You are on page 1of 3

Mula sa : HUMAN RESOURCES DEPARTMENT

Petsa : April 11, 2022


Para kay : DRIVER MELECIO BARRADAS
DECISION

Ang desisyong ito ay hinggil sa passenger complaint ni Ms. Lorna Lumanta na ipinarating sa
opisina noong June 25, 2021 na nagsasaad na noong June 15, 2021 habang ikaw ang driver ng DL-567
biyaheng Lemery ay dumating ang iyong bus sa LRT Buendia Terminal para pumila. Ang nasabing
nagrereklamaong pasahero ay kaunaunahan sa pila at may tiket na ang kaniyang dalang bagahe na
BOL Ticket #438882 and 438881 subalit sinabi mo sa nasabing nagrereklamong pasahero na hindi na
kasya sa estribo ng bus ang kaniyang bagahe at siya at ang kaniyang kasama ay pinababa mo ng bus at
hindi na pinasakay. Nakasaad sa baba ang resulta ng aming pagsisiyasat kung saan ikaw ay binigyan ng
sapat na panahon para depensahan mo ang iyong sarili sa kaso. Ang pangyayaring ito ay isang
malinaw na paglabag sa polisiya ng kompanya na nakapaloob sa 8.3.7-Sinadyang sagabal o paghimok,
paghihikayat, paghadlang sa pagtupad ng mga tungkuling nakaatang. Ang pagpapabaya sa tungkulin
ay hindi pinapayagan ng kumpanya.

Upang mabigyan linaw ang nasabing report ay nagpadala ang opisina sa iyo ng sulat (“Notice to
Explain”) na may petsang July 8, 2021 at ito ay personal mong tinanggap noong February 8, 2022. Base
sa nasabing sulat, ikaw ay binibigyan ng pagkakataon magpaliwanag sa loob ng limang (5) araw
matapos mong matanggap ang naturang sulat. Binibigyan ka rin ng limang (5) araw mula sa
pagsusumite ng iyong written explanation o sulat ng pagpaliwanag na dumalo sa isang pagdinig
(hearing/conference) kung iyong nanaisin at may karapatan kang kumuha ng sarili mong abogado o
kasapi ng inyong unyon upang tumulong sa iyo para maipaliwanag and iyong panig.

Bilang tugon sa Notice to explain ay nagsumite ka ng iyong sulat-kamay na salaysay na may


petsang February 8, 2022 at nakasaad dito na x x x Ako po si Melecio Barradas. Naka base sa Lemery
Terminal. Driver po. Ay napa report po ng pasahero ng di ko naman po siya nakakausap. Conductor
po ang kausap niya na ang pangalan po ng conductor ay Paloma kaya di ko alam ang nangyari
noon. Kaya ko lang po nalaman ipinahuli po kami sa Pulis na parang kapatid ng pasahero. Yuna po
ang salaysay ko ala po ako alam doon sa pangyayari , si Paloma po kausap ng pasahero. x x x..

Noong February 8, 2022 Ikaw ay kusang nagpunta sa opisinang ito para magpaimbestiga sa
nasabing kaso. Heto ang ilang sumusunod na katanungan at sagot sa naganap na imbestigasyon;

5. T – Ayon kay Passenger Lorna Lumanta noong June 15, 2021 3:00PM ay nasa LRT Buendia DLTB
Terminal at ang pagkakaalam niya ay 5:00PM ang dating ng bus. Nang dumating ang bus ay hindi sila
isinakay dahil puno na ang estribo nila at sinabi rin niya na maramng nakakasaksi na maluwag pa ang
kaliwang estribo sa unahan at walang kalaman laman at sabi pa niya ay bukod doon ay bayad na rin sila
(BOL Ticket #438882 and 438881), at Pinababa pa sila sa nasabing bus?
S – Ang Pangyayari pong ito ay hindi ko na po maalala ng maliwanag sa aking gunita dahil sa tagal na
ng pangyayaring ito. Ang akin pong sagot sa tanong niyo ay, ako po ay humuhingi ng paumanhin sa
pamunuan tungkol sa pangyayaring ito. Ako din po ay humihingi ng paumanhin kay Lorna Lumanta sa
aking nagawang pagkakamali sa kaniya. Ako po ay nangangako na hindi na po muling mauulit ang
nasabing pangyayari sa mga susunod kong pasahero. May dahilan po kami kaya hindi po namin
naisakay ng aking Conductor ang bagahe, ang pagkakamali lang po namin ay hindi namin naipaliwanag
ng maayos sa pasahero ang dahilan upang kaniyang maunawaan ito. Hindi rin po namin nai-pakita sa
naabing pasahero ang aming dahilan upang lalo niyang maunawaan na sadyang hindi puwede na
isakay ang kanilang bagahe. Hindi lang po kami nagkaintindihan sa isat isa.

6. A.T – Ako si Manny Villa, Paralegal/Investigator ng DLTB ay tumawag kay Lorna Lumanta sa numero
09219844384 dated February 8, 2021 ganap na 3:00PM at naka loud speaker ang celphone ko at dinig
ni Sir Cayabyab at ni Mr. Barradas ang aming usapan, ang salaysay niya sa akin ay may tiket na ang
kanilang bagahe at naka-usap niya ang conductor tungkol sa kanilang bagahe at sinabi ng conductor na
hindi na puwede isakay ang kanilang bagahe dahil puno na ang estribo, sinabi rin niya na nakita niya na
maulwag pa ang isang parte ng estribo at nakikita rin ito ng dispatcher at ng ilang pasahero na maluwag
pa ang estribo. At ng kami ay pasakay na sa bus ay sinabi sa akin ng driver na hindi na pupuwede dahil
puno na ang estribo kaya kami ay pinababa at pagkatapos nito ay nag reklamo na kami sa Opisina ng
DLTB noong araw ding iyon?
S – Kung gayon po ang pangyayari ay humihingi po ako ng paumanhin sa aking nagawang
pagkakamali sa pamunuan at kay Ms. Lorna Malanta. Hindi na po mauulit ang ganitong pangyayari.

B. T- Boluntaryo mo bang inaamin ang iyong pagkakamali?


S- Boluntaryo ko pong inaamin ang aking pagkakamali

Matapos ang masusing pag-aaral at pagtimbang sa mga dokumento, salaysay at imbestigasyon,


malinaw na ikaw ay may pagkakamali sa nangyaring insidente ng pababain mo ang pasahero na
nagngangalang Ms. Lorna Lumanta at ang kasama nito na nakasakay na sa loob ng DL-567 at may
ticket (BOL Ticket #438882 and 438881) na ng kaniyang dala dalang bagahe. Ang pagpapababa sa
pasahero ng dahil lamang sa diumano ay walang paglalagyan sa estribo ng bagahe nito ay labag sa
Polisiya ng Kompanya at sa karapatan pantao ng walang sapat na dahilan. Tandaan na ang ating
ibinebenta sa tao ay serbisyo kaya dapat ay ipakita natin ang pagka professional sa mga tumatangkilik
sa ating bus na maganda ang ibinibigay nating serbisyo sa mga ito at hindi ang pagpapababa ng
pasahero na taliwas sa adbokasiya ng Kompanya. Dapat sana ay ipinaalam mo muna sa pamunuan ng
Kompanya ( Terminal Manager) ang pangyayari para makausap ng maayos ang mga pasahero tungkol
sa sinasabing issue at hindi ang agad-agad na pagpapababa sa pasahero na laban sa kanilang
kalooban/kagustuhan. Wala kang naibigay na matibay na dahilan para pababain agad-agad ang
pasaherong nagngangalang Ms. Lorna Lumanta at ang kasama nito. Ang sinasabing dahilan na di
umano ay sira ang isang bakanteng estribo na walang laman kaya hindi maisakay ang bagahe ng
nasabing pasahero ay hindi tinanggap ng Pamunuan ng Kompanya bilang isang validong rason dahil sa
wal;a namang ipinarating sa opisina na Job Order mula sa maintenance Department para patunayan
na sira nga ang nasabing estribo. Sabihin na natin na totoo na sira ang isang estribo ng bus kaya hindi
maaring lagyan ng bagahe subalit hindi naman tama na agad-agad na pababain ang mga nasabing
pasahero dahil lamang walang malagyan ang kanilang bagahe. Dapat sana ay ipinaalam mo muna sa
Pamunuan ng Kompanya ang sitwasyon para magkaroon ng tamang imbestigasyon at malaman ang
dahilan at maipaliwanag sa kinauukulan ang dapat na solusyon sa pangyayari. Dagdag pa dito ay
napahiya ang nasabing pasahero at ang kaniyang kasama ng pagpapababa mo sa kanila sa harap ng
karamihan ng tao. Malinaw rin na sinabi mo na boluntaryo mong inaamin ang iyong pagkakamali sa
pangyayaring ito.

Ayon sa iyong 201 file ay ito ang unang naging kaso mo ng passenger complaint simula ng ikaw
ay maging empleyado ng Kompanya.

Ayon sa polisiya ng kompanya, ang sinumang empleyadong lumabag sa company rules and
regulation 8.3.7 ay may kaakibat na kaparusahan na labing limang(15) araw sa unang paglabag at
terminasyon sa trabaho sa pangalawang paglabag.

Bilang konsiderasyon ay napagpasyahan ng kompanya na ipataw sa iyo ang karampatang parusa


na Pitong (7) araw na suspension sa trabaho upang maiwasan at hindi na maulit ang ganitong uri ng
paglabag at kung sakaling maulit ang ganitong pangyayari sa mga susunod na pagkakataon, ikaw ay
maaari nang patawan ng mas mataas na suspensyon o termination sa iyong trabaho. Ang suspension
na ito ay magiging epektibo matapos mong matanggap ang desisyong ito.

Ikaw din ay binibigyan paalala na maari mong iapela ang iyong usapin sa Grievance machinery
sang-ayon sa Collective Bargaining Agreement ng pamunuan at ng Unyon

James Olayvar
OIC-HR Department
SVP & General Manager
Note: DF

You might also like