You are on page 1of 3

Mula sa : Human Resources Department

Petsa : March 14, 2020


Para kay : Joel Balansag

DECISION

Ang desisyong ito ay hinggil sa reklamong ipinarating sa opisina tungkol sa diumano'y pagiging
arogante mo sa isang pasahero na nagngangalang Ms. Jackie Alexandra na kung saan ayon sa nasabing
pasahero ay nagbigay siya ng halagang P1,000.00, ngunit hindi agad ito nasuklian at sa kaniyang pag
baba sa Science Park ay tiananong ka niya para hindin ang sukli, ngunit nagalit ka at sinabi ‘ hay naku
may sukli pa pala kayo, eh wala akong barya, akala ko ay diretso kayo’ biglang sumabat ang kapareha
mong driver na ‘sa sususnod na wala kayog saktong pamasahe ay wag na kayong sasakay’. Ang
nasabing gawain kung sakaling mapapatunayan na ikaw ay nagkamali, ay isang malinaw na paglabag
sa polisiya ng kompanya na nakapaloob sa 8.7 Acts of Misconduct – 8.7.21. (Any valid form of
passenger complaint against the driver, conductor and employee).

Nakatanggap ang opisina ng isang Passeger Complaint letter galing kay Ms. Jackie Alexandra na
kung saan ayon sa nasabing pasahero ay nagbigay siya ng halagang P1,000.00, ngunit hindi agad ito
nasuklian at sa kaniyang pag baba sa Science Park ay tiananong ka niya para hindin ang sukli, ngunit
nagalit ka at sinabi ‘ hay naku may sukli pa pala kayo, eh wala akong barya, akala ko ay diretso kayo’
biglang sumabat ang kapareha mong driver na ‘sa sususnod na wala kayog saktong pamasahe ay wag
na kayong sasakay’.

Upang mabigyan linaw ang nasabing report ay nagpadala ang opisina sa iyo ng sulat (“Notice to
Explain”) na may petsang February 20, 2020 at ito ay personal mong tinanggap noong March 7, 2020.
Base sa nasabing sulat, ikaw ay binibigyan ng pagkakataon magpaliwanag sa loob ng limang (5) araw
matapos mong matanggap ang naturang sulat. Binibigyan ka rin ng limang (5) araw mula sa
pagsusumite ng iyong written explanation o sulat ng pagpaliwanag na dumalo sa isang pagdinig
(hearing/conference) kung iyong nanaisin at may karapatan kang kumuha ng sarili mong abogado o
kasapi ng inyong unyon upang tumulong sa iyo para maipaliwanag and iyong panig.

Bilang tugon sa Notice to explain ay nagsumite ka ng iyong sulat-kamay na salaysay na may


petsang March 7, 2020 at nakasaad dito na x x x hindi po nabastos ang ating pasahero, ako ay nabigla
sa paghingi niya po ng sukli kasi po ay marami po sila na may sukli, totoo po na nasabi ko sa kaniya
na ‘ay may sukli po pala kayo’ pero hindi po ako galit at wala rin po akong sinabi na wag na po
kayong sumakay, kami pong mga konduktor ay hindi po puwedeng mag salita ng ganoon sa
pasahero, iyan po ang hinahananp natin para kumita di po ba? Atsaka po ang driver ko po ang
nagsalita pero hindi po sinabi ng driver ko ang wag na po kayo sumakay. Sir’ Mam, kami po mga
empleyado ay wala po magsalita ng masama, natagalan lang po ang pagbibigay ko ng sukli na
inaakala ko ay pa Maynila po siya.

Noong March 7, 2020 ay kusang loob kang pumunta sa opisina at nagpasailalim sa isang
imbestigasyon. Heto ang mga sumusunod na tanong at sagot na iyong ibinigay sa naturang
imbestigasyon:

7.T – Ikaw ba ang konduktor ng DL-755 noong February 11, 2020?


S - Opo.

8.T – Ilang beses ka nang inireklamo ng pasahero?


S – Una po..
9.T – Gaano ka na katagal na empleyado ng DLTB?
S – Mag aanim na taon na po.

10.T – Kailan mo natangap ang Notice to explain para dito?


S – March 7, 2020.

11.T – Nagkaroon ka na ba ng Suspension sa kaso bilang empleyado ng DLTB,ilang beses ka na nagkaroon


ng suspension?
S –Wala po.

12.A.T –Maari mo bang ipaliwanag ang pagalit na sagot mo sa pasahero na si Jackie Alexandrea ng ito ay
humihingi ng sukli sa ibinayad niyang pamasahe na isang libong Piso(P1000.00) ng ito ay pababa na sa
Science Park Brgy. Real, Calamba City ng sabihin mo sa pasahero na ‘’AY NAKU MAY SUKLI PA PALA
KAYO, EH WALA AKONG BARYA , KALA KO EH DIRETSO KAYO! At dahil dito ay lubos siyang napahiya.
S – Galing po kami ng LSta. Cruz patungo ng LRT may sumakay po sa Sta. Cruz patungo ng Brgy.
Real, Calamba City na pasahero na babae at nagbayad po sa akin ito ng halagang P1,000.00 at dahil wala pa
akong panukli ay akin nilagyan ng note ang kaniyang tiket palatandaan kung magkano ang ibinigay niyang
pamasahe at siya ay may sukli. Nawala po sa isip ko ang suklian kong ito dahil na rin sa sakay at baba ang mga
pasahero at dami ng pasahero na aking tinitikitan at pagsapit po sa Brgy, Real sa Science park ay lumapit siya
sa unahan para bumaba at humingi sa akin ng sukli at sa pagkakataong ito ay nabigla ako at nalala ko na may
suklian nga pala ito at ang akala ko ay diretso ng LRT ang baba nito at ang sabi ko sa kaniya ay ‘ AY NAKU MAY
SUKLI PA PALA KAYO, AKALA KO AY DIRETSO KAYO’, at sunod ay binigyan ko po ito ng sukli habang
nagsasaglitaan sila ng driver ko. Hindi po pagalit ang aking boses sa pagkakabigkas ng sagot ko sa kaniya.
Mahinahon po ang aking salita. At wala na akong ibang binigkas maliban sa sinabi ko sa sagot ko sa kaniya.
Hindi rin po ako galit sa kaniya dahil wala naman akong dapat ikagalit. Iyon lang po.

B. T- Baka naman sadyang malakas at pagalit ang pagsagot mo sa nasabing pasahero?


S- Hindi po. Mahinahon po ako at wala po tayong karapatan na magalit sa pasahero at pasahero po
ang hanap ko at mga regular ko na pasahero.

C. T- Sino ang magpapatunay sa iyo na mahinahon ang iyong pagsagot sa nasabing pasahero?
S- Wala po. Pero ako po ay nagsasabi ng totoo.

D. T-Ano ang sinabi ng driver mo sa nasabing pasahero at ikinagalit nito dahilan para ito ay
magrekalamo sa pamunuan?
S-Ang sabi po ng driver ko ay ‘’ Mam tingnan niyo po muna ang pera niyo masyado pong malaki
bago kayo sumakay’’ ito po ang narinig ko na pagkakasabi ng driver ko na si Nido Jr.

E. T-Ano pa ang narinig mo na ikinagalit ng pasahero habang nagpapalitan ng salita ang driver mo at
ang pasahero?
S- Wala na po akong narinig dahil bumaba na po ako pag bukas ng pinto para alalayan ang mga
nababang pasahero sa Science Park.

13. Ikaw ba ay nagkaroon ng orientation tungkol sa pakkikitungo ng magalang at maayos sa ating mga
pasahero at ito ay kasama sa iyong tungkulin at responsibilidad bilang konduktor?
S- Opo. Noong bago po ako bigyan ng S.O bilang conductor ng ating kumpaniya at ito ay ipinaliwanag sa
akin ni pamunuan.

14. Alam mo ba na ang negosyo ng kompaniya natin ay mag bigay ng maayos serbisyo sa ating pasahero
simula pagsakay hangang sa makarating ang mga pasahero sa paroroonan at sa mga pasaherong ito kumikita
ang kumpaniya kaya hanagng ngayon ay may trabaho ang katulad nating empleyado?
S- Opo.

15.T – May nais ka pa bang idagdag na sasabihin?


S – Wala na po.

16.T - Ikaw ba ay nakahanda na tanggapin ang maaring ipataw na parusa sa iyo ng mga kinauukulan
tungkol sa pangyayaring ito?
S - Opo.

Matapos ang masusing pag-aaral at pagtimbang sa mga dokumento, salaysay at imbestigasyon,


ay napag-alaman at walang nakikitang masama ang pamunuan sa nakasaad sa Passenger Complaint ni
Ms. Jackie Alexandria hinggil sa iyong naging tugon na ‘ ay naku may sukli pa pala kayo, eh wala akong
barya, kala ko diretso kayo’. Dahil sa mga nabangit na dahilan ikaw Joel Balansag ay pinawawalang sala
sa pangyayari.
Ikaw din ay binibigyan paalala na maari mong iapela ang iyong usapin sa Grievance machinery
sang-ayon sa Collective Bargaining Agreement ng pamunuan at ng Unyon.

Bonapart L. Morales
VP for Operations / OIC-HRD
Kinumpirma ni:

Atty. Jonalyn B. Matira


Legal / HR Consultant

You might also like