You are on page 1of 1

Tawag ng Bansa

Serbisyo sa bayan
hindi nakakaligtaan
Mga sundalong Indio
na handang labanan maging delubyo

Mga bayani na ang sandata ay tapang


Buhay ay sinusugal para tumulong
Tuwing sakuna sila’y nakaantabay
Baha’y lulusubin, kapwa’y bubuhatin

Labanan ng katapangan
hindi para pumatay ngunit para magligtas buhay
Bala’t armalite ay isinasantabi
buhat ay pagmamalasakit at sakripisyo

Dahil kaligtasan ng bayan


ang una sa kanilang listahan
Lahat ng nasira, buhay man o inprastaktura
kanilang niyayari’t kinukumpuni

Ganito kung kumilos ang mga sundalo


Mabilis at may pananagutan
Sanay at handang magbigay kalinga
At pag-asa sa masa

Una sa aksyon dala ang dedikasyon


karangalan, katungkulan, at kabayanihan
Laging handa sa anumang tawag ng bansa
Sa giyera man o sa sakuna

You might also like