You are on page 1of 4

Mula sa : HUMAN RESOURCES DEPARTMENT

Petsa : JULY 26, 2022


Para kay : DISPATCHER CALINGASAN, VIRGILIO B.

DECISION

Ang desisyong ito ay hinggil sa Irregularity Report na ipinarating sa opisina na may


petsang July 6 2022 mula kay Lolito Boy E. Maderal na nagsasaad na ikaw ay kasali sa mga
inspector, kundoktor, at dispatcher na nagpulong para gumawa ng irregularidad sa
kumpanya. Para mas klaro, itong mga irregularidad ay ang 1) pag kolekta ng pamasahe
galling sa pasahero pero hindi binibigyan ng tiket at ang 2) pag gawa ng “Black and White” o
ang pag punch sa tiket ng maling presyo at destinasyon para mayroong makuha na porsyon
sa ibinayad na pamasahe ng pasahero. Kasali ka sa mga ibinanggit na kasabwat dito ayon sa
report na natanggap naming. Napag-alaman namin dahil sa surpresang inspeksyon na
isinagawa nila Head Inspector Greg Cayabyab na mayroon ngang irregularidad na
nangyayari. Si Cayabyab at si Maderal ay nag surprise inspection sa ating Bus DL-515 noong
ang kundoktor ay si Michael Repuya at ito ay nagsingil sa limang (5) pasahero ng bayad
ngunit hindi sila binigyan ng ticket at sampung (10) sako ng lato (seaweeds) na
binayaran umano ng isang libong piso kahit hindi naman ito ang tamang singil
dahil THREE HUNDRED PESOS (P300.00) dapat ang tamang singil kada sako na
naayon sa cargo section at ito rin ay hindi rin na ticketan. Ayon naman kay Repuya,
ang dispatcher ang tumatanggap ng bayad at sila rin ang naglalagay ng presyo sa
ticket kahit ito ay taliwas sa totoong nangyayari para dumaan sa tamang presyo
at proseso ang pagpapadala. Dahilan sa report na ito at sa report na ikaw rin ay sangkot
sa kasong ito kaya ikaw ay kasali sa mga nabigyan ng Preventive Suspension. Isa ka rin sa
mga nabanggit sa report at isa ka rin sa mga dispatcher na naka assign sa linya ng Western
Batangas at Nasugbu.

Upang mabigyan linaw ang nasabing report ay nagpadala ang opisina sa iyo ng sulat
(“Notice to Explain”) na may petsang July 6 2022 at ito ay personal mong tinanggap noong
July 7 2022. Base sa nasabing sulat, ikaw ay binibigyan ng pagkakataon magpaliwanag sa
loob ng limang (5) araw matapos mong matanggap ang naturang sulat. Binibigyan ka rin ng
limang (5) araw mula sa pagsusumite ng iyong written explanation o sulat ng pagpaliwanag
na dumalo sa isang pagdinig (hearing/conference) kung iyong nanaisin at may karapatan
kang kumuha ng sarili mong abogado o kasapi ng inyong unyon upang tumulong sa iyo para
maipaliwanag and iyong panig.

Bilang tugon sa Notice to explain ay nagsumite ka ng iyong sulat-kamay na salaysay


na may petsang July 7 2022 at nakasaad dito na x x x Ako po si Virgilio B. Calingasan dito po
sasalaysay ng con. Nabanggit wala po ako kinalaman dito malinis po ang aking consensya
may usapan na po kami ni doc Bonna tutulong po ko sa [incomprehensive] base sa abot ng
aking makakaya Hindi ko po sisirain ang pangalan ko s akonting halaga lamang sana po ay
maunawaan niyo ko. Kayo napo bahala maraming salamat po sa inyong pag-unawa x x x

Noong July 13 2022 ay pumunta ka sa opisina at kusang loob na pumayag sa pagdinig


at imbestigasyon. Heto and mga sumusunod na tanong at sagot na iyong ibinigay mo sa
naturang imbestigasyon:

1) T – Ayon sa report mula sa Pamunuan ng Kompanya at kay conductor Sarigumba na


habang ikaw ang nakatalagang Dispatcher ng Nasugbu Terminal ay may regular na
nagpapadala ng bagahe ang nagbabayad sa iyo ng pamasahe subalit hindi mo pinapatikitan
Page 1 of 4
sa conductor at ayon din sa nasabing conductor ay sa tuwing narating ang mga conductor sa
kanilang biyahe sa Nasugbu Terminal galing ng LRT ay nagbibigay ito ng halagang isang
daan sa iyo bilang lagay?
S – Ang masasabi ko po ay wala pong katotohanan ang lahat ng paratang sa akin. Una, hindi
ko po gawain at hindi ko po magagawa ang gumawa ng irregularidad sa Kompanya. Lahat po
ng bagahe na padala ay akin pong pinatitikitan at pinasisingil sa Konduktor ng tamang
halaga. At tungkol po sa pagbibigay po ng mga conductor na halagang P100.00 na narating
ng Nasugbu galing ng LRT ay hindi po ako natanggap ng ganito dahil hindi ko po alam na
may ganitong kalakaran sa Nasugbu. Kung meron naman pong ganitong kalakaran ay baka
itinatago sa akin dahil may kahigpitan o pagiging istrikto ako pagdating sa mga empleyado.
Hindi ko po magagawa ang ganitong gawain dahil hindi ko po mapapayagan na masira ang
ibinigay na pagtitiwala sa akin ni Sir Doc Bona. Ako po ang pinagkatiwalaan niya na
naglalakad ng mga papepeleas ng DLTB sa Nasugbu/Calatagan.

2) T-Ang pagkakasabi sa report ay pati ikaw ay tumatanggap ka ng pera galing sa bagahe


hindi mo na ito pinatitikitan dahil pati ikaw ay kasama na sa connivance ng mga conductor,
driver at Inspector sa rutang Nasugbu/Calatagan kung baga lahat ng empleyado dito ay
ginagawa ng palagatasan ang DLTB?
S-Kung may ganyan po kayong impormasyon sa rutang Nasugbu/Calatagan ay hindi po ako
kasama sa connivance sa mga ito. Kung nalalaman ko ang ganitong pangyayari ay ako po
mismo ang mag rereport ng mga irregularidad na ito at akin sasabihin ang mga involved na
tao sa connivance.

3) T-Kaya nga hindi na nanghuhuli ng Inspector ang palusot mo na bagahe dahil sila ay
magkakakuchaba na kaya hindi malayo na sadyang ginagawa mo ito dahil alam mo na
walang nanghuhuling inspector sa linya dahil ang mga ito ay nalalagyan o kahati sa gatasan?
S-Hindi talaga ako nagpapalusot ng bagahe kahit na sabihin na may connivance na
nangyayari sa mga empleyado. Trabaho ko po ang magpresyo ng bagahe na isasakay sa bus
sa Nasugbu Terminal. Ang ginagawa ko po ay akin pong sinusulatan ng word na ‘Baggage
ang punched ticket at saka ko pinapuputukan sa konduktor ang halaga ng bagahe ayon sa
Taripa ng Kompanya.

4) T-Ano ang iyong nalalaman sa kalakaran na anomalya sa biyaheng Nasugbu/Calatagan?


S-Wala po akong nalalaman sa kalakrang ito dahil ang akin pong trabaho ay Dispatcher kaya
matapos po ng aking trabaho ako ay nauwi na ako sa aming bahay at hindi ko na po
nalalaman ang mga nangyayari sa labas ng Terminal.

5) T-Halatang nagtatakipan kayo ng impormasyon tungkol sa kalakaran sa Nasugbu


/Calatagan dahil kung walang apoy ay hindi uusok ang isyung ito sa linya niyong mga
Dispatcher?
S-Hindi ko po pinagtatakpan ang mga kasamahan ko. Dahil wala kaming pakialaman sa
trabaho ng kapwa ko Dispatcher sa aming duty.

6)T-Kung hindi mo pinagtatakpan ang mga kasama mo ay nangangahulugan lamang na may


connivance na rin kayo ng mga dispatcher?
S-Wala po akong pinagtatakpan o kakuchaba o connivance sa aking mga kasama.
Pinangangalagan ko po ang tiwala sa akin ng Management at ni Doc Bona kaya malabo po na
ako ay kakuchaba ng mag ito. Kung ako nga po ay may malalaman na iregularidada ay ako
na mismo ang magsusubong sa mag empleyado.

7) T-Papaano mangyayari na wala kang alam eh garapalan na ang nangyayaring nakawan sa


Nasugbu/Calatagan ang ibig bang sabihin nito ay kasama ka sa sindikato o kakuchaba ka?
S- Talagang wala po ako ng alam dahil nasa opisina lang po kami.

8) T-Kaya mo pa ba ang iyong trabaho bilang Dispatcher kasi ay parang hindi mo nalalaman
ang nangyayari sa iyong paligid o teritoryo?
Page 2 of 4
S-Kay ko po ang aking tarbaho bilang dispatcher ng Nasugbu. Sadyang po yatang ayaw
paratingin sa akin ganitong kalakaran dahil baka isumbong ko sila sa Pamunuan ng
Kompanya o kaya ay aking kasuhan ang mga involved na empleyado..

9) T-Ano ang masasabi mo sa suhol na P100.00 sa bawat Dispatcher ng Nasugbu galing sa


mga conductor dumadating ng Nasugbu galing ng LRT.
Wala po akong alam diyan. Hindi po ako natanggap ng ganiyang pera sa mga conductor.
Kung sila po ang nagawa niyan ay baka po hindi ipinaalam sa akin dahil nga po ako ay stirkto
sa mga empleyado.

10) T-Laging walang alam ang sagot mo eh garapalan na ang nangyayaring nakawan sa
linyang Nasugbu/Calatagan at ika ng eh kung may usok ay may apoy?
S-Pasensiya na po sadyang wala po akong alam sa pangyayaring iyan.
2 of 2
11) T-Ikaw ba ang dispatcher ng dumating si conductor Baliin sa Nasugbu na hindi iniremit
ang dalang pera sa biyahe niya mula LRT to Nasugbu?
T- Hindi po ako ang dispatcher na nakatalag adito kundi Dispatcher Capacia.

12) T-Maari mo bang ipaliwanag ang iyong nalalaman sa pangyayaring ito?


S-Ang aking pong pagkakatanda ay July 4, 2022 ay hindi na po bumiyahe si conductor Baliin.
Tumawag sa akin ito sa pamamagitan ng Cellphone ng hindi pa ito nakakabiyahe dahil sa
pagkakagamit niya ng perang collection ng kaniyang bus. Ang sabi po sa akin nito ay hindi
siya makakbiyahe dahil kulang ang pera niya na pang remit o nagamit niya ang kaniyang
collection sa biyahe at tinanong ko po siya kung ano ang nangyari kung bakit kulang ang
kaniyang Tripko load at ang sabi sa akin ay nagastos niya ang pera at ang sabi ko ay hindi ka
puwedeng bumiyahe at kailangan ay kumpletuhin mo muna ang laman ng iyong tripko card.
Matapos ang aming uasapan ay akin po itong agad inireport kay TM Balingit at ang aking
pagkakasabi kay TM Balingit ay kaya hindi makabiyahe si ci=onductor Baliin ay dahil kulang
ang load ng kaniyang Tripko card at ang dahilan ay nagamit niya ang pera na kaniyang
collection. Makailang araw ay nalaman ko na pinabiyahe na si conductor Baliin at ang sabi ay
kumpleto na ang laman ng kaniyang Tripko card.

13) T-Bakit hindi mo binigyan ng irregularity report si Baliin ng malaman mo na nagastos niya
ang perang kaniyang collection?
S-Kaya hindi ko po nagawan ng iregularity report si conductor Baliin ay dahil agad ko naman
po itong sinabi kay TM Balingit para ipaalam sa kaniya at siya na ng mag gawa ni report.

14) T-Bakit hindi ikaw ang nag gawa ng report eh ikaw ang unang nakaalam ng pangyayari
at ibinigay mo nalang ang report kay TM Balingit para sa kaniyang impormasyon?
S-Yun lang po ang aking naging pagkukulang. Pero inireport ko agad ito kay TM balingit at
yun pala ay hindi niya ito ginawaan ng report..

15) T- Bakit naman nakabiyahe pa si conductor Baliin at sino ang nagpabiyahe sa kaniya?
S-Hindi ko po alam kung bakit nakabiyahe ito at kung sino ang nagpabiyahe sa kaniya, basta
ang ginawa ko ay ini-hold ko na ito sa biyahe niya, nalaman ko na lamang kahapon na siya
ay nabiyahe na dahil nakita ko ito at ng aking tanungin ay sumagot siya na kumpleto na ang
laman ng kaniyang Tripko.

16) T-Bakit hindi ito napa report sa Pamunuan na nagastos ni Baliin ang perang koleksiyon,
pinagtatakpan niyo ba ang irgularidad na nagawa ni conductor Baliin at ganon din ang mga
iregularidad ng iba pang empleyado sa Nasugbu Terminal?
T-Ang akin naman pong ginawa ay akin po agad inireport kay TM Balingit ang pangyayari
dahil ang sabi niya ay huwag siyang lalamapasan sa kaniyang trabaho. Hindi ko po
pinagtatakapan ang ginawang irregularidad ni conductor Baliin sa katunayan nga po ay
inireport ko ito agad kay TM Balingit.
T-Inuulit ko alam mo ba kung bakit nakabiyahe at sino ang nagpabiyahe kay conductor
Page 3 of 4
Baliin?
S-Hindi ko po alam kung bakuit naka biyahe si conductor Baliin at kung sino ang nagpabiyahe
dito.
T-May nais ka pa bang idagdag na sasabihin?
S- Pag tungkol po kasi sa Tripko card ang irregularidad ay akin po itong sinasabi agad kat TM
Balingit dahil siya po ang nakikipag usap o nag reeport kay Mr. Benson tungkol sa Tripko
card. Si TM Balingit at si Mr. Benzon po kasi ang nakakaalam pag Tripko card na ang usapin.
Kaya inireport ko agad kay TM Balingit ang pangyayari. Pag ako po ang naka duty at kulang
sa requirements ang bibiyaheng conductor/driver tulad ng walang lisensiya o kulang ang load
na Tripko card ay hindi ko po ito pinabibiyahe bilang pagtupad sa Polisiya ng Kompanya.

Matapos ang masusing pag-aaral at pagtimbang sa mga dokumento, salaysay at


imbestigasyon, ay malinaw na ikaw ay lumabag lamang sa 8.3.7 ng “Company Rules and
Regulations” ng DLTB Co. Wala mang katibayan ang mga paratang na kasali ka sa mga
nagpulong para gawin ang umanong kasakiman sa pag laganap ng irregularidad na 1) pag
kolekta ng pamasahe galing sa pasahero pero hindi binibigyan ng tiket at ang 2) pag gawa ng
“Black and White” o ang pag punch sa tiket ng maling presyo at destinasyon para mayroong
makuha na porsyon sa ibinayad na pamasahe ng pasahero, ikaw pa din ay mahahatulan dahil
sa tila pagpapabaya mo na meron na palang nangyayaring ganito. Totoo na isa ka lang
hamak na Dispatcher, pero kasali na doon ang responsibilidad mong ireport at tulungan ang
kumpanya kung mayroon mang iregularidad sa bilang ng pasahero at sa pamasaheng
nakolekta. Ayon sa 8.3.7, ang sadyang sagabal-paghimok, panghihikayat, panghadlang, at
pagpapabaya sa pagtupad sa tungkuling nakaatang ay may kaakibat na kaparusahan na
FIFTEEN (15) days suspension na may kaalip na babalang TERMINASYON at TERMINASYON
sa pangalawang paglabag kung mapapatunayan.

Dahil ito ang ka una-unahan mong paglabag sa polisiyang ito, napagpasyahan ng


kumpanya na ipataw sayo ang parusang SUSPENSION FOR 15 DAYS FOR VIOLATION
OF 8.3.7 OF “COMPANY RULES AND REGULATIONS” (1 ST OFFENSE). Dagdag pa dito,
ay pag aaralan din ng kumpanya kung ikaw ba ay dapat ilipat ng lugar kung saan ka
magtatrabaho.

Ikaw din ay binibigyan paalala na maari mong iapela ang iyong usapin sa Grievance
Machinery sang-ayon sa Collective Bargaining Agreement ng pamunuan at ng Unyon.

JAMES A. OLAYVAR
OIC-HR Department
SVP & General Manager

Page 4 of 4

You might also like