan paalala na maari mong iapela ang iyong usapin sa Grievance machinery
sang-ayon sa Collective Bargaining Agreement ng pamunuan at ng Unyon.

JAMES A. OLAYVAR
OIC-HR Department
SVP & General Manager

You might also like