You are on page 1of 2

Tauhan na kasali sa kabanata:

 Basilio
 Sinong
 Alperes
 Kapitan Basilio
 Simoun

MAIKLING BUOD:

Si Basilio ay umuwi sa San Diego para ipagdiwang ang Noche Buena sa


tahanan nila Kapitan Tiyago. Sumakay siya sa isang kutsero na si Sinong.
Kung kailan mayroong pista at sila'y naabala sa daan dahil nalimutan ni
Sinong ang kanyang sedula, siyay binugbug ng mga guardia sibil. Nakita
nila ang prusisyon ng mga imahe ng lolo ni Noah sa bibliya, tatlong Haring
mago, birhen at may kasama pang mga batang may dalang parol.
Nabugbog na naman ang kutsero dahil wala itong ilaw kaya naglakad na
lamang si Basilio. Ang bahay ni Kapitan Basilio ang tanging bahay na
dinaanan niya at nakita niya na nag-uusap si Simoun, Alperes at si Kapitan
Basilio. Pagkadating ni Basilio sa bahay ni Kapitan Tiyago ay ginagalang
siya lalong-lalo na sa mga matandang utusan. Siya'y binibigyang ulat ng
katiwala sa mga nakaraang pangyayari nang ito'y nasa ibang lugar.
Nabalitaan din niya ang pagtulis ni Kabesang Tales; dahil doon kaya hindi
nakakain ng hapunan si Basilio.

ARAL:

       Mayroon talagang mga taong mapang-api at mapanghamak ng


kapuwa lalong lalo na yaong mga may katungkulan.

Nawa’y alamin natin ang ating mga karapatan at huwag basta


bastang mag papaapi na lamang dahil sila ay may kapangyarihan.
Totoong Pangyayari:

Hindi natin maikakaila na talamak ang mga pang-aabuso at paglabag


sa karapatang pantao sa kasalukuyan. Lubos na nakababahala ang mga
insedenteng ito lalo na sa hanay ng ating mga kapulisan. Naaalala ko ang
nangyaring pagpatay ng isang pulis sa mag inang taga tarlac, ito ay
nakakapunglumo dahil sa isang konting di pagkakaintindihan ay
humantong ito sa karumaldumal na krimen. Ang pulis na sana ay nag
poprotekta at nagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan ay siyang naging
dahilan ng takot nang iilan.

Bagama’t nakamit na ang hustisya para sa mag-ina, hindi natin


maikukubli na marami pang mga insidenteng katulad nito ang nagyayari sa
ating bansa.

Nawa’y ang nobelang ito ng ating pambansang bayani ay magbigay


inspirasyon sa atin na tuldukan na ang mga pang-aabuso sa
kapangyarihan at panghahamak sa ating kapuwa.

Ipinasa ni:

Jan Feliph J. Hadji

Ipinasa Kay:

Ginang Fe M. Clerigo

You might also like