You are on page 1of 2

NOTE: The “/” should serve as stop

Pilipinas, Sa Panahon Ng Imperyalismo

Clive – 1st Stanza


Tinaguriang “Perlas / ng Silanganan”
Itong munting bansang ating / sinilangan,
Mula ng bawat banyaga’y / nagsiratingan
Pinagdamot ang ating ka/payapaan at kalayaan.

Jared – 2nd Stanza


Tayo’y napasailalim / sa mananakop ng ating bansa
Hindi natin maikakaila, / kalayaan ay ating tinatamasa
Di sukat akalain, sariling kapwa / ay mamimihasa
At pagiging isang Pilipino / ay aking ikinakabahala

Matthew – 3rd Stanza


Paniniwala, tradisyon, kultura
Atin nga ba / o isang implowensya?
Implowensya noong tayo ay sinakop / ng ibang bansa
Implowensyang dapat ba’y ipagmalaki / o ikahiya?

Jerish – 4th Stanza


Noon tayo ay nagkakaisa at / masaya
Hanggang ngayon tayo’y nagdiriwang parin ng fiesta
Ngunit sa kabilang banda
Halos kalahati ng kasiyahang ito / ay implowensya ng ibang bansa
Kirk – 5th Stanza
Nagsimula ito sa pananakop ng ibang bansa
Hindi natin magawang tangkilikin ang sariling atin
Nabulag sa “standard” ng ganda / na tanging tinitingnan ng ating mga mata
Gustong maging isang maganda / sa sariling paningin at sa iba

Rirao – 6th Stanza


Isa pang halimbawa,/ ating wika na kinakahiya pa ng iba
Kaya kahit saan ka magpunta,/ kapag marunong kang mag ingles / ay pinupuri ka na
Pilipinas! Napagtanto nyo na ba?
Na tayo ay nakatali pa / dahil sa kanilang mga implowensya

Capayas – 7th Stanza


Kung mapapansin man ng lahat,/ mas marami sa populasyon ng bansa / ay
Kristyanong Katolika
 Ito ay relihiyong ginamit / sa pananakop sa mga Pilipino / para tingalain ang Espanya
Maraming pa ring bulag na Pilipinong sumasamba,
Sa mga nilikha't kalakalan ng mga kanluraning bansa

Santino – 8th Stanza


Kapitalismo, Pasismo, at Sistemang Patriyarkal
Sa ating bansa lumalaganap pati pangangalakal
Sinayang ang sakripisyo / ng ating mga bayani
Na nagkaisa para makamit ang kalayaan na minimithi

Bonus – 9th Stanza


Ako, ‘di ko rin alam ang katotohanan pagkat napakalabo
Marahil ito na nga tayo! manhid! manhid sa kung ano ang totoo
Heto,/ at patuloy na tinatalikdan / ang ating pagka-Pilipino
Kaya’t sino nga ba talaga / ang mga Pilipino?

You might also like