You are on page 1of 11

Audio Play

AUDIO PLAY
HAZEL
Ashley praktisin mo ung sa part ni Jan baka magbackup
vocals tayo kasi paos siya. Goodluck nalang satin!
ASHLEY
Sige Mamshh... susunduin namin kapatid ko ngayon sa
airport, kasama nina tito, bukas na ako ng umaga
magpapraktis ulit, stay muna kami sa kakilala ni mama
sa pasay
HAZEL
Yung kapatid mong bisaya? nagtatagalog ba yun? Ilang
taon na

ASHLEY
7 years old na. Hindi nga nagtatagalog eh hahaha kaya
gusto ko sumama, pinilit ko si mama sabi ko kakalong
nalang ako para magkasiya kami

HAZEL
hahaha
(30 MINS)
HAZEL
Uy nakita mo ba ung balita sa virus sa china? may
apektado na daw na 2 pinoy... feeling ko marami pa eh,
baka magkaroon ng suspension na ilang araw haha
makakapagpraktis pa tayo

ASHLEY
Sana ngaaa makapagpraktis pa pero medyo excited na ako
hahaha. Sabi ni mama mawawala rin yang virus na yan,
tsaka may facemask naman syang dala at mabilis lang
naman kami

HAZEL
Oo mabuti yan mamsh, ingat ka ahhhh
ASHLEY
SALAMAT :> HAHA

(3 HR)
HAZEL
Mamsh! sabi ni du30 maglalockdown daw diyan sa buong
manila, baka maabutan kayo ah, mastuck pa kayo diyan
(NEXT DAY NOON)
Ashley? musta? Nasundo niyo na ba yung kapatid mo?
mukhang seryoso itong virus na to ah, baka sa april pa
tayo mag recognition hahaha. Mukha ngang magsuspend si
(MORE)
2.

HAZEL (cont’d)
gov may ilang araw pa tayo mag praktis, sama mo na yung
huling saknong para mas mahaba. San kana?
(NEXT DAY)
Mamsh paramdam kanaman hahaha, sabi ni ma’am wala daw
klase buong next week, may sembreak ata tayo ah haha
(2 DAYS LATER)
ASHLEY
Mamsh sorry d ako makapagmessenger dito nakihiram
nalang ako ng phone kasi ginagamit ni mama yung akin
eh... Nagulat nga rin kami don sa lockdown! sa biyahe
na namin nabalitaan kasi tanghali na kami nung sunod na
araw nakatv ulit pagdating namin sa kakilala ni mama.
Mukha ngang seryoso talaga to nagsuspend pa,
kakasuspend lang nung sa taal eh, ano na bang
nangyayari hahaha, Mamaya na pala ng hatinggabi
ilalockdown kaya nagmamadali na kami pauwi, kayo musta?
Andito na si Jon hahha ang cute cute niya kaso ang
kulit rin, d ko maintindihan bisaya niya.
HAZEL
Okay naman kami pero mukhang nagpapanic na yung mga tao
sa fb. Patinginnnn kay Jonnn
ASHLEY
Wala ako load pang image haha

HAZEL
Uwi na kayo maaga baka maabutan pa kayo ng lockdown ha
sabihin mo sa mama mo
ASHLEY
Sigee inaantay pa namin ung kakilala ni mama, yung may
ari ng bahay na umuwi haha para makapagpaalam kami.
Nurse yun, kaya ligtas kami dito ang linis linis
HAZEL
Ayun sakto! sige ingat kayo

ASHLEY
Salamat :>
(10PM)

HAZEL
Ashley pauwi na ba kayo? Andaming tao pinapakita dito
sa balita baka mahagip ka sa camera haha
(...)
Naka lagpas na ba kayo ng mga checkpoint? Malapit na
mag 12 huhu, reply ka ha pagnakauwi ka na.
3.

ASHLEY
Nako ang traffic na, 9 pm pa kami makakaalis, aabot
naman kami siguro haha
HAZEL
9pm? 11:30 na mukhang ngayon lang pumasok message mo...
nakaabot ba kayo? pasalubonggggg hehe
(PAST 12)
Ashley? san na kayo?
ASHLEY
Mamsh sobrang daming tao dito ang gulo, nakukuha mo ba
message ko?
HAZEL
Hala andiyan pa kayo? ano na nangyayari makakadaan pa
ba kayo? Oo nassesend message mo
(..)
Ashley? 1am na andiyan pa ba kayo?
ASHLEY
Oo eh, natataranta na sina papa, tas si mama hindi
namin alam san pumunta... nakakatakot andaming mga
pulis naka armalite
HAZEL
Hala, ano na hindi ba kayo pwedeng humingi ng tulong o
kung ano man

ASHLEY
Ewan ko saglit mamaya na ulit ako magrereply ang gulo
sobra. Si jon naiyak
HAZEL
Mamsshhhhh pagdadasal kita, grabe na to sana okay lang
kayo
(...)
ASHLEY
11:45 hindi pa rin kami nakakalayo mula sa coastal mall
dahil sa traffic. Pinababa kaming lahat sa jeep, kinuha
yung temperature namin, kaso si mama kasi walang face
mask kaya kinausap siya nung mga pulis. Binigyan ng
facemask, pero ung jeep na sinasakyan namin nauna na
kasi nagmamadali yung mga tao kaya andun naka pila kami
para makalabas, 12am na hindi pa naurong ung pila. Sana
matapos na to, andami ring tao baka mahawaan pa kami
HAZEL
Halaaaaaa Ashley wala naaman sanang mangyaring kung
ano. Pakiusapan niyo nalang para padaanin kayo
(...)
Mamsh mustaa okay pa ba kayo?
4.

(...)
Mamsh tawagan ba kita?
ASHLEY
Nawawala si mama, di namin alam kung siyan siya
napunta, nagkagulo kasi

HAZEL
HA?! diyos ko po mamsh, ligtas ba kayo? May kumuha ba
sa mama mo?
(...)
Anung gulo? sagutin mo tawag ko, ano na ba nangyayari
diyan?
ASHLEY
yung nasa harap harap namin sa pila umuubo ng malakas.
Nagsilayuan kami, takbo talaga palayo grabe tas
inambaan nung isang pulis ung umubo kaya tumakbo siya.
Ang bilis nung pangyayari hindi ko masyadong makita
nagtakbuhan kasi, nagsisigawan "Tumigil ka baba!"
biglang "Warning shot!" Tas may pumutok sobrang lakas,
umiyak si Jon nadapa siya, bumaba kaming lahat nina
papa, tapos hindi namin napansin kung san nagpunta si
mama. Hinahanap pa rin namin siya ngayon
HAZEL
Hala nasan na kayo ngayon? San niyo siya hinahanap?
Tinatawagan kita bat hindi ka masagot?
(...)
Okay ka lang ba Asley? Reply ka naman please
(...)
Ashley? Okay ka lang ba?
(...)
Ashley baka naman may matulong kami tanong ko kay mama
baka may kakilala kami diyan
(...)
Wala daw mamshhh, sana okay lang kayo, sorry hindi ko
alam gagawin ko
ASHLEY
Sorry mamsh nagalit si papa kasi cellphone pa ko ng
cellphone. Nagiintay kami ngayon dito sa terminal.
Hindi namin alam kung san hahanapin si Mama,
natataranta na si papa.
HAZEL
Pano na yung mama mo? Pano na kayo? Wala ba talagang
paraan para macontact siya? Baka umuwi nalang siya mag
isa
ASHLEY
Walaaaa, kasi nasamin yung bag niya tsaka walang pera
yun sa bulsa. Hindi ko na alam anung nangyayari. May
(MORE)
5.

ASHLEY (cont’d)
traffic parin, nagmamadali parin mga tao lumabas. Hindi
kami aalis ng wala si mama
HAZEL
Ashley di ko alam, ano ba pwede kong gawin? Pagdadasal
nalang kita
ASHLEY
Hindi ko rin alam, naglakadlakad na kami para hanapin
si mama kaso nakakatakot naka hulihin kami kasi lagpas
na curfew
HAZEL
Baka makahingi kayo ng tulong sakanila, ipaliwanag mo
Mamsh

ASHLEY
Ewan ko, sabi ni papa delikado daw, siya na daw bahala.
Magtatago muna kami ni Jon dito sa likod ng van na
nakapark, pianapatahan ko siya kanina pa naiyak nung
nagtakbuhan, may sugat siya hindi naman malalim

HAZEL
Hindi ba dumudugo? Umalis papa mo?
(...)
Nako ingat kayo, ano ba kasi ang nangyayari sa mundo.
Makakauwi rin kayo, tago kayo ng mabuti

ASHLEY
Oo hahanapin niya daw si Mama, maghintay lang daw kami
wag kaming aalis baka mawala pa kami. Nakakatakoy ang
dilim pero ang daming tao sa kalsada

HAZEL
Lumayo kayo agad pag maylumapit sa inyo ha. Nakakatakot
yan sobra
(,)
Mamsh andito lang ako pampawala takot

ASHLEY
Salamat mamsh :> pagod na ako, si Jon mukhang naghikab
na nakakaantok
HAZEL
Baka anung mangyari kayanin mung wag matulog Mamsh.
Usap muna tayo
ASHLEY
Sige
6.

HAZEL
Asan na ba kayo ngayon

ASHLEY
Hindi ko alam, mukhang hindi naman malayo sa kanina
HAZEL
Siguradogn malapit lang mama mo, tiwala lang

ASHLEY
Oo hahaha grabe, buti si Jon nakatulog na.
HAZEL
Mabuti naman mamsh, sana mawala na yang covid na yan,
hindi parin ako makapaniwala sa lockdown, hindi talaga
tayo makakalabas ng bahay, pano na yung gala pano na
yung school, ano ng mangyayari
ASHLEY
Oo nga eh nakakagualt talaga dahil lang sa virus galing
china. Andami ng namatay sa buong mundo nakaktakot

HAZEL
Oo sabi sa ibang bansa "pandemic daw" ano na mangyayari
sa performance natin? Baka madelay pa ng isang buwan
ASHLEY
Sandali
HAZEL
Sige lang, ingat ah
(...)
Ashley ano na nangyari?

ASHLEY
May naka pnp na uniform, ung galing sa checkpoint
kanina, nasaharap ng van ewan paalis na ata pero kasi
ajf

HAZEL
Mamsh? anong ajf? Tawagan ba kita?
(...)
Hindi kita tatawagan baka tumunog phone mo, andiyan pa
ba sila? reply ka agad Ashley
(...)
Hello ashley ano na? Nasan na yung papa mo?
(...)
Ashley
(...)
Reply ka please
(...)
Sorry mamsh pinapatulog na ako ni mama, please okay
lang sana kayo at mahanap mo na mama mo at makauwi na
kayo, goodnight
7.

ASHLEY
Okay naman kami Mamsh, salamat at nakita rin namin si
mama. Umuwi na kami, tulog muna ako 5am na kapagod
HAZEL
Salamat sa diyos nakauwi narin kayo, grabe hahaha buti
okay na, sige pahinga ka muna
(.....)
Sabi ni ma’am hintay nalang tayo balita, wala pa daw
announcement pero baka tapusin nalang daw yung school
year. hahaha di ko inexpect ganun kalaking suspension,
kumusta ka daw?
ASHLEY
Andito parin kami sa manila... umuwi kami dun sa
pinagstayan namin, hindi kami makabalik diyan wala
kaming ID na nagpapatunay sa Cavite kami galing
(...)
Aw bale hindi na talaga tayo makakpagperform? Sayang
yung praktis natin, excited pa naman ako
HAZEL
Ha akala ko nakauwi ka na dito, ano wala na ba akyong
ibang paraan para makauwi? Anong sabi ng mama mo?
ASHLEY
Nung nahanp ni papa si mama, hindi muna kami tumuloy
pauwi ng cavite kasi hinahanapan kami ng kahit naong
ID, eh hindi nagdala sina papa... Sinusubukan pa naming
makausap yung barangay kaso ayaw nila dahil lockdown.
Umalis kami dun sa stayan namin kasi nakakaistorbo na ,
apat rin kami eh tapos delikado pa kasi nurse siya.
Nakaalis na si Tito ng Manila bago naglockdown kaya
pinakausapan niya nalang yung kaibigan niya na
patirahin kami sa isang compound ng libre kaso walang
kuryente at tubig at masikip. Wala na ring pera si mama
kasi yung pamasahe namin pinambili na namin ng pagkain,
kaya naghahanap muna siya ng pwede mautangan.
HAZEL
Hala eh kelan kayo makkauwi? Ang hirap naman niyan
Mamshh sabi ni mama pwede daw siya magpadala sa inyo ng
pera para makauwi daw kayo, may malapit ba diyang
remmitance center?

ASHLEY
Talaga? Nakakahiya naman mamsh pero maraming salamat,
sige sasabihin ko kina mama. Baka sa April pa kami
makakauwi pag pwede na
(...)
Maraming salamat rin daw sabi ni mama. Hahanap daw siya
agad kapag pwede na lumabas, andaming nagroronda kasi
(MORE)
8.

ASHLEY (cont’d)
dumadami na daw ang may covid. Grabe talaga hindi natin
alam kung ano nang mangyayari... kayo, kumusta kayo
diyan?

HAZEL
Okay naman kami dito pero mukhang mawawalan muna ng
trabaho si mama, panandalian lang naman. Inannounce rin
na magkakalockdown dito pero may relief goods naman
sigurong dadating. Sainyo anung sabi? Text ka kaagad
pag may okay ng remittance center

ASHLEY
Hala pati diyan may lockdown? Sana wala namang
magkacovid diyan, dito kasi madami eh ang higpit
higpit. Sabi rin daw mamimigay ng relief goods,
inaantay nga namin eh wala kaming pangkain

HAZEL
Nako kung pwede lang pupuntahan ka namin nina mama
diyan, pasensya ka na at bawal. Tiis tiis lang muna
magbibigay rin sila ng relief goods. Ingat kayo, basta
mag face mask lang para hindi kayo hawaan

ASHLEY
Sana nga hahaha, para matigil narin pag pagrereklamo ni
Jon ang kulit eh
HAZEL
Anung sabi? hahha
ASHLEY
Ewan ko, si papa lang nakakausap. Gagamitin na ni mama
yung cp, chat nalang kita ulit pagnahiram ko

HAZEL
Sige babye ingat
ASHLEY
babyee ingat

(...)
HAZEL
Ashley? Kumusta ka na? Makkauwi na ba kayo? Grabe
dumadami na yung kaso, may nagkacovid na nanggaling
dito kaya strikto na
(...)
May nahanap na ba kayong rammitance center?
(...)
Nagannounce na yung school na tatapusin nalang daw yung
school year, ano na kaya mangyayari sa grades natin
hahaha
9.

(...)
ASHLEY
Wala pa rin yung relief goods. Gutom na ko Mamsh, dati
hindi ako ginugutom ng ganito pero ngayon, minsan
paggising ko walang pagkain, pag di ka pa nakakkain
tatamarin ka talaga kumilos. Manginginig ka nalang sa
gutom yung hindi kana magsasalita. Takot naman sina
mama lumabas dahil huhulihin ka ng pulis, nung sinita
siya ng pulis sabi niya mamumulot lang siya ng gulay sa
palengke para kahit paano may pandagdag sa pagkain.
Wala pang mga bukas na remmitance center eh. Okay na
rin na natapos na yung school year kasi hindi rin kami
makauwi diyan, dumami pa yung kaso, nakakawalang gana.
HAZEL
sorry mamsh, hindi ko alam kung anung tulong magagawa
namin. Ipagbibigay alam namin yung sitwasyon niyo sa
mga tao dito baka macontact nila yung barangay sa inyo.
Ano ba kasing ginagawa ng mga barangay tanod diyan sa
inyo, kinocorrupt nanaman ba nila? Mga wlang kwenta
hindi na nila naisip ang mga tulad mong nanginginig
nalang sa gutom. Sorry talaga mamsh, kami rin wala eh,
wala ring relief goods pero kinakaya panaman makakain,
kakayanin niyo rin yan. Baka naman may pwede kayong
pagkakitaan? Magbenta ng kung ano man
ASHLEY
Nagawa kami nina mama ng facemask sa tela tapos
binebenta namin sa palengke, pero kulang na kulang
parin. Kakayanin naman namin siguro, tiwala lang sa
Diyos, salamat rin sa tulong niyo kahit kapos kayo,
babawi ako sayo mamsh.

HAZEL
Oo ngayong pandemic kailangan lahat talaga tayo tulong
tulong. Bukod sa facemask baka may pwede pang
pagkakitaan?
ASHLEY
Yun nga eh nagaaway si mama at si papa kasi ayaw ibenta
ni papa yung ibang gamit niya, pero may tama naman si
papa kasi kakaunti lang ung damit namin hindi naman
namn inakalang maiistuck kami dito, lilima lang yung
pantaas ko hahaha buti nalang nasa bahay lang kami

HAZEL
Nako sabihin mo wag naman magaway, mahirap na sainyong
lahat yan lalo pa kung hindi magkaayos. Pagusapan
nalang kamo
10.

ASHLEY
Wala eh, ganito na talaga sila bago pa magkapandemic,
dapat kasi magaabroad na si papa, pinagawayan pa nga
nila yun araw araw eh hanggang napikon na si papa,
paalis na siya kahit ayaw ni mama, tapos eto
nagpkapandemic. Last week pa talaga tinatawagan ni papa
yung embassy pero hindi nasagot, para talagang nawalan
ng kausap sa gobyerno hahaha
HAZEL
Ano ba yan kayo kayo na ngalang magkakasama
nagkakaganyan pa :(( sana naman magkaayos ang mama at
papa mo. Sorry hindi ko rin alamg ang gagawin pag
nagkaganyan eh

You might also like