You are on page 1of 1

Pebrero , 2022

G. Ramir Hermosilla
Punong Baranggay
Taltal , Masinloc, Zambales

Ginoo,

Layunin po ng liham na ito na ipabatid sa inyo na ang aming samahan ay planong taasan o dagdagan
ang kasalukuyang pamasahe. Bunsod po ito ng patuloy na pagtaas ng presyo ng petrolyo/krudo na aming
pangunahing pangangailangan upang makabyahe at makapagbigay serbisyo sa aming lugar. Isa rin pong
dahilan ang hindi maayos na daan na nagiging dahilan ng pagkasira ng aming mga unit na nagiging pasanin ng
mga operator at nagpapataas ng maintainance ng sasakyan.
Nais po naming dagdagan ng limang piso (₱5.00 ) ang kasalukuyang ₱ 40.00 na pamasahe ng
manggagaling Mandaloy hanggang Km 1 (vice-versa) at ₱ 45.00 naman para sa mangagaling Coto patungong
Km 1 (vice versa).
Lumalabas na ₱ 45.00 ang bagong pamasahe ng magmumula sa Mandaloy at ₱ 50.00 naman sa Coto. Ang
dating minimum fare na ₱ 10.00 sa unang apat na kilometro ay gagawing ₱ 15.00 sa unang apat na kilometro.
Batid po naming ang hirap na dinaranas ng bawat isa bunsod ng pandemyang ito, ngunit kami man po
ay apektado.
Inaasahan po naming ang inyong pantay at buong pusong pagtugon at pagsang-ayon ukol sa usaping
ito.Maraming salamat at magandang araw sa ating lahat.

Lubos na gumagalang,
COTO OPERATORS and DRIVERS ASSOCIATION

JOHNLEE BESAS OSCAR SANTILLAN ALLAN BESAS


OPERATOR/DRIVER OPERATOR OPERATOR/DRIVER

DELFIN UYAM JESSIE DAON HELEN P. QUIROZ


OPERATOR OPERATOR/DRIVER OPERATOR

TIGNAN ANG NAKA ATTACH NA DOKUMENTO SA LIKOD….

You might also like