You are on page 1of 3

Integrative Written Task (IWT)

IKAAPAT NA MARKAHAN
FILIPINO 9
UNANG LAGUMANG PAGSUSULIT
(Modyul 1 at 2)

School and Grade/Year Level: BUGAY NATIONAL HIGH SCHOOL/GRADE 9


OMOD NATIONAL HIGH SCHOOL/ GRADE 9
ABUNDIO AGARPAO SR. MEMORIAL HIGH SCHOOL/
GRADE 9
ANTONIO M. LACSON SR. MEMORIAL HIGH
SCHOOL/GRADE 9
Name of Teachers and Subject Areas: GINALYN MARO- FILIPINO 9
CHARLENE BELIGOLO- FILIPINO 9
MELANIE NICOS – FILIPINO 9
ROCHELYN UNDAC – FILIPINO 9

Mapped Most Essential Learning Competences:

Filipino:
1. Batay sa napakinggan, natitiyak ang kaligirang pangkasaysayan ng akda sa
pamamagitan ng:
 pagtukoy sa layunin ng may- akda sa pagsulat nito
 pag-isa-isa sa mga kondisyon ng lipunan sa panahong isinulat ito
 pagpapatunay sa pag-iral pa ng mga kondisyong ito sa kasalukuyang panahon sa
lipunang Pilipino (F9PN-IVa-b-56)

2. Nailalarawan ang mga kondisyong panlipunan bago at matapos isinulat ang


akda
(F9PB-IVa-b-56)
3. Natutukoy ang mga kontekstuwal na pahiwatig sa pagbibigay-kahulugan
(F9PT-IVa-b-56)
4. Nailalahad ang sariling pananaw, kongklusyon, at bisa ng akda sa sarili at sa
nakararami (F9PS-IVa-b-58)

ESP:
1. Nakapagpapaliwanag ng kahalagahan ng Personal na Pahayag sa Misyon sa Buhay (EsP9PK-
IVc-14.1)

I. TAMA o MALI
Panuto: Isulat ang T kung ang pahayag ay TAMA. Kung MALI, bilugan ang salitang
nagpapamali sa pahayag at isulat ang tamang sagot sa patlang bago ang bilang..

________1. Ang salitang panlibak ng mga Espanyol sa mga Pilipino ay payat.


________2. Paghahari ng Kasakiman ay ang kahulugan ng Noli Me Tangere.
________3. Ang nagpahiram ng pera kay Rizal para maipalimbag ang nobelang “Noli Me
Tangere” ay si Maximo Viola.
________4. Ang naging inspirasyon ni Rizal sa pagsulat ng “Noli Me Tangere” ay ang Uncle
Tom’s Cabin ni Valentin Ventura.
________5. Ang “Noli Me Tangere” ay halimbawa ng nobelang pang-aliw.
________6. Tuberculosis ang sakit sa lipunan na tinutukoy ni Rizal sa nobelang “Noli Me
Tangere”.
________7. Inihambing ni Jose Rizal ang Uncle Tom’s Cabin sa kapalarang sinapit ng mga
Pilipino sa kamay ng mga Kastila.
________8. Itinulad niya ang Noli Me Tangere sa isang bulok sa lipunan na nagpapahirap sa
buhay ng isang tao.

II. PAGPAPALIWANAG
Para sa bilang 9-12
Panuto: Sa apat na pangungusap, isulat ang iyong opinyon sa naging misyon sa buhay ni
Jose Rizal at kung paano ito nakaapekto sa iyong buhay. Ipaliwanag rin kung bakit
mahalaga ang pagkakaroon ng Misyon sa buhay.

Pamantayan sa pagmamarka:

1 puntos- Nakapagpapahayag ng misyon ni Jose Rizal


1 puntos- Epekto nito sa sarili
2 puntos- Kahalagahan ng Misyon sa buhay
KABUUAN= 4 puntos

School:
SCHOOL Address:
Telephone No.:
LOGO Email Address:

You might also like