You are on page 1of 1

Ate, nagtitinda ho kayo ng Tsokolate?

Mag aalas-dose ng tanghali nang kami ng aking kaibigan ay pauwi


na at bigla naman kaming hinarangan ng dalawang hindi kilalang babae.
Sadyang nakakagulat na nilapitan nila ako at saka nagbigay ng kapirasong papel
na may mahalagang mensahe, wika nila. At saka ibinigay ang katamtamang laki
ng kahon na may maliliit na tsokolate sa loob nito. Nakangiti ko namang
tinanggap ang lahat ng ibinigay nila at nagpasalamat, ngunit nakalimutan kong
itanong kung kanino ba galing ang lahat ng ibinigay nila lalo na ang kapirasong
papel na may nakasulat na "gusto kita kahit hindi mo ako gusto". Habang bitbit
ko ang tsokolate ay agad na kaming sumakay sa jeep ng aking kaibigan. Tuwang-
tuwa siya nang mabasa niya ang nakasulat sa papel at saka ako inasar na "uy
buti pa sayo may nagkakagusto, kainin na natin yang binigay niya". Naalala ko
naman na hindi ko pala maaaring iuwi ang mga tsokolateng ito dahil baka
itanong ni mama kung kanino ito galing. Dahil hindi ko maaaring iuwi ang mga
ito ay kinain namin ng kaibigan ko habang nasa loob kami ng jeep, sakto naman
ay kakilala ko ang ibang pasahero at saka ko sila binigyan. Kilala ang mga
tsokolateng ibinigay niya ngunit sobrang dami pa rin ng mga ito, nang biglang
may nagtanong sa'kin, "nagbebenta po kayo ng ganiyang tsokolate?". Lahat ng
mga pasahero na dati kong kaklase ay nagsitawanan, at sila na rin ang sumagot
sa tanong ng isang pasahero. "Mukha ka daw nagtitinda ng tsokolate"
natatawang sambit ng kaibigan ko kasabay ng "galing yan sa nagkakagusto sa
kaniya, pinamimigay niya yan dahil mapagbigay siya sa mga oras na ito" wika ng
pinakamakulit kong kaklase noon. Tumawa kaming lahat ng nasa jeep at tila
natatawa rin ang driver ng jeep dahil sa sinabi ng dati kong kaklase. Binigyan ko
naman ng tsokolate ang pasaherong nagtanong, maging ang driver na kanina pa
nakangiti sa ingay ng kaibigan ko nang malaman niya na galing ang mga
tsokolateng iyon sa nagkakagusto sa akin. Magmula noon ay naging kaibigan ko
ang lahat ng pasahero ng jeep na sinakyan namin ng mga oras na iyon.

You might also like