You are on page 1of 1

LLAMAS, PAULO, F.

MM-3B

Ang mga lumad ay mga katutubong pangkat mula sa katimugang bahagi ng Pilipinas. Sila ay kadalasan
naninirahan sa mga bundok kung saan nandun ang kanilang kinabubuhay. Ngayon ang mga lumad ay maraming
kinakaharap na mga problema katulad ng pagpapasara ng kanilang mga paaralan, pag-angkin ng kanilang mga
lupang ninuno, karahasan at pagpatay sa kanilang mga katutubo at pagkakaroon ng gulo o labanan ng mga
militar at teroristang grupo. Ang mga lumad ay kadalasan naloloko at pinagsasamantalahan ng mga taga labas.
Kaya't mahalaga sa kanila ang edukasyon upang sila'y hindi maloko ng iba. Ngunit ang mga lumad ay halos
tinatanggalan ng karapatan na makapag-aral dahil sa pagpapasara ng kanilang mga paaralan. Ilan sa mga
dahilan nito ay hindi angkop ang curriculum nila sa standards ng DEPED. Isa rin sa dahilan ang karahasan at
pagpatay sa mga guro at estudyanteng katutubong lumad.Ang mga lumad ay mga katutubong pangkat mula sa
katimugang bahagi ng Pilipinas. Sila ay kadalasan naninirahan sa mga bundok kung saan nandun ang kanilang
kinabubuhay at iniingatang lupaing ninuno.Ngayon ang mga lumad ay maraming kinakaharap na mga problema
katulad ng pagpapasara ng kanilang mga paaralan, pag-angkin ng kanilang mga lupang ninuno, karahasan at
pagpatay sa kanilang mga katutubo at pagkakaroon ng gulo o labanan ng mga militar at teroristang grupo. Ang
mga lumad ay kadalasan naloloko at pinagsasamantalahan ng mga taga labas. Kung kaya't mahalaga sa kanila
ang edukasyon upang sila'y hindi maloko ng iba. Ngunit ang mga lumad ay halos tinatanggalan ng karapatan na
makapag-aral dahil sa pagpapasara ng kanilang mga paaralan. Ilan sa mga dahilan nito ay hindi angkop ang
curriculum nila sa standards ng DEPED. Isa rin sa dahilan ang karahasan na nararanasan nila sa kanilang lugar
kung saan tinatakot at pinapatay ang mga guro at estudyanteng katutubong lumad upang paalisin sila sa
kanilang lupain. Ang mga lupain ng mga lumad ay inaangkin ng mga mayayaman at dayuhan may malaking
interes dito upang gawing minahan at pakinabangan ang mga likas na yaman dito. Kung kaya't sobrang
nababahala ang mga lumad sapagkat sang kanilang mga lupaing ninuno ay mahalaga sa kanilang pamumuhay,
kultura at tradisyon. Nakakalungkot din isipin na ang mga lumad ay nadadamay sa kaguluhan ng mga militar at
grupo ng New People's Army. Kung kaya't wala na silang magagawa kaya't mas pinipili nalang nilang lumayo
at lisanin ang kanilang lupain ninuno.

You might also like