You are on page 1of 3

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION IV- A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF BATANGAS
LIAN DISTRICT
MALARUHATAN ELEMENTARY SCHOOL

ORYENTASYON PARA SA MGA MAGULANG / TAGAPAG-ALAGA


NG MGA MAG-AARAL NA MAG FACE TO FACE CLASSES
SY 2021-2022

Bilang paghahanda sa nalalapit na progressive expansion of face to face classes na


magsisimula sa May 30, 2022, narito ang mga hakbang na kailangang sundin ng mga mag-
aaral at magulang sa pagpasok sa paaralan:

1. Kinakailangan mayroong parental consent na nabasang mabuti at pinirmahan ng


magulang ang mga batang lalahok sa face to face classes.

2. Ang bilang ng mag-aaral sa Kindergarten ay 12, samantalang sa Grade 1 hanggang


Grade 6 ay kung ilan ang kapasidad ng silid-aralan na nasusunod ang pagkakalayo ng
mga upuan ng may 1-2 metro.

3. Mayroong Set A at Set B na itinakda para sa mga mag-aaral; Set A sa face to face
classes at Set B sa modular distance learning. Salitan o palitan ang pagpasok ng mga
mag-aaral at ito ay gagawin sa gabay ng kanilang mga guro.

4. Maaaring magsuot ng school uniform ang mga mag-aaral (kung meron) o malinis na
damit pampasok. Hindi kailangang bumili kung wala pang uniform.

5. Sa mga maghahatid gamit ang ano mang uri ng sasakyan, may itinakdang lugar-
hatiran at doon lamang ibaba ang mga mag-aaral. Ang main gate ng paaralan (GATE
1) ang tanging daan papasok ng paaralan.

6. Para sa aktuwal na pagtungo o pagpasok ng mga mag-aaral sa paaralan,


kinakailangan ang pagsunod sa HEALTH PROTOCOLS:

a. Una, kinakailangang magsuot ng face mask pagpasok sa paaralan.


b. Ikalawa, maghuhugas ng kamay sa inilaang mga hand washing area gamit
ang sabon o liquid hand soap.
c. Ikatlo, kukuhanan sila ng temperature o tatapat ang kanilang pulso o
kamay sa thermal scanner ng paaralan at mag-aalcohol o magsasanitize
ng kamay.
d. Ikaapat, panatilihin ang social distancing pagpasok sa paaralan. Kung
may pagkakataon nagsikip o nagkasunod sunod ang mga mag-aaral
pagpasok sa silid-aralan, mangyaring tumuntong sa dilaw na bilog para sa
pagtatakda ng kanilang distansya.

Address: San Juan, Subd., Brgy. Malaruhatan, Lian, Batangas


 (043) 403-7786
 malaruhatanelem163501@gmail.com
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION IV- A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF BATANGAS
LIAN DISTRICT
MALARUHATAN ELEMENTARY SCHOOL

e. Ikalima, kinakailangang sagutan ang Health Declaration Form na inilaan


ng paaralan.
f. Para sa mga magulang/guardian na kailangang bantayan ang kanilang
anak, may inilaang waiting area at habang naghihintay ditto ay
pananatilihin ang physical o social distancing at limitahan ang pakikipag-
usap sa isa’t isa.
g. Mariin po nating sundin ang mga nabanggit na health protocols para sa
kaligtasan ng ating mga mag-aaral, mga guro, at ng inyong sarili.

7. Sa pagsundo sa mga mag-aaral, ang mga mag-aaral sa Grade 1, Grade 2, Grade 3,


Grade 4 at Kindergarten ay gagamitin ang GATE 2 para sa paglabas, samantalang ang
Grade 5 at Grade 6 ay gagamitin ang GATE 3 sa paglabas. Ang GATE 1 ay hindi
gagamitin para sa paglabas ng mga mag-aaral, tanging sa pagpasok lamang.

8. Ang bawat magulang/guardian ay nararapat na magbigay ng active


cellphone/contact number nila para sa mabilisang komunikasyon ng guro at
magulang na may kinalaman sa mag-aaral.

9. Magdadala ng sariling pagkain para sa recess, hindi magbubukas ang school canteen
para sa recess. Half day lamang ang pasok ng mga mag-aaral kaya ang kanilang
pagkain sa tanghalian ay sa bahay na gagawin.

10. Maglaan ng plastic para sa pinagbalatan ng pagkain pagkatapos magrecess at ilagay


ito sa bag. Iwasan ang pagtatapon nito sa labas o sa daan.

11. Ang face mask na suot ng bata ay wag ring aalisin at itatapon sa labas o sa daan.

12. Kung ang mag-aaral ay may ubo, sipon, o sinat, ipagbigay-alam na lamang ito sa guro
at huwag na munang papasukin ang bata.

13. Sa bahay pa lamang, pagbilinan ang mga mag-aaral ng tamang health protocols, at
maayos na pagsunod sa guro at sa alituntunin ng paaralan.

14. Sunding mabuti ang mga itinakdang mga patakarang ito ng paaralan para sa ligtas at
maayos na pagpasok ng mga mag-aaral at maipagpatuloy ang pag-aaral sa kabila ng
pandemya.

MARAMING SALAMAT AT PALAGI PA RING MAG-IINGAT

Address: San Juan, Subd., Brgy. Malaruhatan, Lian, Batangas


 (043) 403-7786
 malaruhatanelem163501@gmail.com
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION IV- A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF BATANGAS
LIAN DISTRICT
MALARUHATAN ELEMENTARY SCHOOL

Address: San Juan, Subd., Brgy. Malaruhatan, Lian, Batangas


 (043) 403-7786
 malaruhatanelem163501@gmail.com

You might also like