You are on page 1of 3

Mula sa : HUMAN RESOURCES DEPARTMENT

Petsa : MAY 26, 2022


Para kay : CONDUCTOR REY I. CERENO
DECISION

Ang desisyong ito ay hinggil sa reklamong ipinarating sa opisina tungkol sa diumano'y reklamo
ng pasahero na nagngangalang Jacquelin Montano at Janella May Gomez na may petsang February 10,
2022 na nagsasaad na noong January 23, 2022 bandang 10:20am ay sumakay Bb. Janella May Gomez
ng DLTB bus na biyaheng Daet sa Turbina Terminal patungo ng Lucena na may mga dalang bagahe.
Ang kaniyang bagahe na (1) Stroller, isang (1) bag at isang (1) malaking ecobag na kulay orange ay
inilagay sa istribo at ang isang bag naman ay dala sa taas ng bus, at ng bumaba ng Talipan ay wala
na ang ecobag at ayon sa nasabing pasahero ay sinabi mo na naibigay mo ito sa isang pasaherong
lalaki na bumaba sa Talisay. Nakasaad sa baba ang resulta ng aming pagsisiyasat kung saan ikaw ay
binigyan ng sapat na panahon para depensahan mo ang iyong sarili sa kaso. Ang pangyayaring ito ay
isang malinaw na paglabag sa polisiya ng kompanya na nakapaloob sa 8.3.7-Sinadyang sagabal o
paghimok, paghihikayat, paghadlang sa pagtupad ng mga tungkuling nakaatang.

Upang mabigyan linaw ang nasabing report ay nagpadala ang opisina sa iyo ng sulat (“Notice to
Explain”) na may petsang January 24, 2022 at ito ay personal mong tinanggap noong March 5, 2022.
Base sa nasabing sulat, ikaw ay binibigyan ng pagkakataon magpaliwanag sa loob ng limang (5) araw
matapos mong matanggap ang naturang sulat. Binibigyan ka rin ng limang (5) araw mula sa
pagsusumite ng iyong written explanation o sulat ng pagpaliwanag na dumalo sa isang pagdinig
(hearing/conference) kung iyong nanaisin at may karapatan kang kumuha ng sarili mong abogado o
kasapi ng inyong unyon upang tumulong sa iyo para maipaliwanag and iyong panig.

Bilang tugon sa Notice to explain ay nagsumite ka ng iyong sulat-kamay na salaysay na may


petsang February 10, 2022 at nakasaad dito na x x x Ako po si Janella May Gomez, sumakay po ako
sa Turbina noong January 23, 2022 bandang 10:30 ng umaga, pagsakay ko po ng bus at ako ay
tikitan ay hindi po nila tinikitan para sa akin na bagahe ako ay bumaba po sa DLTB Talipan sa oras
na 12 gang 1 ng hapon sa akina pong pagbaba at pagkuha ng aming bagahe ay nawala po yung isa
naming bagahe na ang puro laman ay panghanda ng aking pamangkin at noong kami po ay
naghahanap at naguusap ng konduktor ay bumaba po ang isa nilang kasama na nagpapatunay na
may huling bagahe pa kaming inilagay at yung nga po ang sinasabing baghe naming nawala. Bago
po ibigay ng konduktor ang baghe namin ay inilipat pa nga konduktor ang bagahe ng pasahero
para pagsamahin yung mga dala ko at sa amin paguusapng konduktor nasabi niya na po sa akin
kung saan bumaba ang pasaherong pinagbigyan niya ng bagahe namin . x x x..

Noong March 5, 2022 Ikaw ay kusang nagpunta sa opisinang ito para magpaimbestiga sa
nasabing kaso. Heto ang ilang sumusunod na katanungan at sagot sa naganap na imbestigasyon;

7.C. T- Bakit naman nawala ang nasabing bagahe?


S- Hindi ko sigurado kung paano nawala, ang hinala ko ay baka ito ay kasama sa itinuro ng isang
lalaking pasahero na bumaba sa Lagalag Tiaong na ibinigay ko sa kaniya na may bagahe din na nasa
estribo.
D.T- May tiket ba ang bagaheng ito? Kung walang tiket bakit napalagay sa estribo? at bakit hindi ito
tinikitan?
S- Wala po itong tiket. Kaya ko po ito ay hindi tinikitan ay dahil ng sumakay ang nasabing pasahero
sa Turbina DLTB Terminal ay may kasama itong apat na pasahero na patungo lahat ng Talipan kaya ang
pagkakaalam ko ay sa kanilang bagahe ang mga bagahe na napalagay sa estribo at iyon pala ay hindi
magkakasama ang mga ito at nagkataon lamang na iisa ang kanilang destinasyon. At hindi din naman
po pinatiktan o humingi ng tiket ang nasabing pasahero para sa kaniyang dalang mga bagahe.
I.T- Malinaw sa pangyayari na ikaw ay nagkaroon ng pagpapabaya sa iyong trabaho, Boluntaro mo
bang inaamin ang iyong pagkakamali sa pagkawala ng bagahe ng nasabing pasahero?
S- Opo, boluntaryo ko pong inaamin ang aking pagkakamali.
J.T- Handa mo bang bayaran ang nararapat na halaga ng nasabing nawalang bagahe?
S- Opo handa ko pong bayaran ito ayon sa aming mapapagkasunduan ayon sa Polisiya ng
Kompanya at sa batas.

Matapos ang masusing pag-aaral at pagtimbang sa mga dokumento, salaysay at imbestigasyon,


malinaw na ikaw ay may pagkakamali sa nangyaring insidente noong January 23, 2022 habang ikaw
ang conductor ng DL-1505 mula Manila patungo ng Daet ng nawala ang ecobag na bagahe ni passenger
Janella May Gomez na iyong naging pasahero mula Turbina Terminal patungo ng Talipan Terminal. Malinaw sa
imbestigasyon na Una.Sumakay sa Turbina DLTB Terminal si Bb. Janella May Gomez na may dalang mga
bagahe at ito ay iyong ikinarga sa estribo ng bus katabi ng ilan pang mga bagahe. Pangalawa. Si Bb. Janella
May Gomez ay binigyan mo ng ticket at hindi mo tinikitan ang mga dala nitong bagahe dahil sa akala mo ay
kasama pa nito ang apat pang pasahero na sumakay sa Turbina subalit hindi pala. Pangatlo. May isang
pasahero na may bagahe din na nakalagay sa estribo ang bumaba sa Lagalag Tiaong, Quezon at binuksan mo
ang estribo ng bus para ibigay sa kaniya ang kaniyang bagahe at ang hinala mo ay ang isang bagahe na
napabigay sa nasabing pasahero ay ang bagahe ni Bb. Janella May Gomez. Pang-apat. Bumaba si Bb. Janella
May Gomez sa Talipan Terminal at napag-alaman na nawawala ang isa nitong dalang bagahe ( Ecobag ). Pang
lima. Boluntaryo mong inamin ang iyong pagkakamali sa nabanggit na insidente. Pang-Anim. Umayon ka na
handa mong bayaran ang halaga ng nawawalang bagahe. L umalabas sa imbestigasyon na nagpakita ka ng
kapabayaan sa iyong tungkulin ng mapabigay sa bumabang pasahero sa Lagalag, Quezon ang
bagahe( ecobag) na pagmamay-ari ni Bb. Janella May Gomez kaya nawala ang nasabing bagahe. Bilang
isang konduktor ay iyong obligasyon na pangalagaan at siguraduhin na magiging maayos ang kalagayan ng
mga bagahe sa loob ng bus at siguraduhin din na mapabigay sa tamang may ari ang bawat bagahe na
nakadeposito sa loob ng bus kaya walang ibang maaaring sisihin sa pagkawala ng nasabing bagahe kundi ikaw.
Ang pangyayaring ito ay labag sa Polisiya ng Kompanya at mariing tinututulan ng Pamunuan. Malinaw naman
sa parte ng nasabing pasahero na walang tiket ang nasabing bagahe dahil wala siyang ipinirisinta na tiket sa
kaniyang reklamo. Dahil dito ang kaniyang binanggit na halaga ng laman ng bagahe na nawala ay walang
basehan para malaman kung magkano ang halaga ng nawawalang bagahe. Kaya ito ay babayaran sa halaga
ayon sa Batas.

Ayon sa iyong 201 file ay ito ang unang kaso mo ng passenger complaint simula ng ikaw ay
maging empleyado ng Kompanya.

Ayon sa polisiya ng kompanya, ang sinumang empleyadong lumabag sa 8.3.7 ay may


kaparusahan na labing limang(15) araw na suspension sa unang paglabag at terminasyon sa trabaho
sa pangalawang paglabag.

Bilang konsiderasyon ay napagpasyahan ng kompanya na ipataw sa iyo ang karampatang parusa


na pitong (7) araw na suspension sa trabaho at pagbabayad ng halagang Four Thousand Four Hundred
Pesos ( P4,400.00 ) kabayaran sa nawalang bagahe ni Bb. Janella May Gomez upang maiwasan at hindi
na maulit ang ganitong uri ng paglabag at kung sakaling maulit ang ganitong pangyayari sa mga
susunod na pagkakataon, ikaw ay maaari nang patawan ng mas mataas na suspensyon o termination
sa iyong trabaho. Ang suspension na ito ay magiging epektibo matapos mong matanggap ang
desisyong ito.

Ikaw din ay binibigyan paalala na maari mong iapela ang iyong usapin sa Grievance machinery
sang-ayon sa Collective Bargaining Agreement ng pamunuan at ng Unyon

JAMES A. OLAYVAR
OIC-HR Department
SVP & General Manager

You might also like