Napakahalaga po ng gospel/verse na ito dahil natutulungan
po tayo nito na bawasan ang bigat ng ating mga iniisip. Kanino po ba natin dapat na ipagpabahala ang lahat ng ating mga problema? At bakit po natin dapat na bigyan ng focus ang ating mga anxieties? Unang una po, ang Diyos ang ating karamay sa lahat. Siya po ang nakakaunawa ng ating mga iniisip na problema kung bakit po tayo nag-aalala. Ang kailangan lang pong gawin sa tuwing inaatake po tayo ng ating mga anxiety, manalangin. Makipag-usap po sa Diyos, sa kaniya po natin idaing lahat ng mga bagay na pinag-aalala po natin dahil may pakiealam po ang Diyos sa nararamdaman natin. Dahil sa lagi po tayong iniingatan at inaalala ng Diyos, hindi po natin dapat bigyan ng pokus at oras ang ating mga anxieties, hindi po tayo matutulungan ng mga ito sa paparating nating mga tagumpay. Your anxiety will not help you to continue living your life to the fullest, it will distract you and push yourself to give up. Heal your anxieties with God who cares about you.