You are on page 1of 1

Pangalan: PASAHOL, ZETH MARC A.

Seksiyon: 10-ACAPULCO

Gawain sa Pagkatuto Bilang 3: Gumawa ng REFLECTION. Magsulat ka ng iyong nararamdaman o


realisasyon gamit ang mga sumusunod na prompt. Isulat sa loob ng kahon ang iyong kasagutan.

Naunawaan ko na….. sa ating lipunan, may mga isyu na


nagaganap na may kaugnayan sa hindi paggalang sa buhay. Ito ay
ang aborsiyon, paggamit ng ipinagbabawal na gamot, alkoholismo,
euthanasia at pagpapatiwakal. Nakakalungkot na nangyayari ito sa
ating kasalukuyang panahon at kadalasan ng mga ito ay kabilang
ang mga kabataan sa mga gawaing nabanggit.

Nabatid ko na….. may mga dahilan ang bawat isa kung bakit nila
ginagawa ang alinman sa mga nabanggit. Maaaring sila ay may
pinagdadaanan o di kaya may mga masasaklap na karanasan na
gusto nilang kumawala sa mga ito. Tayo lamang ang makatutulong
sa ating sarili, tayo lamang ang nakararamdam sa ating sarili at tayo
lamang ang makagagawa ng pasya sa mga ito. Kaya nararapat na
tayo ay manalig lagi sa Diyos.

Naisasagawa ko na…..nararapat na aking laging isasaisip ang


aking sasabihin at gagawin, dahil nasa aking mga kamay ang aking
pagpapasya. Kung may mga taong humihingi sakin ng tulong, sila ay
pakikinggan ko, uunawain at susubukang suotin ang kanilang
sapatos. Hindi ko sila didiktahan kung ano ang kanilang gagawin,
bagkus ipapaunawa ko lamang kung ano ang makabubuti para sa
kanila.

You might also like