Professional Documents
Culture Documents
Salamat po,
Maricar
Ms. Maricar,
Kung ang nabili mong property ay nasa isang subdivision at mayroon itong
homeowners association ay puntahan ninyo muna ang mga opisyales nito upang
sila ang makipag-usap sa mga nag-squat sa property ninyo. Katungkulan nila na
mapangalagaan ang kabuuan ng subdivision.
Kung ang nabili naman ninyo na property ay diretso mula sa Pag-IBIG at ang
property na ito ay na-foreclose o nailit ng Pag-IBIG dahil sa hindi nakakabayad
ang unang bumili ay isang Petition for Issuance of Writ of Possession ang inyong
isasampa sa korte at hindi kasong ejectment. Ang Writ of Possession ay isang
kautusan kung saan ang possession o pag-okupa sa isang property ay ibinibigay
sa mga taong nakakuha o naka-acquire ng property sa pamamagitan ng isang
auction o subasta.
Kung nabili mo naman ito sa may-ari at saka ka nag-apply para sa Pag-IBIG
house loan ay maaari kang humingi ng tulong sa nagbenta sa iyo upang
mapaalis ang mga nag-squat sa property niya maliban lamang kung ikaw na ang
umako sa obligasyon na paalisin ang mga ito nakatira sa lugar ay kakailanganin
mo na padalhan sila ng demand letter kung saan sasabihin mo na nais mo nang
gamitin ang property.